Kaibigan

Sa iksi ng panahon na nakilala kita, pakiramdam ko ba ang tagal na nating magkakilala. Noon ka pa yata na-introduce sa’kin, nung past life pa natin. At least sa pakiramdam, parang ganun na katagal.

Iba kasi yung koneksyon. Nangyayari naman yata ito kahit kanino. Yung may makilala ka na indi man sa una at pangalawang pagkikita, sa pangatlo, tiyak na ito na nga ang karugtong ng bituka mo sa mga darating na araw at kung papalarin, hanggang sa pagtanda na.

Sa buhay, mahirap makahanap ng totoong katoto. Pag sinabi kong totoo, ito yung literal na totoo ke nakaharap, nakatagilid, nakaupo o nakatalikod ka…alam mong tunay ang sinasabi. At pag may sasabihin, ke masakit ito, wala siyang pakialam dahil ang katwiran niya, siya lang naman ang pwedeng magpamukha sa’yo ng totoo na walang halong masamang intensyon, pawang katotohanan lamang. Kahit minsan tagos sa buto ang mga sinasabi, para bang may bumatok sa’yo ng malakas para matauhan.

Ikaw yun. Salamat sa pagsasabi ng totoo.

Kasama na rin dito ang totoong pagpuri. Pag sinabi kong totoong pagpuri, ito yung compliment na kaswal at walang halong pilitan at inggitan on the side. Minsan magugulat ka na lang na pati ito napapansin din niya. May mga tao na namumuri kasi merong bago sa kanila na dapat punahin. Pangbanda lang yung pagpuri niya sa’yo kasi siya talaga ang highlight’.

Ikaw din yun. Salamat sa mga compliment.

Kahit mas madalas na tahimik ako, alam ko naman na mas marami kang baon palagi. Ikaw yun. Ikaw na. Malungkot at tiyak na may sakit ka kapag wala ang sigla sa bawat kwento mo. At dun palang, alam ko na may something. Dapat pag-usapan.

May mga pagkakataon na kahit indi na ako magsabi, alam mo na agad ang itatanong. Mga bagay na ikinagugulat ko pa rin paminsan-minsan. Aaminin ko, mas madalas sa indi na kapag indi na ako nakasagot sa ilang magkakasunod na pambu-bully mo, ito na ung moment na na-bull’s eye mo na ang sagot at indi na ko makasagot. Yun na yun. Mahirap makahanap ng kapareho mo mag-isip.

Sa lahat siguro ng hebigats issue na napagbrainstorm-an natin, itong sa’yo ang pinakamabigat. Indi araw-araw makakarinig ako ng kwentong tulad ng sa’yo. At alam ko, sa pagkakakilala ko sa’yo, sa lakas ng loob at tapang mo…ang pangyayaring ito – – nilamon ka ng buong-buo.

Kung si Superman, kapag napapalapit sa kryptonite’ ang lahat ng lakas niya nauubos kasama ng pagbagsak niya. Nakita ko ang kryptonite mo at nakita kita. Sana indi na lang totoo. Sana may nagbiro lang at mamaya babawiin na rin.

Pero indi.

Habang nakikita kita na nilalamon ng kahinaan, kahit nandito ako pakiramdam ko wala akong silbi. Indi ko alam kung paano ako makakatulong makabawas sa sakit. Kung pwedeng ako nang iiyak para sa’yo dahil halos maningkit na ang mata mo mula umaga sa kaiiyak. Kung ako man ang nasa posisyon mo at haharap sa katotohanan na ito, indi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas para tanggapin ang lahat. Kasi ako malamang, nahimatay na at indi na makakatayo marinig pa lang ito.

Hanga ako sa’yo. Sa maraming aspeto. Marami na akong naging kadikit kahit noon pa, pero ang samahan natin ay pwede mo nang makita at mabasa sa mga libro. Pwede palang mangyari ang ganun kahit pa ganun lang kaiksi ang panahon ng pagkakakilala natin.

Umaasa ako na malampasan mo ang lahat. Alam ko kaya mo yan. Naniniwala ako sa kakayahan mo at sa lakas ng pananalig mo sa Kanya. Alam ko, indi ka Niya pababayaan.

At sana wag mo ring kalilimutan na nandito pa rin ang pamilya mo…ako…kami, ang mga kaibigan mo na hinding-hindi mawawala sa oras na kailangan mo. Maraming nagmamahal sa’yo. At alam ko, ang mga ito at Siya ang magiging gabay mo para ituloy ang nasimulan.

Labyu ‘te, Be strong.

2 thoughts on “Kaibigan

  1. hello po.

    may nagawa rin ho akong parang ganito dati para sa isang male friend/buddy/katsokaran ko for more than 20 years na. pero, mahaba ang article, 12 pages na’y 75% pa lang.

    parang ang tagal bago ko nakita na ang dami pala nyang ginawa for me. samantalang ako, ka-buddy lang. hindi ko nagawa ang mga ginawa at ipinagtyaga nya sa akin. ayon po.

    am not sure if i’ll publish that. baka ibigay ko na lang po sa kanya. thanks for this. regards,

  2. Salamat teh…ngayon ko lang nabasa ito ng partly maliwanag ang pag-iisip ko, nung first kase para lang akong grade 1 na nagbasa, literal lang na bumasa pero indi naintindihan ang lahat.

    labyu labyu teh basta sana BFF for life tayo, ikaw na at isa ka na sa mga lakas ko kaya sana wag kang magpaka-kryptonite saken when rough time comes. Thanks much talaga, so inspiring pinaiyak mo lang naman ako…BOW!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s