Scoreboard

Lamang ka na ba? O nananalo na ang kalaban?

Ang tanong…’Kaya mo pa ba?

Kaya pa ba ng oras kung sakaling pilitin mo pang humabol?

Sa tingin mo ba makakahabol ka pa?

Kung iniisip mo ang pagod at hirap para lampasuhin ang kalaban,

Gugustuhin mo pa bang bumawi

— at manalo?

Lahat naman tayo yan ang goal, ang manalo. Ang malampaso ang kalaban. Ang matapos ito ng may karangalan.

Shempre, ano pa ba ang mas sasarap pa sa kapalit ng hirap kundi tagumpay, diba?

Meron na bang lumaban na indi naghangad na manalo sa huli?

Meron bang lumalaban para lang sa wala?

At meron din bang nagpapakahirap dahil gusto lang ng hirap kahit walang mapapala?

Lahat ng bagay sa mundo, conditional.

Lahat tayo nag-eexpect ng kapalit. Yung kayang tapatan ang hirap at sakit na bingay mo. Isama mo pa ang sakripisyo mo. Yung binigyan mo ng lahat. Yung sinasabi mong sapat na’ng nand’yan lang siya para sumuporta. At kahit sabihin pa nila na merong ganun. Merong nagbibigay ng walang hinihintay ng kapalit…ang paghihintay ng sagot ay isa na ring paghahangad ng kapalit.

Indi naman lahat ng sumusugal, nananalo. Meron pa bang mas sasakit pa dito?

Eh pano na nga kung ganun ang nangyari, kulelat ka na at malapit na sa pagkatalo? Laban pa rin? Magrerequest ka na ba na magpatalo na ang kalaban para lang makabawi ka?

Bakit ba ang dami kong tanong?

Wala akong sagot sa lahat ng tanong na nilagay ko.

Pwede ko na bang isagot na, ‘Indi naman sa lahat ng oras, ikaw ang panalo. Laging moment mo. Ikaw na ang swerte. Ikaw na ang buenas at magaling sa chamba. Kaw na..

Minsan, mas nakakadagdag sa perseverance ang matalo. Ang mabawian. Ang malampaso. Ang mapagkaisahan ng swerte ng iba. Ang di mabigyan ng pagkakataon.

Kasi katulad mo, naghintay din sila ng ganitong pagkakataon. At katulad mo, ang paghihirap at sakit para marating at makamit ito ay pareho lang. Pana-panahon lang ika nga ng mga oldies. Pero totoo.

Lahat ng bagay ay may tamang oras at pagkakataon. At indi porket talunan ka, ibig sabihin palagi na lang ganyan.

Darating din ang moment mo. Oo, di kasi pwedeng sabay-sabay. You can’t have everything. Where would you put it?’

Ok lang kung di ka manalo. Mahirap talaga pumusta. Marami kasi pwedeng mangyari.

At dapat sa lahat ng pagkakataon, handa ka. At kaya mong palampasin. Tanggapin.

Cause it’s the right thing to do.’

8 thoughts on “Scoreboard

  1. tama…

    Indi naman lahat ng sumusugal, nananalo. Meron pa bang mas sasakit pa dito?

    pero gaya nga nang sabi mo darating din ang moment mo…

    hintay hintay lang everything happens for a reason

  2. eh di ba kaya ka tumataya dahil nais mong manalo. Pero pano kung ang lahat- lahat ay tinaya muna,pero sa huli isa ka pa ring dakilang talunan tatanggapin na lang ba natin ito?

    1. Doug, di naman porket tinaya mo na lahat yon na ang basis para manalo. eh pano kung indi ka talaga destined manalo? meron ka pa bang ibang choice? shempre tatanggapin mo ang fate mo sa sitwasyon pero indi ibig sabihin nito na hihinto ka na. maraming pagkakataon sa ibang araw at panahon. pwede sumubok ulit. pwede un.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s