Naiinip din…

Ang masasabi ko sigurong pinaka-nega kong ugali ay yung pagiging MAINIPIN. Lahat ng bagay na related sa pagkainip, nasa ‘kin lahat. Nasalo ko nung nagsabog ng inipness si Kuya Jesas. Gising na gising ako nun at malamang nanonood pa.

Lahat naman siguro tayo may bad trait na ganito, depende sa sitwasyon.

Pero ako, tulad ng sakit sa ulo, sakit ko na talaga ‘to.

Okay fine ang babaw ko. Aminado naman ako.

Dati rati, pag naiinip ako at pag sobra-sobra na talaga…nagiging galit. Oo, nagagalit ako pag naiinip. At minsan kung anu-anu na ang natatahi kong galit sa sobrang pagkainip. At walang mapapakalma sa’kin. Pwede sigurong ihatid mo na lang ako pauwi para matigil na at doon ko na ituloy sa bahay ang pagbabasag pagsusungit ko.

Nung tumagal, nag-improve naman siya. Indi na ko nagagalit ng sobra…umaalis na lang ako ng walang pasabi. Oo, walk out queen ako. At ilang araw na indi makikipag-usap hanggang sa makalimutan kong nainip ako ng sobra. OA diba? May ganun talaga.

Tapos, siguro dahil sa nagmature na rin ako kasabay ng edad ko…I don’t want to make this INIP-thing get the best of me. Para yun lang magagalit na ko? Para yon lang palalalain ko?! Whatta childish thing to do diba? (Oo, naiisip ko rin yon, ‘no naman akala nyo sa’kin..)

Kaya natutunan ko na dumating ng Filipino time. Oo, ung late ng isang oras. O kaya dalawa pag indi ko pa maiwanan ang ginagawa ko.

Kaya indi na ko naiinip, kasi sila na naiinip kakahintay sakin yon nga lang todo explain naman ako kung bakit ako na-late. Kesa naman mainip ako diba? Oo, bad yun. Minsan lang naman mangyari yon. J

Sabi nga nila, lahat ng sobra ay nakakasama.

Kung ano yung mga bagay na alam nating indi maganda, indi laging dapat idahilan na ganun ka na, kaya ang ibang tao ang dapat mag-adjust para sa’yo. May mga pagkakataon na pwede naman ito pero indi palagi at indi lang ikaw ang anak ng Diyos na dapat pagbigyan. Depende sa sitwasyon at sa mga tao kung keri nila ang pagkabitchy mo kasi kung indi, dun ka sa inyo at dun ka magpakabitch atleast bahay mo yun at walang makikialam sa’yo.

May limit lang at gaya ng ibang mature na tao, kaya mong dalhin. Kundi, baka sila na ang magwalk out sa buhay mo.

 

2 thoughts on “Naiinip din…

  1. naku, may ganyan akong friend. gusto na akong tunawin kahit minuto lang late ko (mga 59 minutes hehehe). tas siguto nasanay sa akin sya naman ang nagpa-late. eh ako naman ay sakto na dumadating. wala gulo lang hahaha! nagaya rin kita doon sa isang kaibigan ko. pero lintek lang talaga at di ko na maintindihan whatever yung explanation nya nung na-late ng take note 3 hours. puwede naman kasing sabihin na wag muna kayo umalis ng bahay baka ma-late ako ng sobra o magkita na lang sa oras na alam nyang darating siya.

    ako nung nainip sa isnag job interview ko, walk out talaga ako. kung applicant ka palang ganun na yung magiging amo mo, what more kung naging empleyado ka na nya. 3 hours din ata yun nagpahintay. tas paglabas ko ng elevator parating na siya. hahaha bloopers lang.

    1. Salamat sa comment Hitokirihoshi’
      Ok lang naman yung naghihintay paminsan-minsan pero pag madalas na, yun ang nakakainis.
      -Alam mo ba na ang pagpapahintay sa mga aplikante sa oras ng interview ay kasama na sa evaluation mo bilang isang aplikante. Akala mo lang naghihintay ka pero merong nag-oobserba sa’yo habang naghihintay. Kasama yan sa personality evaluation. Kaya dapat kahit ganun, poised ka pa rin o di kaya ay indi mashado nakikipag-interact sa mga kasabay na aplikante. Lam mo naman na first impressions last. Sana nakatulong ito.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s