FB

Kung sikat na sikat si Manny Pacquiao sa buong mundo, may mas sisikat pa ba sa Facebook?? Konek diba hehe…

Sa panahon ngayon, indi ka ‘in’ kapag wala kang Facebook account at indi makukumpleto ang araw mo kapag indi mo nasilip ang facebook at na-check ang notifications at kung adik na adik ka na talaga, ung mga pananim at mga business na tinayo mo dito.

Kung dati’y namamayagpag ang social site na Friendster at dito na umiikot ang buhay mo at affected ka mashado sa mga testimonials ng mga friends of friends.

Ngayon naman pag walang update ang FB….’Ano’ng nangyari sa’yo??’

Mas marami kasing options ang Fb. Pwede mong i-like ang mga wall post na ka-relate lang. Pwede kang mag post ng music links, blogsites, news clips, at photos na 1 to sawa lalo na kung wala kang camera at tamad kang mag-upload, sasabihin mo na lang sa mga masisipag mag-upload, “tag-tag na lang ah..” Meron ding chat kaya pwede ka ring makipagchat sa mga friends mo na gising bente kuatro oras. Ang daming pwedeng gawin, kung kaya mo lang na indi tulugan pwede rin.

Sa sobrang updated nito, minsan kahit indi na kayo magkita ng friends mo o kahit araw-araw na kayo magkita okay lang, walang sawaan. Sobrang nakakalibang kase. Online chismisan at sushalan talaga san ka pa?

Ang trabaho at eskwela ang siyang kalaban ng FB. Oo, nakakaasar minsan na kailangan mong pumasok kaya kailangan mo nang matulog (OA lang hehe). Minsan, indi mo na matapos ang dapat gawin kakasilip at kakareply sa comment. Kaya nga ba ilang kumpanya na ang nagb-block ng site na ito. Shempre nga naman, mas marami pa kasi ang oras mo rito kesa sa trabaho. Pero sabi nga nila, if there’s a will, there’s a way…pano? Nilagyan nila ng access ang ilang high end mobile phones para anytime anywhere pwede ka magcheck ng fb. O diba? Adik ka naman ngayon sa telepono mo. Adik ka na talaga.

At kung ikaw ang tipo na indi mapakali pag walang bagong stat message, laging may bagong profile pic at never kang naa-absent sa news feed ng mga friends…congrats, isa ka na talagang “Certified FB Maniac” (welcome to the club hehe).

Meron ding Pader kung saan pwede mong sabihin ang gusto mo regardless kung offensive, nakakaintriga, nakakatawa, nakakagulat, nakaka-touch, o simpleng wala ka lang magawa at basta na lang nagpost ka pati kung saan nahulog ang cellphone mo. Nanjan yan lahat sa FB Wall.

Ang kaso mo, kadalasan dito rin sa mga pader na ito nagsisimula ang ilang di pagkakaunawaan. Ilan na ba ang na-misinterpret nang dahil lang sa mga pinagva-vandal niya sa pader? At, kapag galit ka sa isang tao, parang sumisigaw din sa galit ang wall post mo. Lahat tuloy napapasilip sa mga nagcomment at kung bakit galit ka na nga, may nag-like pa rin. Minsan nga may sakit ka na, nila-like pa rin para bang natuwa sila na nagkasakit ka. Dahil indi naman pwedeng tanggalin ng na-offend ang wall post mo dahil sau yan, ok lang din. Sabi nga, kung ayaw mo silang makita…isali mo sila sa Hidden Options Rehabilitation Center kung saan kahit na ano pa ang gawin nila sa buhay nila, indi mo malalaman dahil itinago mo na sila sa lugar kung saan pwede sila mag-ingay, except sa news feed mo.

Eto pa, minsan pag meron kang ni-like na post tapos yung friends nung nagpost pati siya biglang nagchat at naging isang mahabang thread na ito. Eh kumusta naman, 1 to sawa ang tunog ng cellphone mo kaka-notify ng reply nila at kahit na di ka interesado, wala kang magagawa. I-unlike mo na lang, hehe wag naman…Gamitin po natin ang chat para masaya.

Maraming options na pwedeng gawin sa page mo kung ayaw mo ng maraming makichika sa buhay mo o kung gusto mong i-limit ang tao na nakakaalam ng ilang importanteng bagay sa buhay mo. Pwede mo silang i-block kung ayaw mo na sila makita ever (except sa personal). Kung ganun nga, aba bakit ka pa nag-fb kung marami ka palang gustong itago? Meron ding option na ‘Deactivate your account’, wag mong pahirapan ang buhay mo. (joke lang…)

Wala namang masama na i-post ang mga bagay-bagay na gusto mong sabihin o ipaalam sa lahat, basta’t kaya mo lang panindigan at ready ka sa iba’t-ibang reaksyon at opinyon dito. Pag di mo nagustuhan ang comment niya, delete mo (hehe) eh wall mo naman yon o kaya acceptance na lang. Respect their opinions na lang para happy lahat. Pero para naman sa mga walang kebs umopinyon, hinay-hinay lang tayo. Do not do unto others what you don’t want others do unto you, shempre sino ba naman ang gustong ma-okray sa sariling pader diba? At maging sensitive din naman tayo sa feelings ng iba lalo na kung indi naman niya alam na prangka ka lang talaga. I-sms mo na lang ang pang-okray comment mo para di na makita ng iba.

Wala namang masama na gawing libangan ang ganito, pero sana wag din nating kakalimutan na indi naman tayo obligadong i-update dito ang lahat-lahat ng nangyayari sa buhay natin. Kung ito man ang outlet para mailabas ang ilang sama ng loob, isipin pa rin natin na nakikita ito ng lahat ng tao sa friend’s list mo at kung indi mo naayos ang privacy settings mo — ng buong mundo. Kanya-kanyang discretion yan at indi na natin dapat pang kwestyunin ang ilan na mas gusto lang magpost ng pataas na level ng mga games at applications kesa mag-update ng status. Indi mad-deactivate ang account mo nang dahil lang dito. Maging responsable tayo sa mga sinasabi at ginagawa para everybody happy.

O, wala ka pa rin ba’ng Fb account?? Sali na!

Happy New Year sa lahat!!

Good bye 2010, Welcome 2011!!!

5 thoughts on “FB

  1. How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this to see. We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]

  2. happy new year aling baby!

    ang dami talagang ups at down ng FB. its just a matter of choice kung anu yung pref mo kasi nga,its like giving a piece of you in public. kung di ka maingat, yari. ang dami pa namang sawsawero sa FB.hahaha!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s