Sana(Ganun lang)Kadali…

Marami sa atin ang mahilig umisip ng paraan na madalian. Iwas hassle. Iwas gulo. Lusot agad.

Mga solusyon na indi pinag-iisipan. Mga palusot na walang basehan basta makaiwas lang sa mahabang diskusyon at indi mashadong ma-elaborate ang parte sa sitwasyon.

Bakit mo nga naman pahahabain pa kung ikaw ang naman ang masasalang sa gisahan?

Sino ba naman ang may gusto na pag-usapan at tuluyang mapuna sa lahat ng kapalpakan?

Ikaw ,gusto mo?

Karaniwan na sa atin ang mag-isip ng imposibleng ideya na makakasagip sa atin sa kritikal na sitwasyon. Parang ganito kasi yan eh, natuto ka sa pagkakamali mo pero ayaw mo na’ng ireplay pa ito sa harap mo at isa-isahin kung saan banda ka nagkamali. Yung ipo-pause dun mismo sa mali at yun ang pagdidiskusyunan. Para sa’yo, indi na mahalaga na ulitin pa ito kase nga naman, babalik ka lang sa pakiramdam ba na naging mahina tanga ka at sapat na ang mga paninisi para ielaborate pa ito ng maigi.

Lahat na ng paninising daliri (pointing finger) eh nakatapat na sa’yo. Umamin ka naman. Eto nga’t yukung-yuko ka na halos nasa ilalim na ng lupa eh di pa rin sila matahimik sa pagsasalita.

Kelan ba dapat na itigil na ang paninisi?

Pag nakarma na ang sinisisi? Pag nasaktan na rin ito? Pag may nangyari na ring masama sa kanya? Pag tuluyan na niyang di nakayanan ang ginawa?

Dito na kaya matitigil ang panininisi? At masasabi na napatawad na siya sa ginawa niya?
Ano ba ang tamang reaksyon ng may kasalanan para maabswelto siya sa ginawa? Yung maluha-luhang nakaluhod? Meron bang batayan dito?

May kasabihan nga tayo na, “Kung ang Diyos nga ay kayang magpatawad, tao pa kaya?” Pero bakit ang hirap para sa tao ang gawin ito?

Laging kailangan ng panahon. Laging may dapat gawin at ibalik. Laging conditional.

Sa buhay, ganun kahirap hugutin ang pagpapatawad. Kahit minsan magsasabi na ito ng, “Ok na yun, wag mo nang isipin.” Meron pa rin atubili na baka sinasabi lang niya ito para matapos na pero may natitira pa rin. Indi pa rin buo.

Sa totoong buhay, mahirap magkamali. O kung magkakamali ka man, dapat kaya mong panindigan ang lahat ng maaaring mangyari at maging resulta ng gagawin. Pero diba, lahat naman tayo nagkakamali? Lahat tayo nakaranas na mahusgahan sa mga nagawa ng basta-basta at indi napakinggan ang rason at dahilan? Ang hirap diba? Ang indi pakinggan at indi mapagbigyan o kahit mabigyan man lang ng ikalawang pagkakataon para maitama mo ito at mapatunayan na kaya mong ibangon ang sarili sa pagkakamali?

Pero bakit pag ikaw naman ang nagawan ng indi maganda, napakahirap para sa’yo ang magbigay ng pagkakataon? Tulad mo, ganun ba kahirap na ipagkatiwala ang pagkakataon na yun sa iba na tulad mo na nagkakamali rin?

Ang kumplikasyon ng buhay, magulo. Indi patas. Walang basehan. Nakikiayon lang sa gawa ng iba. Sabi kasi nila ganito. Sabi kasi nila ganyan. Wala bang minsan na naiisip natin na ibahin naman kung ano ang nakasanayan ng karamihan?

Tulad ng paggawa ng kung ano ang dapat? Ito kasi ang madalas na indi nagagawa dahil maraming kase. Gawain ng mga martir. Dahil yung huling martir na kilala natin, ayun at pinagbabaril sa Bagumbayan. Yung isang mas kilala ng lahat ipinako sa krus.

Kung mahirap ang tumanggap ng pagkakamali, mas mahirap ba ang tanggapin ang pagkakamali ng iba at magpatawad? Ganun? Ganun lang?

Maraming samahan ang nasisira nang dahil dito. At marami pa kung indi natin matutunan kung paano maging realistic paminsan-minsan.

Indi lahat ng samahan, laging ok at walang flaws. Maraming pagkakataon na susubukin tayo ng panahon at pagkakataon. Kasama dito ang pagtanggap ng pagkakamali at pagpapatawad.

Wala namang mawawala kung gagawin natin para maiba naman.

Diba?

 

11 thoughts on “Sana(Ganun lang)Kadali…

  1. just last week, may nagawa ako…..yong kasama kong choir, she is 18years older than me, nahuli kong nagtago ng basket na pinaglalagyan ng offering sa silong ng baptismal font may laman. i confronted her pero deny to death siya. good thing, may iba pang nakakita nung inilabas niya yong basket and yet deny pa din siya. di ko alam kung nasaktan ko siya when i confronted her kaya lang nakakainis kasi nahuli na siya and yet galit pa siya. di na lang ako nagsalita pero nagconfess ako sa pari without mentioning her name. i know she is mad and i feel sorry sa ginawa ko, ikinumpisal ko na sa pari namin without mentioning her name. ngayon, im trying to get her attention as if nothing happend. pansinin dili niya ako pero okay lang. tama ba yong ginawa ko? if may mali, pwedend enlighten me hehehe

    1. Hi Ara, thank u sa comment/personal experience/payong kaibigan corner na sinulat mo, sa opinyon ko…tama lang naman ang ginawa mong pagtatanong sa kanya lalo na kung indi ayon sa normal na gawain nyo ang paglalabas ng basket. Yung reaksyon niya ng pagtanggi, normal yun lalo na sa mga katulad niya na huli sa akto kase bukod sa nahuli na, napahiya pa siya kaya ganun. Para lang naman siyang natunaw sa kahihiyan lalo na’t indi niya inaasahan na may makakita sa kanya.
      Pero teka, panu kung mali naman pala ang hinala mo, Ara? Panu kung indi naman pala niya intensyong kunin at meron siyang rason kung bakit niya un ginawa? (Ano nga ba ang nangyari pagkatapos nun?)
      Maraming paraan para magconfront eh. Or mas mabuti na magtanong na lang muna bago mag-assume diba? Minsan kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang tao na makapagpaliwanag kase baka may rason naman. Baka reasonable naman diba? Malay natin.
      Kung indi ka man niya iniimik pagkatapos ng nangyari, normal din un kase napahiya siya. Bigyan mo lang siya ng panahon at babalik din kayo sa dati. At kung pagkatapos nito, ganun pa rin siya, oh well siya na ang problema nun basta ikaw nagreach out na sa kanya.
      Halaa naman, parang isang buong entry na tong reply ko sau. Salamat ulit, ayan makakatulog na ko.

      1. alam mo sis, unang una, bakit nandun sa silong ng baptismal font yong basket na ginagamit tsaka may pera yon eh amounting to 30+ pesos tapos di nya binigay yong laman sa office, o di ba. true nga naman yong sinabi mo na napahiya siya…naiintidihan ko naman yon. di ko nga pinagsabi sa lahat ng kasamahan namin sa church, tinawag pansin ko lang yong 2 sisters na incharge sa collections, pinakita ko sa kanila yong basket…yon lang…salamat ha sa tugon mo. Gob bless you always

  2. oo tama.. pero may mga pagkakataon na mahirap talga ibigay ang pagpapatawad..lalo na kung sobra kang nasaktan.. pero dadating ang pahanon na matututunan din natin yun..:))

    1. Maari bang mapatawad mo ang isang tao pero nde mo pa sya kayang tanggapin uli?
      As for my experience kc thus was the 2nd time na niloko ako ng asawa ko nung una ang bilis ko sya napatawad at right at that moment tinanggap ko uli xa.. Pero dis time sinabi ko s knya napatawad ko sya pero nde ko pa dya muli matatanggap s buhay ko.

    2. Maari bang mapatawad mo ang isang tao pero nde mo pa sya kayang tanggapin uli?
      As for my experience kc this was the 2nd time na niloko ako ng asawa ko nung una ang bilis ko sya napatawad and right at that moment tinanggap ko uli xa.. Pero dis time inulit na naman nya, sinabi ko s knya napatawad ko na sya pero nde ko pa sya muli matatanggap s buhay ko..Madali para skin ang magpatawad kc mahal ko talaga sya pero andun na ung trauma na wat if ulit ulitin na nman nya, wat if dhil madali q sya napatawad at natanggap mahing routine na nya..kasama na cguro nun ung pagkawala ko ng tiwala kya nahhirapan akong tanggapin sya uli.

      1. Sa totoo lang, sa pangkaraniwang buhay at cguro depende na rin sa sitwasyon –napakahirap magpatawad. Lalo na’t bago lang pero tulad ng sinabi mo na mahal mo kaya napatawad mo siya agad, totoo rin yun.

        Di naman porket napatawad mo na, kasunod na kaagad na maging balik sa normal ang lahat. Marami na ang magbabago. Katulad ng tiwala mong nalamatan na. Kailangan mo ng panahon at kailangan niya rin bumawi sa atraso niya sau para mapatunayang sorry tlg siya sa nagawa nia. Take your time. Dalawa lang ang pwedeng mangyari jan eh, yung tanggapin mo siya ulit at kalimutan ang lahat o mag move on na lang kayong dalawa na hindi na magkasama. Pag isipan mong mabuti at magpray ka for guidance.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s