The Others

Naranasan mo na bang Magmahal? Mahalin?

Eh yung iwan? Ipagpalit sa iba? Lokohin? Paasahin?

Uu alam ko, naranasan nyo na’ng lahat yan. Mas grabe pa. Mas masakit pa sa normal na sakit. Mas matagal pa bago nalimutan at natanggap.

Eh, naranasan mo na rin bang maging other person? (Indi yung kabit ha) Yung taong kapag nakikita yung taong mahal nila, sinasabi sa sarili na…”Sana ako na lang. Sana ako naman this time.

It hurts for sure. Ang maging other person. Yung gustu mong isali ang sarili mo sa multiple choice pero indi naman pwede kasi indi naman niya alam (na gusto mo palang sumali). At indi ka rin option para pagpilian. It hurts ulit.

Bakit? Kase ang tingin niya sa’yo, Kaibigan. Ka-tropa, Kabarkada. Indi talo. Least option or not an option at all. It hurts all the more.


Laging emosenti at ang drama ng buhay mo, ‘Waiting in vain’ at ‘Invisible man.’ Puro na lang pangarap at pag-asa na sana mauntog naman ito kahit daplis lang at biglang maisip niya na and’yan ka pala, bagay pala kayo at sana kayo na lang.

Kung bakit pa kase sa dinadami-dami ng taong pwede mong magustuhan eh siya pa.  Yung madalas mong kainisan. Yung madalas na sumisira sa araw mo. Yung taong sinabi mo sa sarili mo na indi mo ever magugustuhan kahit na siya na lang siguro ang natitirang tao sa mundo. Backfired much.

At heto ka ngayon at ang dating nananahimik mong buhay. Sa indi malamang dahilan, nasa posisyon ka kung saan wala kang ibang gustung makita kundi siya. Naiisip mo siya kahit saan ka magpunta. Pati sa panaginip kasama ng pag-asa na mapansin naman niya na nag-iiba ang aura mo kapag magkasama kayo o kahit magkausap man lang. Kaso dedma. Wa epek.

Bakit? (Paulit-ulit kang nagtatanong sa sarili kung bakit siya pa at bakit ngayon pa.) Mas mahirap sa pakiramdam ang itago ang totoo dahil sa pag-aalalang indi naman niya matutumbasan yung lab mo sa para sa kanya. At kahit siguro lahat na ng tao pinapayo na, ‘ If you love someone, you say it, right then, out loud. Otherwise, the moment just passes you by.‘ Madali kung alam mo lang sana kung ito rin ang nararamdaman niya para sa’yo. Eh pa’no kung indi? Matagal ka na nga nasasaktan ng palihim tapos pati personal masasaktan pa rin?

Kung bakit ka nasasaktan ng indi mo alam. Alam mo pero indi mo ma-explain. Can’t seem to find the words, wala sa dictionary at indi kayang sabihin kundi mas madali kung kaya ma-interpret yung feelings — emotions. Alam mo ang sagot (which is siya nga), pero pinipilit mo ang sarili, sinasabing wala ibang dahilan. Kaya mas lalong masakit.

Ang unfair diba? Kung sino pa yung gusto mo, siya pa yung inde pwede. Indi maaari at suntok sa buwan. Laging may dahilan. Laging may rason — na mahirap maintindihan. Samantalang may mga taong naghihintay lang na mapansin natin. Kasing level ng feelings natin dun sa taong gusto natin.

Bago ka pa magtanong kung bakit indi pwedeng, pwede na lang — sasagutin ko na ng ‘Ganun talaga yun.’ Kasi that’s how it works. Indi ito kasama dun sa quote na ‘The best things in life are free.’ Kasama ito dun sa kailangang pilahan at bigyan ng bonggang-bonggang effort.

Sa palagay mo kaya kung tatayo ka lang dýan at maghihintay na mapansin ka, may mangyayari? As in? Good luck, Juan Tamad. Uu na, nakakatakot mag-risk. Ayaw mo ma-reject? Wala kang guts? Pwes, magdusa ka.  Mabubulok at mapapanis ka na lang dýan sa pag-aantay.

Kahit minsan ba, indi mo naiisip na gawin in ‘anu-kaya-way?’

Anu kaya kung sabihin ko na? Anu kaya kung aminin ko na? Anu kaya kung tapatin ko na? — Pwede diba? Risky pero at least indi ka na magwa-wonder forever kung anu nga kaya kung nasabi mo at nalaman niya ang totoo at NAGING KAYO? Nice noh?

Pero shempre, indi naman lahat nauuwi sa happy endings eh. Meron pa ring instances ng rejection. Masakit pero mas madaling matanggap kase nalaman mo pa rin ang totoo at mas madali na rin para sa’yo ang magsimulang tanggapin ito at mag-move on. Indi na kailangan pang masayang ang panahon mo sa paghihintay at pag-aasam.

Gaya nga ng sabi ni Kuya Bob Ong, “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.” — Kaya wag na magpaka-OTHERS, galaw-galaw!!

🙂

7 thoughts on “The Others

  1. ay maraming makakarelate kapag ganitong usapan at isa na ako dun… minsan nagtatanong talaga ako bakit ganon kailangan mo makilala at mainlove sa taong impossible namang maging sayo… kaso yun ata talaga ang paraan ni Bro kung paano tayo matuto… yung iba sineseryoso siguro masyado kaya nawawala sa wisyo. Yung iba yung hurt at pain ang natitira sa mga puso nila, yung iba naman yung lesson. Naniniwala ako na sa dami ng tao sa mundo meron nakalaan para sa atin….

    1. Pag-isipan mong mabuti, eoty. Pwede mo naman daanin sa biro kase sabi nila, ‘Jokes are half meant.’ Walang masamang mag-try diba kesa naman forever kang wondering ever jan. Go for it!😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s