Saya =) / Lungkot =(

 

Sabi nila kapag daw masaya, ang kasunod palagi nito malungkot. Tapos pag malungkot ka naman sobra after sometime sasaya ka naman.

Baliw lang?

Ang kaibahan lang ng baliw at normal, ung gap between the phase. Diba?

Ang thinking kasi natin once na sunud-sunod ang saya mo, yung para bang narating mo na yung (feeling mong) tu da maks na saya, bigla ka na lang matataraugan at sasabihing, ‘Uy, wag daw mashadong masaya…iiyak ka nyan bukas sige ka.’ Tapos yun nga, after some time mararamdaman mo na lang na bigla kang masusuot sa isang sitwasyon na talaga namang kalungkot-lungkot.

Nakakainis, para ka lang ginagawang baliw. Indi ka naman pwedeng humirit na i-extend yung happy moments na yun at iready ka man lang sa panibagong phase para naman indi ka mashadong nabibigla. Kahit warning signs.

Pero pwede ba mag-request? Pwede ba mamili lang ng isa?

Parang pwede.

Parang may option button tapos hulog ka na lang ng coin.

Pero inde.

Indi pwede. Wala tayong control over these things and that’s what makes it unfair.

Gustu mo magreklamo?

Wag na. Mas mabuti pa siguro na ituloy mo na. Kumbaga sa alay-lakad, lakarin mo na tutal anjan ka na. Kahit nakakapagod at parang ayaw mo na ituloy, baka kasi worth it yung destination. Baka meron dun grand prize na ticket sa bus para di ka na ulit maglalakad pauwi. Baka andun yung sagot na hinahanap mo. Baka pagkatapos ng mahabang lakaran, pwede ka rin namang magpahinga.

Maraming ‘baka’at siguro. Wala pa ring kasiguruhan. Wala bang clue man lang? or due date kung kelan matatapos? O kung matatapos ba’ng talaga?

Parang ang OA naman kase. Gusto mo lang naman maging masaya, kailangan pang dumaan sa mga obstacle. Kailangan pa mamimili lang ng isa. Pag pinili mo naman lahat, abuso na agad. Pag ayaw mo mamili, martir ka. Pag isa lang, pa-humble ka. Anu ba talaga?

Naguguluhan ka na ba?

Ganun naman yata kasi talaga. There’s a time for everything. Parang mas OA ang buhay mo kung palagi ka nalang masaya, much worse kung lagi ka ring malungkot. Kailangang mabalanse mo ang mga ito. Wag kang hihinto. Wag kang susuko. Wag kang magtatanong kung bakit kasi saýo rin babalik ang tanong na yan. Ikaw rin ang hahanap ng sagot base sa signs na makikita mo along your course. Pwedeng thru friends, circumstances, bagay o kahit ano na may kabuluhan sa buhay mo. Wag nating sayangin ang oras sa pagtatanong, you have to learn to read between the lines, baka meron siyang message na gustung iparating saýo. Baka (pero di sigurado) pag nakita mo na ito, pwede ka na ulit maging ok.

Ang buhay paikot-ikot lang. Kailangang marunong kang sumabay. Magaling kang dumiskarte. Kase pag indi, tatangayin ka nito at kung ikaw ang tipo na madaling matangay, ikaw rin ang mahihirapan.

Pero dapat din nating malaman na ang happiness ay indi isang premyo na nahahawakan. It’s just a state of mind. Pwede tayong maging masaya in our own little ways. Meron lang kasing mga taong magarbo ang imagination kung ano ba talaga ang happiness na hinahanap nila.

Sana pagkatapos ng lungkot at saya meron ding pahinga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s