Kai(langan)bigan

Marami sa atin ang makaka-relate dito:

Nakakaalala lang ‘pag may kailangan…

Pamilyar diba? Ke ikaw ang naaalala o ikaw ang nakakaalala…pareho lang yun sa pakiramdam: disappointing.

Kung ikaw ay maramdamin tulad ko, natural lang na sasama ang loob mo. Shempre nga naman, sinu ba naman ang gustung maalala lang pag may kailangan? Na kapag sa ibang normal/masayang pagkakataon, para bang naiisip na niyang masaya ka naman sa buhay mo kaya isasali ka na lang niya sa ibang pagkakataon na tulad ng  ‘pag malungkot ako, wag kang mag-alala…I’ll call you. ‘

Although pwede mo rin naman isiping compliment ito (pampalubag loob mo sa sarili mo), kase nga naman ibig sabihin nito…sa iyo niya ipinagkakatiwala ang solusyon sa problema niya. At iyong mga kasama niya sa oras na okay siya, indi niya pwedeng asahan sa mga ganitong sitwasyon.

Pero kahit na….

Tawagin nyo na’ng Advocate ako ni Ate Charo, Mel Changco at ni the late Ms. Helen Vela (kung pagdadrama lang talaga) pero sa tingin ko indi makatarungan ito. Para sa akin, sa kahit ano pa’ng nangyayari sa buhay mo ke masaya – lugmok at pasan mo pa ang mundo, indi ito sapat na rason para mamili ng pagkakataong makibalita. Maraming bagay ang pwedeng mabago ng panahon pero ang turingan n’yo bilang magkaibigan, indi maapektuhan nito. Diba?

Ang pagkakaibigan ba ay may kontrata? Nakasaad ba sa kontrata na ito ang listahan ng mga dapat at di dapat gawin upang maging isang tapat na kaibigan? Ang alam ko, kahit na indi kayo magkita ng matagal. Mag-usap. Magkumustahan. Nandun pa rin yon eh. Nasa puso. Parang permanent marker, indi nabubura. Indi nababago kahit lumang-luma na.

Indi naman siguro lahat ng nakakalimot, may amnesia. Abala lang siguro sa napakaraming bagay. Walang oras. Laging nasa trabaho. Pero kung nalaman mong, wala naman palang amnesia…kahit abala, nakukuha pang magkaron ng ilang libreng araw na wala sa trabaho at may oras pa sa paggagala, gimik at kung anu-anu pa nang wala man lang ni ha o ni ho sa’yo. At heto na nga meron siyang problema at kailangan ka niya, ayun…may oras na siya.

Ok lang ba ‘yon sa’yo? No hard feelings?

Indi naman mabigat mashado,  ok lang yun. Pero shempre kahit papa’no, may konting kurot yun. Aminin natin ‘yan.

Guilty rin ako sa parteng ito. Minsan, nangyayari din talaga ito nang indi mo namamalayan kaya alam kong nakakasakit ito. Hangga’t maaari, dahil ayokong mapunta sa sitwasyon na ito…pinipilit kong iwasan. Kahit pa unintentional, masakit pa rin yon. Sana maging sensitive din tayo sa feelings ng iba lalo na ng kaibigan. Indi sa lahat ng pagkakataon, they ‘re at their best to understand and be that friend na alam mong makakaintindi sa’yo no matter what. Relationships are at best if we learn to give and take. Compromise. Kase indi lahat ng okay sa’yo, okay rin sa kanya at sa iba. Be realistic. Every time we do something, try to visualize it if you were in their position before making a move. Pag nasaktan ka, – it means masakit talaga yun. Indi masokista yung friend mo para iassume mo na indi siya masasaktan.

Indi naman ibig sabihin na kailangang magkasama kayo every now and then at ibigay mo ang lahat ng free time mo sa kanya para lang masabi na mabuti kang kaibigan. Enough na yung once in a while mag-catch up. Indi kailangan ng schedule. Pangit naman yata kasi kung you complain too much on things pag siya ang kausap mo tapos mababalitaan niya na when you’re around people, okay ka naman na parang kay friend mo pa nanggagaling ang negative stuffs about you.


Friends are like sisters or brothers. They’re more than family kase pwede mong sabihin sa kanila ang lahat-lahat. They live in your comfort zone. They know you more than anybody does kaya let’s treat them with royalty (naks!). Just be thankful that you have them in your life.

Treat your friends as you do your pictures, and place them in their best light.

Aling Baby

12 thoughts on “Kai(langan)bigan

  1. Ayun napapanahon ito saken haha..tama ka.. medyo tinamaan din ako dito.. may mga ganon nga haha yun saka ka lang naaalala pag may kailangan.. toinks.. pero ako din aminado na sa sobrang busy nga at may ibat ibang priorities minsan hindi mo na nagagawa yung dati.. pero kapag nagkita naman kayo o nagkausap andun pa din yun pakiramdam na at ease ka dito sa taong ito kase kaibigan mo nga..

  2. Akala mo naaalala ka yun pala ginagamit ka lang nila pero di mo matanggihan dahil ang turing mo sa kanya ay tunay na kaibigan di mo lang naaalala ka lang nila pag may kailangan.

    Friend-user? Manggagamit ng kaibigan? Naku napakarami nyan. Pag nakuha na ang kailangan, kakalimutan at iiwanan ka nanaman.. Senxa nakakarelate ako e.

  3. alam ko ‘to.yung tipong sumusulpot out of the blue.bigla kang nagiging laman ng phonebook nila.hahaha!

    i’ll say na mas tunay na kaibigan pa rin ang mga kaibigan natin na laging nandon may problema man sila o ikaw ang may problema.yung tipong,ang definition ng relax at solitude eh hanapin ang company mo.

    pagdududahan ko rin ang sinumang bigla na lang susulpot dahil yun pala may kailangan sila sa’yo.shock absorber at basahan ang dating mo sa buhay nila.taga salo ng bagsak at taga ligpit ng dumi.tsk tsk.

  4. ay tama ka dyan aling baby. may nagte-text sa akin bigla. then pag sinagot mo. mangungutang lang pala. naku poh. nung pinautang ko hindi na nagparamdam. aruuu

  5. sabi nga nila user friendly hihihi… kilala ka lang kapag mapapakinabangan ka pero pag wala ka ng use itatapon ka sa kangkungan! kapag amoy pera ka sinasamba ka, pero pag ikaw na may kailangan parang di ka na kilala… haizzzzzzzz

  6. bakit sila ganon?? ginawa ko nmn ang lhat pra maging kaibigan ko sila.. khit na alam ko na nag mu2ka na akong tanga saknila.. dhil kpag may kailangan sila sken lumalapit pero kapag wala na ayun!! na sa iba na sila sumasama.. until now.. they treated me wrong..

    1. sorna kim, ngayon ko lang nasagot ang issue mo.
      alam mo, hindi ka nag iisa jan sa issue mo. kasi ang dami ko na narinig na ganyang kwento.
      ung iba sa kanila, nagpakamartir at ung iba, nag move on at naghanap ng mga taong mas makaka-appreciate sa kanya.
      alin ba dun ang gusto mo? kasi ikaw lang ang makakasagot nyan. at nasa saiyo kung patuloy kang magmamalasakit sa mga taong hindi ka naman pinapahalagahan.

    1. lahat naman tayo naging tanga, one way or another. isang beses lang yan dapat gamitin.
      since, nagamit mo na yang sau, next time, be wiser. wag na magpakatanga.
      darating ang araw, pag nagkita kayo ulit, maaalala nila, kung anong klaseng kaibigan ka para sa kanila at sinayang nila yun.
      Aja Kim!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s