Bratatat at Pakikisama 101

Kapag kase sunud-sunod na ang salitang lumalabas sa bibig ng kausap mo, parang bratatat na ang tunog nito sa pandinig mo.

Noong bata pa ko, eto ang madalas pam-brunch ng nanay ko sa’kin. Brunch kase tanghali na ko nagigising kaya yung sermon na para sa umaga, sinasabay na rin niya sa tanghalian. Sa sobrang panay-panay nito araw-araw sa buong bakasyon, minsan namememorize ko na ang mga ito at paminsan din namimiss ko pag wala siya sa bahay. Don’t get me wrong, makulit lang talaga ako dati at pasaway kaya kailangang ulit-ulitin ang sermon. In fairness, tumatak naman ang mga ito sa isip ko. Yun nga lang, mas madalas na yung gustu ko pa rin ang nasusunod kaya yan…bratatat ang abot ko tuwing paggising.

Aminin natin…ang bratatat lang ni nanay ang acceptable para sa atin at kapag ang ibang tao na ang gumagawa nito, lalong lalo na kung indi mo kaanu-ano ay sadyang indi maganda sa ating pandinig.

Kapag nakaranas ka nang manirahan sa ibang lugar kung saan iba’t-ibang tao ang dapat mong pakisamahan, malalaman mo kung gaano kahirap ang sumali sa Pinoy Big Brother. Dahil indi biro ang makisama at palawakin ang pang-intindi mo sa ibang tao lalung-lalo kung nasanay ka sa bahay n’yo na ikaw ang iniintindi at nagagawa ang lahat ng gustung gawin. May mga bagay pa rin na kailangan mong isang-alang-alang para sa ikabubuti ng lahat at ikatatahimik ng sitwasyon even if it means sacrificing your own interest.

Sa bahay n’yo, you have your own space. Me privacy. Kahit ano gawin mo, bratatat lang ni nanay ang maririnig mo tapos maya-maya ok na kayo…sabay-sabay na kau kakain ng tanghalian at hapunan. Sa ibang lugar, kailangan mong magt’yaga sa space na allotted lang sa’yo. Kung indi ka sanay matulog ng maingay, kailangang masanay ka na or kung di mo keri – – gumawa ka ng paraan kase indi mo naman pwedeng sabihing tumahimik silang lahat kase matutulog ka na lalo na kung indi lang ikaw ang nagbabayad…bente kayo kaya matulog ka d’yan. Kung makulit ka talaga at ayaw mo ng maingay, umupa ka ng sarili mong kuwarto at dun makukuha mo ang privacy  na katulad ng kuwarto mo sa Pinas.

Kung sa inyo indi ka obligadong maglinis, gagawin mo lang ito pag nagalit na si nanay…sa ibang lugar indi. May iskedyul sa paglilinis ng kuwarto, kusina at banyo kaya matuto kang gawin ito sa ikauunlad ng bayan. Makisama ka kasi indi lang naman ikaw ang gumagamit ng mga ito.

Kung sa inyo, taga-kain ka lang at neber pa kayo nagkita ng mga kawali, sandok at kalan…pwes sa ibang lugar para makatipid, kailangan mong matutunan ito. Lalo na kung nakikihati ka pa sa pagkain ng grupo. Lahat kayo nagta-trabaho kaya pag off mo, wag na magtanong…magkusa na lang para wala nang maririnig na bratatat galing sa ibang kasamahan.

Kung sa bahay n’yo ay indi ka obligadong magpadala o magbigay ng panggastos, pwes sa ibang lugar…indi pwede ‘yon. Kailangang makisama at makihati sa anumang gastusin lalo na kung mapakikinabangan naman ang mga ito. Indi usapan dito na kailangang mas malaki ang ambag ng may mataas na sweldo dahil pare-pareho lang kayong may responsibilidad sa mga pamilya at mga atrasong kailangang ayusin.

Kung nung elementary at hayskul ka ay malimit na lider ka ng grupo, sa ibang lugar pwede kang maging lider o minsan merong mas naglilider-lideran pa sa’yo kaya keri ka lang. Sa ikatatahimik ng lahat, hayaan mo yung isa or magsuggest na lang ng idea para kahit na indi ka hands on, makatulong na rin.

At kung sa bahay n’yo, indi umuubra ang magulang sa pangingialam sa buhay mo…sa ibang lugar mas maraming makikialam sa buhay mo. Dapat ipaalam mo na sa kanila na wag kang pakelaman dahil merong mga taong dinidibdib pag indi sinusunod ang mga plano nito sa buhay ng iba kahit pa indi na kailangang gawin o panghimasukan at feeling magulang at kapatid.

Dapat din nating isipin palagi na wala tayo sa ating sariling bansa para gumawa ng mga bagay na alam nating makakasama. Tulad ng pakikipag-away, paglabag sa batas, pangungutang ng sobra-sobra, mga asal na ikasisira ng reputasyon mo at ng kapwa (buti sana kung wala kang ibang kalahi na pag-iisipang kapareho mo.) at ang iba pang gawain na mas in na in sa bansa natin.

Indi lang pagsasakripisyo na malayo sa pamilya at bayan ang usapan sa pangingibambansa. Ang literal na pagsasakripisyo sa mga nakasanayan at lahat-lahat na ay kasama na rin dito. Kailangan mong mag-adjust ng bonggang-bongga para sa sarili at sa ibang tao. Obligado ka dahil walang ibang paraan para maintindihan ang sistema kung indi mo uunawain ang mga ito sa pagsisimula sa sarili.

At ang katotohanan na dapat ding malaman na “Lahat ng pagsasama, kapag nahahaluan na ng isyu sa pera…nasisira. Marami nang nasira at patutuloy na nasisira dahil dito. Masakit at nakakahiya mang isipin  pero ito ang totoo. Ang realidad ng buhay sa ibang lugar. Mga pagbabagong indi mo alam kung saan nagsimula. Mga isyung indi mo alam kung paano’ng nagkaron. Mga salitang indi mo inakalang manggagaling sa taong pinahalagahan mo. Mga simpleng bagay na naitanim ng matagal na panahon at ngayon, eto inaani na’t ipinambabato pa sa’yo. Indi mo alam huli na pala ang lahat.’

Kadalasan ang magagawa mo na lang ay tanggapin at harapin na nangyayari talaga ang mga ganito at indi kung sino man ang may kasalanan, mas makakabigat kung pipilitin pang alamin ang mga ito. Para ke pa? tapos na. Nagbratatat na. Nand’yan na ‘yan. Move on na lang at maging lesson na lang ito sa buhay natin. May mga gusot na mahirap na’ng plantsahin kaya sige na…learn from it nalang at charge it to experience.

Kung mahirap iwasan na makapagsalita ng indi maganda sa kapwa lalo na pag mainit ang ulo…try natin umalis sa eksena, magpahangin sa labas, kalmahin ang sarili…alam ko mahirap ang pakiramdam na ito lalo na kung gustu  nang sumabog ng galit sa dibdib. Ang sa akin lang kase, ang masasakit na salita kapag nabitiwan mo na…indi mo na ito mababawi. Ang sakit nito, indi basta-basta nawawala. Kung naging importante man ang taong ito sa buhay mo, indi na siguro kailangang magbato pa ng indi magandang salita para lang masaktan din siya. Sapat na ang sitwasyon n’yo ngayon para dagdagan pa.

Have a peaceful Ramadan, U.A.E.

Aling Baby

May-akda: Aling Baby

Hindi bagay, hindi hayop...parang tao lang. :)

7 na mga thought (isipan) sa “Bratatat at Pakikisama 101”

  1. well said aling baby… galing tlga ng blog mo na miss kita! anyway, swak sa banga ang blog mo at may kaibigan akong ginanyan! hay naku nakakaawa nga eh 🙂

    Like

  2. ang hirap pala talaga ng nangingibang bayan.sobrang laki ng sakripisyo.anyway,another good post.nag iisip pa rin ako na mangibang bansa pero hindi muna sa ngayon.

    nasa UAE ka pala.ingat lagi at magandang araw,aling baby!

    Like

  3. tama ka aling bebs! naku naku! dapat kasi bata pa lang naturuan na ng pakikisama.. maisaksak lang sa utak nung bata pa.. :)) at least ako, medyo nabahagian ako ng nanay ko, kaya lang masyado akong tamad para sundin—minsan!— yung mga pakikisama 101 nya.. hahahaha.. most of the time ung bratatat 101.. hahaha.. magkaibang magkaiba talaga yun! XD

    Like

    1. tama ka, malaking parte sa personality ng isang tao ang kinalakihan niya kaya dapat bata pa lang, natuturuan na ng tamang asal kase makakatulong un para sa kanya eventually. been there done that. 🙂

      Like

  4. aling bebs! bakit ganon!? when im going to visit your page, yung tipong ages talaga yung pagitan ng pagbisita ko, laging bago and better than your previous theme?!! BAKIT GANON?! gusto ko din ng ganon!!! ahahaha…

    in short, i really love your page :X

    Like

Mag-iwan ng puna