Nakalilito

Bukod sa pagkokompyut na talaga naman numero uno sa panlilito para sa mga katulad ko na indi mashadong gifted sa numbers na nagpaparty. Ano pa bang bagay ang pwedeng makapagpalito sa inyo?

Directions? Pwede. Mahina rin ang sense of direction ko. Kumbaga sa pampasaherong jip, isang ruta lang ang alam ko…Libertad-Harrison Plaza. Yun lang, kahit nakapikit kaya kong marating yun.

Sa pagluluto, nakakalito rin para sa mga taong katulad ko na kabisado lang ang bahay kubo pero neber eber pang nameet ang mga gulay na ito sa tanang buhay ko. Lalo na sa mga tamang sahog. Kumusta naman, ang patatas kasi para sa akin ang common denominator ng lahat ng putahe ko. Kase, pwede siyang maging papaya, sayote at kung anu-anu pa depende kung anu ang iluluto. Talagang nakakalito lalo na kung indi ka mahilig sa gulay o kung ikaw yung tipong taga-kain lang.

Pwede naman malito. Minsan kasi sa lito natin sinisisi pag nagkakamali…diba? “Eh nakakalito naman kase..” “Ahhh, kase nakakalito naman yung chenebers ekleber na sinulat mo.” Mga ganyan. palusot. Kaya ok lang naman yun.

Pero sa ibang espeshal na kaso ng pagkalito, pag pinalala ito…nauuwi sa gulo—magulong isip or Confused para mas lalo kang maguluhan. (iningles ko lang naman…hehe)

Nagiging big deal lang naman si confused pagdating sa matters of the heart eh, diba? At normal na sa kanya ang pang-eeksena lalung-lalo na’t ok sa olrayt ka na sa sitwasyon. Eh wat more kaya kung mas magulo na ang sitwasyon saka pa siya umentrada? Diba’t ang saya-saya niya (confused)? At sa halos lahat ng sitwasyon na nakieksena siya, pumatok talaga siya lalo na kung apektado ka sobra.

Ang sa akin lang, “Diba malilito ka lang naman kung di ka sigurado sa pinili mo? Lalung lalo na kung isinama pa ni confused yung taong dahilan ng pagkalito mo. Aba! Kumusta naman kaya ang lagay ng isip mo nito.”

Pero pwede rin naman na mas gustu mong lito na lang ang maramdaman kesa sa natatakot. Takot, indi dahil natuklasan mong monster pala siya (haller!) – -ung pinili mo, kundi takot na baka sa pagkakataong ito…nagkamali ka pala ng desisyon at ang mas pa dito, wala ka nang kawala. Kase marami na ang involve at pwedeng masaktan.

Nakakalito naman talaga ang mga ganyang sitwasyon eh. Pero pwede mo naman siyang tingnan as turning point, wag ka nang mag-inose-inosentehan dyan. Eto na yun. Binibigyan ka na ng pagkakataon. Timbangin mo ang lahat ng aspeto (as in lahat!) ng sitwasyon mo. Kase kahit sumulat ka pa kay Joe D’ Mango (which by the way will take time bago nito mabunot ang sulat mo para mabasa), it would still end up with what? Mas maraming question mark? Baka mas lalo ka pang maguluhan.

Kahit gaano pa kasikat at kagaling ang taong magpapayo sa ‘yo, iba pa rin yung sagot d’yan sa puso mo na pinipilit mong iwasan kase indi mo kayang panindigan kaya pakiramdam mo meron pang ibang mas magandang solusyon galing sa ibang tao.

Let’s face it. Ikaw ang nand’yan eh. Buhay mo ang pinag-uusapan. Maliban na lang kung gustu mo me makihati sa buhay mo. Yan na yung chance mo para gawin ang tama. This time pakikinggan mo lang kung anu ang nasa puso at isip mo then go. Do it. Walang maling desisyon. Nagiging mali lang ito kapag indi napanindigan. At for sure kung naguguluhan ka pa rin kung bakit ito ang naging desisyon mo, you’ll know the answers…darating ka rin dun.

At kung meron ka pa ring pag-aalinlangan, meron pang mabisang gamot at karamay sa mga ganitong sitwasyon…….ang pagdarasal .


Prayer changes things.❤

Good luck!🙂

Aling Baby

7 thoughts on “Nakalilito

  1. Sadyang nakakalito sa unang pagkakataong makaharap mo ang isang sitwasyon. At mananatiling nakakalito kapag inurungan mo ito dahil maninibago ka na naman sa susunod na makakaharap mo uli. Kailangan lang itong harapin, pag-aralan, tanggapin at sanayin ng maraming beses para ang pagkalito na ‘yan ay maglaho.

    Gaya ng patatas, sa unang prito mo, didikit ito sa kawali. Pero sa mga susunod na pagluluto mo, alam mo nang kailangan lang painitin muna ng husto ang kawali at mantika.🙂

  2. yun talaga ang sagot sa confusion,ang magdasal para sa kaliwanagan.

    pero ang kasabihan nga,when in doubt,follow your heart.madalas ko yang gawin.huwag mo na lang itanong kung saan ako madalas pulutin.hehehe!

  3. wah ang galing! ang ganda ng post, sakto lang sa akin eh.haha..

    nalilito ako at natatakot.. kasi tama po kayo, hindi ko ata mapapanindigan ang magiging desisyon ko.. hindi pa ako nagdedecide na iiyak na ako😦

  4. Madali lng pra hindi ka ma confuse wag mo lng iisipin pra wlang doubt sa isip mo…😀 Joke

    Anyways dpat tlaga tayong handa pra nman alam agad natin kung saan tayo pupunta at kung ano ang mga decision na dapat nating gawin at saka panatilihing nasa sarili ka lng lagi…

    Nakikiraan lng makipagkaibigian sana.. Kung pwede pki add sa blogroll mo.. Thanx…

  5. pagsuma sumahin man lahat ng nakakalito sa mundo ung daan lang na un ng personal na pakikipag-usap sa Panginoon ang napakadaling matutunan (mali yata kasi madami pa din ang di nakakaaalam sa daang iyon)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s