Puso…..sit!

Kahit siguro magpaskil pa tayo sa lahat ng pader sa bahay natin ng pointers tungkol sa tamang paraan ng pakikipagrelasyon para gawing mabait at masunurin ang mga puso natin…neber itong masusunod.

Bakit? For sure alam mo na ang sagot sa tanong mo.

Parang simple diba? Sasabihan mo yung taong inlab na,

“Hinay-hinay lang ha, wag mashadong maging seryoso. Wag itotodo..”

Naks, parang kay daling gawin.

Madaling sabihin, mahirap gawin.

Shempre naman, pag inlab ka para kang nasa cloud nine. Lahat ng bagay sa paligid mo, maganda…kaaya-aya at walang sinuman ang pwedeng magsabi sa’yo kung anu ang tama at mali. Kasi walang mali, lahat tama. Love-love-love….is all that matters.

Kay sarap ng may nagmamahal diba? Kumpleto na ang katawang lupa mo kasi meron na siyang kapareha. Everything seems to be perfect kahit indi sa tingin ng iba. Sasagot ka pa ng “Bakit, sila ba yung nakipagrelasyon? Keber!” (Sumasagot pa talaga..) Minsan indi mo nga napupunang wala na sa lugar ang pagdedesisyon mo at parang wala nang nakikita at naririnig. Handicapped ba, parang ganun. Kasi masaya ka ee. Ok sa olrayt ang takbo ng buhay mo. Walang malabo, sila siguro pero ikaw malinaw – – 20-20 vision ee. Kahit muta, di kayang palabuin ang paningin mo.

Diba ganyan pag inlab? Alam mo yan diba? So, panu mo ngayon i-aapply sa kanya yung pointers kung panung parang lalagyan mo ng proteksyon ang puso niya? Tulad ng helmet, vest, gloves pati na seatbelt. Para lang in case na me mangyari, safe ito. Indi masasaktan o masusugatan.

Shempre, wala naman kasiguruhan ang buhay…kadalasan, sa di malamang dahilan nagkakaroon ng di pagkakaunawaan. Nawawala yung spark na tinatawag. May biglang nagrerequest na dalawa sana ang puso niya. Nagsasawa. Biglang-biglang nawala ang sarili kaya’t idadahilan na kailangan ng space para hanapin ito. Meron pa para indi mashado masaket, sasabihin sa’yo na siya ang me problema at indi ikaw. Marami pang dahilan. At ang mga dahilan na ito, mahirap pa ring maintindihan ng isang taong nasasaktan.

Kelan lang ba naaapply ang mga pointers na nakapaskil sa pader n’yo? Diba pag nasaktan na at magmamahal ulit? Dun ka biglang magiging cautious at parang ayaw na magmahal ulit. Nagkakaron ka na ng takot at madalas na indi na nagtitiwala ng basta-basta. Pwede mo ring sabihin na ok na siguro ako na single na lang for life kesa masaktan. Di ko na siguro kakayanin pag nasaktan pa ko ulit. Y’know, things like that. Mga dialogue talaga!

Pero pag naka-overcome na ang puso sa masakit na pangyayari…maghahanap na ulit ito ng love. Parang walang nangyari. Parang indi siya nagpaalipin sa lab noon, parang ganun. Diba???

Ganun talaga. Lahat ng umpisa, masakit at mahirap. Pero indi naman ibig sabihin nito na for life na yung masakit at mahirap. Kadalasan, blessing in disguise pa nga na nangyayari ang mga ito kasi may dumarating na mas pa kesa sa kanya. Wala nga lang kasiguraduhan kung gaano katagal, nasa sa’yo na yan on how you’ll make love stay. Indi na natin kailangang pasunurin ang puso na parang alagang pet (hehe) kasi ang totoo, tayo ang alagaing pet ng puso.

As much as possible, lalo na sa mga taong ilang beses nang nasaktan…nagtanda ka na siguro diba to make the same mistakes. Kahit na naglulumaban pa ang puso, pilitin pa rin nating isiping maigi kung anu ang tama at nararapat sa sitwasyon.

Dahil indi siya laging tama porket puso siya.

You ever put your arms out and spin really, really fast? Well, that’s what love is like. It makes your heart race. It turns the world upside down. But if you’re not careful, if you don’t keep your eyes on something still, you can lose your balance. You can’t see what’s happening to the people around you. You can’t see that you’re about to fall. (Gillian Owens, Practical Magic 1999)

Aling Baby

6 thoughts on “Puso…..sit!

  1. tama lahat nung sinabi mo aling baby.

    ang dami nating natutunan at babala pag tungkol sa pag-ibig ang tema.ang nakakatuwa lang,parang nagiging curious tayo kapag dumating sa atin yung tayo na ang nagmamahal.narinig na natin yung kwento sa mga kaibigan at kakilala,minsan napanood sa pelikula,pero sisige pa rin tayo.yung tipong gusto natin na tayo mismo ang tumuklas.

    tapos saka natin mare realize na ay oo nga,tama pala sila.sabay iyak.hahaha!

    pero kapag lumipas na nga yung sakit na naramdaman,kumbaga sa na amnesia,uulitin na naman natin yung dating nangyari.swerte at bihira siguro kung talagang natuto tayo.

    sabi nga…sa pagmamahal,walang eksperto.

  2. Sabi nga nila di bale ng masaktan atleast sumubok kang magmahal di ba? Laht naman tayo may katapat na taong totoong magmamahal sa atin, kaya lang sa paghahanap nito napupunta tayo sa maling tao na dahilan para masaktan tayo. Wag matakot na masaktan kung yan naman ang makakapagpatibay sa pagkatao natin.

  3. korek check tama! marami sa atin kapag mejo nasaktan ayaw ng umulit ulit kaya ayun napagiiwanan… may ilan naman gumaganti ang ending sila din ang nasasaktan sa huli… i agree na minsan blessing in disguise ang mga past relationship na hindi nagwork kasi narerealize natin minsan yung mga katangahan natin… ayun.. hahaha mejo nakarelate ako Aling baby… at alam ko maraming makakarelate dahil usapang heart ang iyong topic,,,

  4. wala ka pa rin talagang kupas!!!! mahusay, napaka-galing!!! biniyayaan ka talaga ng galing sa pagsusulat!🙂 gudjab sha! keep it up!!🙂

    ps: ano pala ang ibig sabihin ng SULATRONIKO at POOK-SAPOT? 8-|

    note:
    OMG, email pala ang sulatroniko. Shiyet!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s