Ikaw at ang maganda ko na sanang umaga..

Wala nang mas gaganda pa sa umaga ko kung sana indi IKAW ang una kong makikita lalo na’t makausap. Mas madali pa sigurong mawala ang sakit pag inumpog ko ng paulit-ulit ‘tong ulo ko kesa sa tagal na magli-linger sa isip ko kung anu ang pinagtalunan natin kanina. Ang p*steng pirma na ‘yan.

Kung kelang pinipilit kong pahabain ang pasensya ko sa mga taong katulad mo…saka naman parang nang-aasar lang na bigla kang eeksena sa maganda na sanang umaga ko.

Ilang umaga ko pa ba ang sasayangin ninyo?


Iilan lang kayo pero saganang sagana kayo sa mga walang kwentang bagay na naiisip para pagtalunan.

Pwede bang tantanan n’yo na ko? Kasi namimiss ko na rin ang buong araw na walang buwiset eh.

At kung papanay-panayin n’yo ako, malamang sa indi…ti-triple pa ang dami ng uban ko at mapipilitan akong ipermanente nang nakataas ang kanang kilay ko (indi ako marunong sa kaliwa – – pasensya..). Sinu ba naman ang maniniwalang masaya akong tunay kung nakatawa nga ako, nakataas pa rin ang kilay ko?

Anu – – parang Bella Flores?!?

Haayyyysss…

Hay naku, patapos na ang week…gimme a break!

Aling Baby

9 thoughts on “Ikaw at ang maganda ko na sanang umaga..

  1. ang puso mo aling baby…

    sadyang ganyan.. sabi nga, kontrolado ng ibang tao/enemies ang mood natin sa araw araw, ang kelangan lang nilang gawin e magpakita sila sa atin.. at in an instant wasak na ang araw mo!

    ingats! keep your wits together!

  2. cheer up aling baby!

    i hope na masaya ang weekend mo.

    ang dami talagang reason para masira ang araw pero marami pa rin namang reason to find the simple joys na hatid ng buhay.

    sana,mapalibutan ka nung masasayang reason at makita mo sila.

    happy day!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s