Careful-careful…

Sa pag-evolve ng mundo, napakaraming bagay na ang nababago. Mula sa teknolohiya, iba’t-ibang estilo sa pananamit, musika, ka-haytekan ng pag-iisip ng mga tao, global warming, pati mga kalamidad haytek na rin.

Magpapahuli ba dito ang mga kwentuhang haytek?

Indi ito yung “Wala ka sa lolo ko”-type of kwentuhan. Ito yung mga wentuhang kapag late kang dumating o di kaya eh, indi ka kasali o sinasali sa kung anuman ang pinag-uusapan eh kahit na makinig ka at mega ilapit mo pa ang tenga mo na parang binge ka lang…indi mo talaga ito mage-gets.

As in.

Tagalog naman at totoong salita naman ang ginagamit nila, pero kung pakikinggan mo…maraming importante infos ang indi mo mage-gets agad. Tulad ng…

  1. Kung sinu si topic
  2. Yung unang rason kung bakit pinag-uusapan si topic
  3. Yung mga description at ilang reaksyon na parang ngayon mo lang narinig na pinagsasama-sama sa isang usapan.

O, diba ang haytek? Pwedeng-pwede mo na gawin yan at hindi mo na kailangang mag-pretend na iba ang pinag-uusapan lalo na kung ayaw i-share sa iba o di kaya ay yung tipong titigil sa pagsasalita pag may ibang tao. Tuloi-tuloi lang ang usapan kesehoda kung sinu ang sumulpot bigla para makiusyoso sa usapan ng may usapan.

Dati-rati kasi halatang-halata na me pinachi-chismisan ang isang pareha o grupo na nag-uusap. Paano mo mahahalata? eto…

  1. may lookout, taga-bantay ng pinto o dadaanan ni topic para maitigil agad ang pag-i-spread ng cheese.
  2. nagbabanggit ng pangalan, kesehoda! Mahina nga lang ang pagbabanggit pero ganun pa rin, bulgar!
  3. Paanong indi mo mage-gets agad, kada me magtanong…inuulit mula sa puno’t dulo ng sitwasyon at pangyayari at ang mga pangalan ng involved, nagpe-pyestahan sa pagbanggit ang saya.
  4. At pag saktong dumaan o dumating si topic sa location…ayun, parang may anghel dela chismosa ang dumaan. Tapos mega magtitinginan pa na indi ‘mashadong halatang’ nabitin o nag-alala kung me narinig ba si topic ng kahit ano maging ang sariling pangalan nito bago ito nakalapit sa kanila.

20th century na kaya…

At sa panahon ngayon, usung-uso na ang mga code names. (Uu, alam ko luma na tong code names na ‘to..) Noon kasi, ang mga code names eh obvious na obvious. Parang pangalan mo mismo na dinagdagan lang ng maraming vowel, ganun ka-obvious. Eh ngayon, ang mga codes eh pwedeng base sa buhok, sports, kung sinu ung kamukha, yung huling nakakahiyang nangyari sa kanya, yung favorite somethings niya na awkward sa personality niya, personal na obserbasyon sa kilos o ugali, yung salitang nabanggit niya ng sobrang nakakatawa, mga pang-asar, yung paboritong bagay at tao, kung anu ang trabaho niya at ang madalas na kabalbalang ginagawa o anything na related sa pangalan niya.

Ang dami talaga. Sa sobrang dami dapat alerto ka sa pagmememorize ng codes para indi ka laging tanong ng tanong. Tapos wag kang aabsent para indi ka mahuli sa latest chiiizz at sa bagong da moves na nangyari para indi ka parang anga na kulit ng kulit para ulitin sa umpisa ang nangyari.

Bukod sa mga codes na ito, dapat mabilis din ang pick up mo. Ugaliin ang paggamit ng iodized salt, kung kinakailangang ihalo ito sa inumin o iulam…ito ang gawin. Malamang sa malamang, maiiwan ka sa usapan pag sloww ka kasi nabibitin ang wento pag merong indi makasabay.

Dapat din me talent kang mag-segue ng usapan lalo na’t kung sa ikauunlad ng bayan. Mahirap nang mahuli ng sabay-sabay. Shempre, parang mass pahiya ang tawag sa inyong lahat pag nabukelya kayo ng on da spot.

Masarap gamitin ang talent na ito lalo na’t kung kalokohan lang ng buong grupo. Ibig sabihin, clean fun lang at tipong asaran ang dating. Kapag para lang sa ikasasaya ng bayan ang hanap at magkakasundo naman kayo…y not diba? Shempre, kabisado n’yo na ang maximum tolerance ng bawat isa from nakakatawa–naasar–napipikon–to nagagalit na. Kailangan moderate lang at inding indi ito advisable na gamiting pangchismisms. Although effective siya para mailabas ang lahat-lahat ng galit nang indi namamalayan nung tao. Sabi nga nila, lahat ng sobra masama….kaya hinay-hinay lang sa pagtira (kung ito ang intensyong gawin sa talent na ito). Kase kahit magpakasawa ka pa sa paninira sa iba, ayus lang yan. Bahala nang bumisita si Karma sa inyo. Hehe…nananakot?

Oh well, kaya next time na me marinig kang usapan na out of this world gayong magkakasama kayo sa iisang grupo…isa lang ang ibig sabihin n’yan…..rock salt pa rin ang gamit na panluto  ni nanay. Kaya’t wag pahuhuli. Ugaliin ang paggamit ng iodized salt.😉

Aling Baby

5 thoughts on “Careful-careful…

  1. hahaha…naalala ko dati yung paborito naming programa sa radyong magpipinsan.yung ‘ayon sa aking bubwit…’

    kay deo macalma yung programa.parang blind item nang kung sinong artista,celebrity politiko etc.basta kinatutuwa na namin yung paraan nya ng pag ku kwento gamt ang kung anu anung salita/comparison para lang tapusin sa initial yung subject tapos bibigyan nya ng kahulugan yung initial base na rin sa kung anung isyu.

    halimbawa,ikaw yung subject….sasabihin nya ang initial ay A.B. as in… ‘ang bungangera’

    teka…sample lang yan.hehehe!

  2. waaaa. ako hnd ko ugaling pag usapan ang taong malapit sa akin, kc i feel bad sa kanya! ahahaha. kaya tska ko nalng bubulungan ung ksama ko pag umalis na talga ung gusto kong pagtawanan or pag tsismisan! eheheh..

    naalala ko sa work laht ng manager nmin my code para hnd nla alm na cla ang pinag uusapan namin! ahahhah.

    buti nlng lge my iodized salt ang ulam ko! eheheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s