Gib mi a sayn…

Ito ang karaniwang ginagamit na deal breaker sa mga isyung ang desisyon ay literal na nahahati sa gitna. May paniniwala kasi tayo na ang sagot sa mga katanungang ito ay may malaking tulong lalo na kung  makikita sa mga simbolo at pangyayaring tayo mismo ang nagbigay o nagsabi kung anu kaya maaaring mangyari na ito ay may daya o sadyang ginawa para sabihin lang na ito kasi ang sign na bigay ni God. Para just in case indi saksespul, sisihin natin yung sign na palpak.

Lalo na kung nakapili na ang isip mo sa dalawang nag-uumpugang desisyon. Shempre, para makasigurado at mas konkreto, dapat merong bulong ni God. Kung gagawa ka na rin lang ng sign sa isip mo na pwedeng gawing bulong ni God diba dapat ganito…

Pagdapo o pamamashal ng tatlong kulay brown na paru-paro. (Shempre brown para realistic, indi yung tricolor kase malamang walang magliligaw ng ganung kagandang paru-paru para lang matapos na ang dilemma mo. Bakit tatlo? Shempre, common na yung isa. Para naman tripleng “Oo” ang dating diba?)

Umulan, umaraw at umulan ulit ng Miyerkules. (Me partida ka na pag nasa Pinas ka kasi nag-uulan talaga dun. Common na yung umulan at umaraw bigla kasi uso yan pag nag-a-announce na cut na ang klase kaya dapat mas challenging naman. Ang mga sign na ganyan pwede mong subukan sa Middle East para pag nangyari ibig sabihin nun isang malaking tsek yun galing kay Bossing.)

Batiin ka ng kras mo. (Mejo challenging ito lalo na kung celebrity ang current kras mo at nasa Hollywood pa. Para kang sumuntok sa buwan at susuntukin ka rin niya malamang kung nagpang-abot lang kayo.)

May dumaang kotseng kulay grayish brown sa tapat ng bahay n’yo. (Naman, gagawa ka na rin lang ng sign yun pang madali? Dapat yung tipong mapapatambling ka pag nangyari nga ito diba?)

Mapakanta bigla ng isang Justin Bieber song ang Lolo o Lolang kapitbahay n’yo. (O, diba sign na sign ang dating? Wag na pati yung choreo kasi baka di na kayanin.)

Maglasang sinigang ang kaldereta na niluluto mo. (Ayus ‘to kasi imposible talagang magkalapit ang lasa nila diba?)

Walang kaabog-abog na manlibre ng lunch ang pinakakuripot na kaopisina mo. (Ok ‘to kase libre na ang lunch, me sign pang bonus.)

Makasakay mo ang titser mo nung kindergarten ka pa. (Swerte mo kung alayb en kiking pa ang titser mo.)

Hay naku, napakaraming sign ang pwede nating maisip para lang mabigyan ng justification ang desisyon na gagawin. Ke ano pa ang matinding rason para ibase natin sa mga ito ang huling bagsak ng card, dapat pa rin nating sundin kung ano ang tama at ang tulak ng puso at isip. Iba pa rin kase kung personal na pinag-isipan at pinagnilayan ang mga ito kesa naman ibase lang sa mga simbolong tayo rin naman ang may gawa. Maaaring makadagdag man ito sa porshento ng overall impact pero marapat ding alam natin ang pros at cons ng mga ito. Ang epekto sa kabuuan at di lang sa kung ano ang alam nating tatamaan ng epekto nito.

Kailangan nating maging responsable sa bawat desisyon na gagawin, after all buhay lang naman natin ang nakasalalay dito karugtong ng buhay ng pamilya. Nasa isip lang natin ang sign na yan. Ang mas matibay na sign, walang simbolong nakikita. Nararamdaman lang ito,  sa ilalim at taimtim na hiling at gabay ni Bossing.

Aling Baby

10 thoughts on “Gib mi a sayn…

  1. hahaha!

    hindi ko kahit kailan pang naisipan na bigyang kahulugan yung mga signs para sa desisyon ko.not unless na literal na signs sila na direction ng lugar o instruction.

    tama ka aling baby,yung desisyon dapat talaga galing sa puso at isip para walang regret kung anuman ang maganap.

    magandang araw!

  2. agree ako dito ng bonggang bongga aling baby… hehe..

    thou i do agree wd signs esp if we really ask it from d Lord… hehe…

    nwei, its a cliche thou, pero tau prn ang may hawak ng life ntn… we can choose to be happy or not.. hehe

  3. natatawa ako kasi minsan humihingi ako ng sign wahahaha…

    wala lang at natatawa ako kasi relate much ako madaling sign yun hinihingi ko..

    pero pag nanalangin ako talagang yun description nun tao ang sinasabi ko kay bossing pwede pa Lord si ano nalang hahaha … hay nako

    tama ka aling baby kelangan ng taimtim na panalangin at dapat maging responsable sa bawat desisyon yun yun!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s