Batman

Kilala nating lahat si Batman. Siya ang tagapagligtas ng naaapi sa Gotham City. Nakamaskarang itim at overalls na hebigats ang mga weapon pati na ang pamatay na sasakyan. Indi siya lumilipad, kinakailangan niyang umakyat sa matataas na lugar sa tulong ng mga instant lubid para pagdating doon, pabulusok gracefully ang bagsak, angas no? Wala siyang superpowers katulad nina Superman, Spiderman, Hulk, Shrek…atbp. Yaman ang powers niya at tipong vigilante ang dating.

I like Batman indi dahil siya ang favorite superhero ni lablayp, kase wala naman akong super el paborito sa kanila, nakikiuso lang talaga most of the time.

Pero bakit si Batman? Si Batman na walang kamalay-malay ang siyang naatasang ayusin ang mga gusot at problemang di natin kayang resolbahin.

“Bahala na si Batman” —yan ang magic line pag iiwan mo na ang isang bagay o sitwasyon sa ere at naghahangad na maaayos na lang ito ng kusa at sana nga may totoong Batman na magpa-plantsa ng gusot na ito.

  • Si Batman na tagapagligtas mo ke titser pag wala kang assignment at ang bubulong sa’yo ng sagot sa araw ng eksaminasyon dahil pinagpaubaya mo sa kanya ang pagrereview kagabi bago ka nakipagbarkada.
  • Si Batman na sasalo ng bulahaw ng boss mo dahil sa kapalpakan mo nung isang araw.
  • Si Batman na siyang mag-aabot sa’yo ng halagang kailangan sa oras ng bayaran dahil siya na ang pinaghanap mo ng mahihiraman.

Si Batman….hay Batman…sana naging totoo ka na lang. Pero bakit nga ba si Batman? Bakit indi si Papa Jesas ang hinihingan natin ng tulong?

Pag kalokohan talaga, marami tayong naiisip para lang maibsan ang stress sa problema. Nakukuha pa nating tawanan ang mga ito kahit na gaano pa ito kabigat. Kunsabagay, nakakagaan din sa pakiramdam pag alam mong pwede mong iatang sa isang superhero ang mga ito para makatulog ka na ng mahimbing at least kahit na ikaw pa rin ang haharap nito mag-isa kinabukasan, baka sakaling bukas maliwanag na ang isip na makagawa ng paraan.

Sana naman next time, pag me problema tayo…wag naman laging si Batman. Anjan din naman sina Superman, Robin, Iron Man…Darna, Captain Barbell…bigyan naman natin sila ng chance diba?

Hehehe…

Aling Baby

8 thoughts on “Batman

  1. instant fan ako ng way mo ng pagsusulat aling baby.may sense of humor kasi at nakakatuwa yung way mo para ilahad yung topic na gusto mong iparating.

    salamat din nga pala for visiting my site.

    mind if i put you on my link para naman hindi ako mahirapan kumatok sa bahay mo?

  2. pinakapaborito ko si Joker.. ahehe!!..

    ganun talaga tayong mga Pinoy.. humahanap ng nakakatawa at nakakagaan ng loob sa mga seryosong bagay.. pampalakas ng loob minsan.. pero at least may outlet tayong maging masaya kahit anong pagdaanan…

    hello Aling Baby.. bagong dalaw lang ako dito..=)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s