Tambeling

Ang karaniwang ekspresyon sa mga eksenang di mo kinakaya sa pagka-over. Sa sobrang pagka-overwhelmed mo kahit na indi ka marunong magtambeling eh talagang mapapatambeling ka sabay cartwheel.

Ang madalas na makakapagpatambeling sa’yo ay ang mga bagay-bagay tulad na lang nito. Nagring ang phone mo…si friendship.: “Friend, panu ba pumunta ng IBN Battuta Mall (Dubai)? Anu’ng sasakyang bus?” Simpleng tanong diba? Eh panu kung ang eksena na ito pala eh yung tipong indi kayo mashadong close nung tumawag gamit ang telepono ni friend mo tapos nagmiskol lang siya sa phone mo (kase wala siyang load). Eh si ikaw akala mo kung anu’ng emergency kaya tumawag ka naman…..yun pala, tatanungin ka lang ng lugar at load mo pa ang nagamit. (Go make tambeling na.)

Meron pa, habang bising bisi ka sa ginagawa mo. Meron kang deadline..biglang me tatawag sa’yo (na sasabihin pang importante lang talaga) para lang makausap ang problemadong taong hirap na hirap makuha ang location at phone number ng isang lugar na para bang wala nang iba pang natitirang pag-asa. When in fact, me website yung lugar at usong-uso na ngayon ang directory. Ang matindi pa nito, sasagot pa siya ng, “Oo nga ‘noh? Ba’t di ko naisip yun?” Diba, kahit na tamaan mo ang office table at bumalandra ka sa pintuan…tatambeling ka talaga.

Eh panu pa kaya kung me sulat galing sa iyong stalker admirer na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng keso, pati na chizwiz at cream chiz. Parang chiz na nagtatapat. Nagdadagsaan na ang mga daga sa paligid mo sa sobrang kachizihan nito. Ok na sana kung babasahin mo lang eh, kaso mo gustu pa ng sagot at take note, nag-aassume na ito na sasagutin mo talaga ang sulat niya. Haller, siya kaya ang tumambeling para sa’yo noh?

Lalo pa kung tanungin ka ng mga tanong na kahit elementary kayang sagutin.

Pag me amo kang lalaglag sa’yo anytime na maipit siya sa isang sitwasyon.

Pag may nang-istorbo sa masayang usapan na tipong babangka pa para lang magdala ng hanging habagat at bagyong arayb. Malamang mauuwi sa inisan ang usapan.

Pag merong seryosong usapang, iistorbohin ng mabahong pasok. Tipong siya lang ang natawa sa sinabi niya habang ikaw naman eh indi maintindihan ang mararamdaman sa ginawa ni tambelina sa eksena.

Pag ang tanong na answerable ng yes or no eh sasagutin ng isa pang tanong na may kasamang napakaraming salita diba?

Pag mainit ang ulo mo tapos out of nowhere habang naglalakad ka eh parang me pumatid sa’yo sa gitna ng mga katrabaho na halos magmatrix ka na wag lang matumba ng tuluyan. Kumusta ang poise? Para que, natalisod ka na. Nakita na nila at kahit na magtambeling ka pa, indi mapapantayan nito ang pagkaaliw nila habang pilit mong binabalanse ang timbang mo dahil lang sa kakapiranggot at outbalanced na takong at ang mainit mong ulo.

Indi ba’t katambeling tambeling ang mga pipol na hinihintay ka munang umalis bago magputak ng magputak? Mas masarap nga ba talagang makipag-usap sa hangin at alapaap? May sasagot ba sa kanila? At kapag alam mong nasa likuran mo lang ang ilan sa mga kamag-anak at kaibigan, kay lakas ng loob na magbitiw ng mabibigat na salita sa taong tinutukoy pero kapag mag-isa lang nagsasalita lang ng pasaring. Bakit? Shempre pag kumpleto ang Bioman team, resbakan ka man ng kalaban, merong magtatanggol sa’yo. Eh kung mag-isa ka lang, pwedeng-pwede mong sabihing: “Bakit, ikaw ba tinutukoy ko? Narinig mo bang binanggit ko ang pangalan mo? Guilty ka siguro.” –See, ikaw pa ang mali.

Basta’t indi mo gustu ang narinig o nakita, kesa makapagcomment ka pa ng indi maganda…goooow, tumambeling ka na lang. Itambeling mo na lang ang badtrip mo kasi nakakadagdag pa ‘yan sa stress ng buong araw diba? Saka isa pa, mabuti rin sa kalusugan ang madalas na pagtambeling. Bukod sa naka-exercise ka na, indi ka pa nakasakit at nakatulong ka pa sa pag-conserve ng enerhiya.

Aling Baby

6 thoughts on “Tambeling

  1. Hi Aling Baby!

    ay oo nga nakakatambling ang mga eksena sa buhay.
    although hindi ako magaling sa ganyan physically. hehehe
    siguro squat na lang.

    well siguro ay ibang extreme synonym ng tumalikod, umigtad, nahilo at magloka-lokahan…. wahahah yan ang maganda sa Filipino, buhay na buhay sa paggawa ng mga bagong pakahulugan.

    tumbling na ako. hehehe btw, may isa na po akong blog site – http:hoshilandia.com (tumatambling sa promosyon hehehe)

  2. Pag ang tanong na answerable ng yes or no eh sasagutin ng isa pang tanong na may kasamang napakaraming salita diba?
    —-agree ako dito. wahahahaah!

    minsan napapatumbling ako sa kasayahan. yun ang kadalsan eh. hakhak!

    namiss kita aling baby. ang tagal mo kasi nawala noon.
    :cyberhug:

  3. hehehe parang gusto kong tumambling sa post mo aling baby…

    panalo… super relate…

    o ayan ha… positive na response ang pagtumbling ko… appreciation xa… hehe

    minsan gsto ko talagang tumambling pag walang common sense ang kausap ko… ung tipong gsto mo nalang siyang ilead sa hardware para bumili ng common sense gnyn… hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s