UWIAN NA!!!

 

Alam n’yo ba na ang bakashun minsan sa isang taon ang isa sa pinakamalaking highlight naming mga nasa ibang bansa? Taob ang ilang mahahalagang okasyon pag ito na ang pinag-uusapan. Kaysarap sa pakiramdam pag alam mong makakauwi ka kahit ilang linggo lang sa lupang tinubuan para makasama ang mga mahal sa buhay at makapagpahinga na rin kahit papano.

Pero sa tuwinang darating ang panahon na ito, ang isa sa pangunahing pangangailangan ay ang datung. Naman. Ang proseso nito mula sa pagpa-plano ng petsa, pag-aasikaso ng tiket, kargo padala hanggang sa pocket anda pauwi ay indi biro.

Para po sa dagdag kaalaman ng iba, may kahirapan ang pagbuo ng planong ito sa nakararami lalo na kung indi naman kalakihan ang kinikita sa ibang bayan. Pahirapan nang masasabi, mabuti na lang at likas sa ating mga Pinoy ang pagiging maabilidad kung kaya’t nakakaisip ng ibang paraan para lang maging posible ang mga bagay na imposible.

Indi biro ang manirahan at manilbihan sa ibang bayan. Isang malaking sakripisyo na ngang matatawag ang mahiwalay sa mga mahal sa buhay pero ito rin ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob para ituloy ang laban. Sabi nga ng matatanda, “Pag may tiyaga, may nilaga.” Kaya kahit na mahirap at hirap, napapagaan ito ng pang-unawa, pagkalinga, pag-aalala at pagmamahal na ipinaaabot ng mahal sa buhay sa Pilipinas. Maliit na bagay nga lang ito pero ang para sa aming nasa malayo, gamundo sa pakiramdam ito.

Likas na kasi sa ating mentalidad na kapag nasa abroad ang isang tao, pagtatak pa lang ng entry stamp sa passport ng bansang pinuntahan, para bang kasama na rito ang isang milyong salapi, bahay at lupa, magarang sasakyan at napakalaking sweldo. Ang tingin sa’yo ng lahat ng naiwan mo sa Pinas – – mayaman. Oo, mayaman ka nga. Mayaman ng isang entry stamp sa kanilang lahat at ang stamp na yon ay nagkakahalaga ng milyones – – – kung nabebenta nga lang ito.

Indi na siguro natin maiaalis ang mentalidad na ito sa ating lipunan. Kailangan na lang natin masanay at maipraktis ng maayos ang arte ng isang mayaman (If you can’t beat them, join them.), kase pag sinabi mong inde mas lalo silang maniniwalang mayaman ka. (Diba, walang kawala?)

At dahil dito, kahit mahirap, pipilitin mong makapagdala ng kahit ano para sa buong angkan na singdami ng 5 baranggay ng mga kamag-anak na first time mong makita sa tanang buhay mo na biglang nagsulputan dahil ikaw nga raw ay mayaman na. :) At yung mga not-so-friendly sa’yo’y biglang naging bestfriend ka na lang bigla dahil sa pag-uwi mo. Ito ang ilan sa mga bagay na expected nang nangyayari at patuloy na nangyayari kaya medyo nakakadismaya lang.

Marami rin kasi dito na kahit wala na, pinipilit pa rin kahit na magkandabaun-baon sa utang, mapangalagaan lang ang reputasyon ng pagiging mayaman and all. At sa ganitong pagkakataon, nakakagawa rin tuloy ng mga bagay na indi maganda. Pagbalik tuloy sa ibang bansa, ayun…bayaran ang kaharap.

Lingid sa kaalaman ng marami, mas nangingibabaw para sa amin ang pakiramdam na eksayted kang makita ang mga mahal mo sa buhay. Yung ilang taon na inilagi mo sa malayong lugar, ito na yung panahon na makasama mo sila sa pagkain, manood ng sabay, umaatikabong kwentuhan, ma-update ka sa paglaki ng mga bata, yung mga namiss mong pangyayari, maipamili mo sila ng mga gustu nila, makapagsimba kayong buong pamilya, makapagselebreyt ng isang okasyon na kasama sila, super bonding, mayakap at maramdaman mong ito, nandito ka kasama ng pamilya mo sa bahay na kinalakhan mo, ito ang comfort zone mo yung matatawag mong iyo.

Ito ang dahilan kung bakit ka uuwi. Kung bakit eksayted kang uuwi. Diba?

Kaya’t sana, maintindihan ng lahat na mas masarap sa pandinig ang maalala at alalahanin at indi para ipaalala ang mga pasalubong na huwag itong makalimutan dalhin kasama na ang mahabang listahan ng mga taong dapat na pasalubungan. Kasi nakakasira ito ng excitement. Pramis.

Kaya eto nga, indi pa redi ang bagahe ko…meron pa kong ilang araw bago umalis. Alam ko malapit na malapit na pero indi ko na mashadong inaantay kase mas lalong nagtatagal eh. Eto ang unang beses na uuwi ako pagkatapos ng halos apat na taon ko dito, kaya siguradong multi-millionaire na ako para sa mga kachokaran dun sa kanto ng David. Well, mahirap na sigurong alisin ang mantsa na ito sa Pinoy Culture. Mahirap nang tanggalin ang permanente na pero pwede pa rin naman nating ipaliwanag ang ilang bagay na mahirap ding itanggi….ang katotohanan, diba?

Yun lang!🙂

 Aling Baby

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s