Tiwala

Ay parang power cos it comes with great responsibility. Ang tiwala, katulad ng pasensya ay indi nabibili sa pinakamalapit na suking tindahan. Indi ito napapalanuhan sa mga palarong scratch to win, indi rin nakikita sa likod ng tansan, o nahahanap sa loob ng supot paboritong chichirya.

Malinaw na indi ito nakukuha ng ganun-ganun lang o kahit sa isang pitik lang. Pinaghihirapan ito, pinagta-trabahuhan ito at binibigyan ng importansya kase indi biro na ipagkatiwala ang tiwala.

Pag ikaw ay pinagkakatiwalaan, ibig sabihin eh isa kang mapagkakatiwalaang tao (ahehe, parang ginugulo ko lang eh…)

Kung gustu mong makuha ang pagtitiwala ng magulang, dapat matutunan mo rin ang mga bagay na gustu nila na gawin mo bilang isang anak.

Ang pagiging masunurin at responsable. Oo nga, dapat na alagaan ng magulang ang kanyang mga anak pero tulad ng ibang magulang meron din silang goal na mapabuti ang mga ito kaya’t kailangang magdoble kayod. Kaya bilang anak, indi ba’t napalaking bagay kung indi ito magpapasaway at mas maigi kung tutulong pa ito sa gawaing bahay, mag-aaral ng mabuti, tutulong sa pag-aalaga sa mga kapatid at kayang pagkashahin ang baon na ibinibigay sa kanya. All in all, ang kapalit ng pagiging mabuting anak ay sandaang porshentong tiwala plus-plus-plus pa. Indi nga lang biro ang sakripisyo na ito pero believe me, it’s worth it.

Sa kaibigan. Madalas, may mga personal na isyu tayo na mas nasasabi natin sa mga malalapit na kaibigan kesa sa pamilya. Na sila ang mas madalas na nakakakilala sa side na ito ng ating pagkatao. Kapag mas nakakapag-open up ka sa kanila, sandaang porshento ng tiwala ang ibinibigay mo sa kanila at alam mong ang mga ito ay seyp sa kanila at sila ang huling taong ie-expect mong maglalaglag sa’yo kahit sa gitna ng kagipitan. Indi biro ang tiwala na pwede mong ibigay sa kaibigan lalo na’t parang higit pa sa magkaibigan ang turingan n’yo.

Sa ibang tao at ibang pagkakataon. Kung minsan, sa walang kadahilanan at pawang instinct lang…may mga tao kang makikilala na makakagaanan ng loob mo to the point na komportable kang sabihin ang mga personal na bagay sa buhay mo. Walang nagkaka-award ng Instant Tiwala, depende pa rin ito sa personalidad at sa paraan ng pakikisama bago mapagkatiwalaan.

Malaking bagay kapag ikaw ay mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin, nakikita ito sa personalidad at kapasidad na tumanggap ng mga ideya at opinyon ng may malawak na pang-unawa. Alam mo ang kahalagahan ng privacy ng ibang tao at itago ang ilang bagay na indi naman kailangang malaman pa ng iba. Alam mo rin ang limitasyon mo sa isang sitwasyon, kung kelan dapat at indi dapat na isali ang isang bagay sa sitwasyon kung saan alam mong ikaw lang ang nakakaalam kasi mawawala ang kredibilidad. Pag nangyari ito, pag-iisipan ka na ndi pala pwedeng ipagkatiwala sa’yo ang ilang bagay na ito kasi capable kang magsalita lalo na pag nagkaron kayo ng indi pagkakaunawaan ng taong yun na minsang naging malapit sa’yo.

Ang tiwala katulad ng pakikipagrelasyon, para rin itong salamin. Indi ba’t maganda siyang makita na maayos at matiwasay sa kinalalagyan? Dahil sa oras na ito ay mabasag, indi na ito maibabalik pa sa dati kahit pa ano ang ipangdikit dito.

Indi dapat gawing biro ang paglalaro sa mga ganitong sitwasyon dahil ang mga bagay na ito kapag tuluyang nasira, para ka naring nasunugan. Lahat matutupok Walang ititira kahit isa. At kung maibabalik mo man ito, kakailanganin mo ng panahon. Maaaring maibalik man ito pero kulang na at indi na rin katulad ng dati.

Kaya’t sana, wag nating iisantabi ang bagay na ito. Indi lahat ng oras magagawan ng paraan ng atorni mo ang lahat ng pagkukulang na nagawa at kaya ka nitong maabswelto. Minsan, kailangan mo ring harapin na sa totoong buhay, nasisira ang mga relasyon. Nagkakahiwalay ang mga matatagal na pagsasama. Nasisira rin ang matibay na samahan at lumilipas ang panahon na makakalimutan na rin ng mga ito na isang araw naging mahalaga ang mga taong ito sa buhay mo dahil na rin sa sariling kapabayaan.

“The key is to get to know people and trust them to be who they are. Instead, we trust people to be who we want them to be- and when they’re not, we cry.”

Aling Baby

8 thoughts on “Tiwala

  1. super duper agree… ang tiwala hindi basta nakukuha kaya kapag may tiwala sayo ang isang tao dapat alagaan mo ito.. wag aabusuhin kasi oras na natapyasan hinding-hindi na maibabalik ito gaya ng dati…

  2. “At kung maibabalik mo man ito (tiwala), kakailanganin mo ng panahon. Maaaring maibalik man ito pero kulang na…
    Tama…tamang-tama ka, Aling Baby

  3. Sobrang tama po lahat ang cnbi nyo…isang bagay na kpag nawala kahit kaninuman mahirap na mahnap at maibalik pang muli..ingat po nakiraan at nakibasa.

  4. Minsan, kailangan mo ring harapin na sa totoong buhay, nasisira ang mga relasyon. Nagkakahiwalay ang mga matatagal na pagsasama. Nasisira rin ang matibay na samahan at lumilipas ang panahon na makakalimutan na rin ng mga ito na isang araw naging mahalaga ang mga taong ito sa buhay mo dahil na rin sa sariling kapabayaan.

    –awts! katama.hehe.
    tama, ang isang relasyon, hindi lang mabubuhay sa four letter word.dapat may tiwala:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s