Oo na, ikaw na’ng magaling…

Anlabo mo naman o…

  • Oo na, ikaw na ang mabuting tao.
  • Ikaw na indi naninigarilyo
  • Indi umiinom ng alak
  • Indi gumagamit ng pampaganda
  • Indi nagmumura kahit minsan
  • Indi nakikipagsosyalan
  • Indi nakikipag-flirt-an
  • Indi namamashal sa mall para lang tumambay
  • Indi sumasama sa mga taong merong bisyo

Gustu ko lang makasiguro, ito ba ay totoo o isang paraan para ipaniwala sa ibang tao at sa sarili na merong ganito? Indi kaya ikaw ay isang pangarap lang na maganda ang pagkakadrowing o malamang sa oo…indi ka tao at indi ka nararapat sa planetang ito?

Indi ko sinasabi na indi maganda kung ikaw ay straight up uber nice and righteous person. Diba nga ito ang gustu ni Lord? Na maging kawangis niya? Isa itong challenge para sa atin bilang tao. Aminin natin, mahirap maging tao. Buti pa ang robot pwede mong i-nice mode on lang at ok na, magiging nice at mabait na ito hanggang sa ma-worn out na sila. Pero ang tao, they have to make tough decisions. They have to bear with what life has to offer. Laging trial and error.  Ang pagkakamali pang ito, indi mo rin pwedeng sabihing “I’m only human, of flesh and blood I’m made. Human, born to make mistakes.” Kasi bukod sa gasgas na ito, indi rin ito mangyayari kung indi mo paglalabanan ang lahat ng obstacles tulad ng temptation.

Indi lahat ng tao kayang alisin ang pride. Indi lahat kayang tagalan ang tukso. Indi lahat kayang magbalanse. Indi lahat kayang sabihin na kaya niya, sige lang ibato mo pa. Indi lahat parang bato. Magiging parang bato ka na lang sa tatag kapag napagdaanan mo na lahat.

Pag nagkamali ka na.

Kaya indi totoong indi ka nagkakamali. Indi totoong ang pagsasabi ng tanga at paminsang napapairal ang kahinaan pero tuwing Linggo present ka sa simbahan would make you righteous or better than the others. Indi basehan kung ilang beses kang laman ng simbahan o kung lagi kang laman ng mga prayer meetings at kilala mo ang lahat ng santo. Isa itong responsibilidad at kusang loob bilang kabahagi ng relihiyon pero indi pa rin ibig sabihin nito na nasa ring side ka sa big dome ni Kuya Josh.

Lagi nilang sinasabi na sila lang ang karapat-dapat na maging kasama ni Papa God sa langit. Halos lahat ng relihiyon nagke-claim nito. Para bang sila ang nakabili ng espeshal na ticket papuntang langit at yung iba depende sa lakas ng simbahan nila at depende rin sa taas ng donasyon. Sabi nila, magbago na dahil malapit nang magunaw ang mundo. Magbalik-loob na dahil nabibilang na lang ang taon at babawiin na ang mundong ito sa atin.

Samu’t saring wento. Para lang tayung batang tinatakot na dadalhin sa dentista para magpabunot o di kaya eh, sugat na lalabas ang tatlong hari pati ang reyna pag di ginamot. Ipapakain sa monster pag indi pa nagtoothbrush at natulog sa hapon.

Indi pa ba malinaw? Nawawala na kase ang sense ng faith natin sa Kanya. Nawawala na ang takot sa Diyos at kung minsan, indi na tayo lumalapit sa kanya para humingi ng tulong kasi marami namang paraan. Kase parang parehas lang naman ke magdasal at indi. Parang sabon na pampaputi na anim na buwan mo nang gamit, kulay tsokolate ka pa rin…kase, ginagamit mo nga pabilad ka naman palagi sa arawan na kala mo me shield ka laban sa init. Kahit pa dasal ka ng dasal dy’an kung nakatanga ka lang para mag-abang ng milagro, aba’y indi po majikero si Kuya Josh. Kailangan nating gumalaw-galaw hanggang sa matumbok natin kung ano ang sagot sa ating hiling.

Indi ako madaling maniwala sa mga taong halos memoryado na ang laman ng Bibliya o sa dami ng alam na aral at salita Niya. Mas importante pa rin para sa akin na alam niya kung ano ang inaaral niya at nagre-reflect ito sa asal at ugaling pinakikita niya sa ibang tao sa labas ng grupong nasasakupan nila. Minsan mas importante pa rin kung paano ka makisama sa ibang tao at dun mo mai-apply ang aral na natutunan mo, indi sapat na kabisado mo ito dahil indi naman laging nakikipag-quiz bee ang mga tao sa nalalaman mo. Kasi minsan, sa paraan ng pakikisama malalaman mo kung para ba itong latang walang laman na pag bumagsak ay maingay.


Napansin ko lang naman….

Yun lang, bye.

Aling Baby

4 thoughts on “Oo na, ikaw na’ng magaling…

  1. Indi ako madaling maniwala sa mga taong halos memoryado na ang laman ng Bibliya o sa dami ng alam na aral at salita Niya. Mas importante pa rin para sa akin na alam niya kung ano ang inaaral niya at nagre-reflect ito sa asal at ugaling pinakikita niya sa ibang tao sa labas ng grupong nasasakupan nila.

    itong part na ito ang gusto ko.. mermoryado nga nya lahat ng verses di naman nakikita sa pamumuhay nya wala rin..

    hypocrites tawag dun

  2. aba ba naman… sa ilang parts medyo guilty ako pero tulad ng kay lambing gusto ko din ung last part…

    kung sa kanya hypocrite ang tawag nya sa ganun, sa akin holier than thou ang tawag ko dun…

    nwei, tama naman na mas mahalagang isagawa ito kesa ikabisa ito… anong sense db?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s