Naisip ko lang naman…

Sa dinami-dami na ng mga pagsubok na nangyari sa buhay natin mula ng magkamuwang tayo, indi ko na siguro susubukang bilangin ang mga ito sa dami. Mula sa mga simpleng bagay hanggang sa halos gabundok kataas ang inakyat natin, pati butas ng karayom na sinuong para lang malutas ang mga ito.

Ang indi natin mashadong napapansin ay kahit na gaano kaliit ang isang problema pag nagawa mong lutasin, isa na itong imbisibol-puntos na nadadagdag sa ating eksperyens. Paano pa kaya kung mas mataas pa saýo ang problemang naresolbahan mo? Level up ka agad nun.

Naisip ko lang, bakit kaya pag nalutas mo na ito eh binabalik-balikan ka nito every 4-7 months (estimasyon lang po ito) na parang bumbai pautang na 5-6? Indi ba pwedeng pag natapos mo na yung level na yun eh iba naman?

Tulad na lang halimbawa pagdating sa “lab prablems”. Pagkatapos mong pagdusahan ang ilang linggo hanggang ilang buwan ito para makarekober ka sa pagkakahulog mo sa bukas na manhole eh eto ka na naman…same problem pero  iba lang ang taong dahilan. Bakit ba indi pwedeng indi mo na ito ulitin kasi tapos ka na dito?

Problema sa pera. Ito malamang hanggang sa pagtulog nagmimistulang bangungot na sa sobrang dalas ng pagbalik, para bang walang ibang gustung dalawin kundi ikaw. Kung parang langaw lang ito, napakarami ng paraan para indi na ito bumalik kahit kailan. Kaso mo, indi eh. Mac Arthur, ikaw ba yan? (I shall return…)

Sa Karir at Trabaho. Hangga’t indi napagbibigyan ang dasal mo na sana magtaas naman ng sweldo (kahit sandaan man lang..). Sa tuwing darating ang kinsenas at katapusan, same old problem…indi na kailangang bumalik-balik nito dahil para na itong libag na naging balat sa pagiging permanente nito sa buhay mo.

Maliban sa mga ito, yung ibang bagay…mashado nang maliliit para mapuna. Mas naaalarma lang tayo pag isa sa tatlong nasa itaas ang biglang nag-return of the comeback ng walang pasabi. Parang nakakatuliro talaga ito pag dibdiban ang pagharap at pagresolba.

Pero, bakit nga ba? Bakit ba tinatanong ko pa kung bakit ito nangyayari? Eh diba dapat nga sa tinagal kong ito sa mundo eh alam ko na dapat ang sagot?

Kayo? Alam nýo ba? Kung alam nýo na, bakit kapag anjan na naman ang parehong problema, pareho pa rin ang approach nýo dito?

Parehong dramatic. Baliw-baliwan. Suicidal. Nagsasalita ng mga bagay na kala mo ito na ang magmimistulang kutsilyo at baril na tatapos ng buhay mo. Meron pang pa-epek na “Lord, bakit nýo ko pinaparusahan ng ganito??”

Haaays, ewan ko ah. Siguro idealistic lang talaga ako pero indi ba dapat, sa dinami-dami na ng pinagdaanan mo…kapag nag-surprise visit ang mga ito sa inyo diba dapat indi ka na magugulat? Kung indi mo man masolusyunan agad, paniguradong may idea ka na at paraan kung paano ito didiskartehan kasi dinaanan mo na yan eh. Nilabhan mo na, kinula, dalawang ulit na banlaw,  nag-downy ka pa bago mo sinampay at nung natuyo pinalantsa mo pa tapos ngayon makakalimutan mo na agad? Ganun lang kadali?

Nagkakaron din ako ng problema (lahat naman tayo diba?) ke maliit o malaki, paisa-isa o isang tropa pa yan. Mahirap, oo. Mabigat, oo. Kaya? kinakaya. Kasi napagtibay na ako ng maraming pangyayari at naniniwala ako na may solusyon ito, indi ko lang kailangang magmadali palagi para mawala na ito kasi para din itong pagpapa-renew ng passport…may proseso at kailangan mo ng matinding pasensya para indi ka mapagod at tuluyan nang umalis sa pila. Kasama nito ang Faith at Prayers at paniniwala na ang lahat ng mga bagay, nangyayari talaga ýan whether we like it or not. Wala tayo sa posisyon para mamili lang ng mga bagay na pabor sa atin. Kusa lang itong darating sa atin, sa tamang panahon.

May naalala tuloy ako. Dati ang simple lang ng pamumuhay namin hanggang sa naging ok na lahat. Naisip ko, ganun na ba kalaki ang ipinagbago ng mundo o sadyang nagpaagos lang ang lahat sa bilis ng takbo nito? Indi ko na siguro kailangan pang hanapin ang sagot na ayan at mas maliwanag pa sa sikat ng araw (indi ka ba nasisilaw?). Kung indi nangyari ang mga nangyari…walang natuto, walang naging matatag, at wala tayo kung nasan man tayo ngayon. Kaya kung anuman at sanman kami napadpad lahat is because destiny said so.

Yun lang. Bye.

Aling Baby

17 thoughts on “Naisip ko lang naman…

  1. galing aling baby! iba tlga pag ikaw ang nagsusulat! sana magkaroon ka na ng libro in case mawalan ako ng internet hehehehe joke lang! dapat kasi pang hardbound ka na!

    1. hi etchosera (hehe, may naalala lang..)

      sa tingin ko lang ah…panggulo lang ang mga yan. sabi nga nila, wag mashado maging kampante kasi any moment may mangyayari dapat lagi daw handa. parang ganun.
      🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s