Eksayted

Eksayted na ko kase…

Malamig na naman ang panahon. Mararanasan ko na naman ang pakiramdam na halos lagyan ko ng balot at saplot ang buong katawan o sumiksik sa tabi ni labs para lang mabawasan ang panginginig dahil sa lamiiiig brrr.

Disyembre na. Malapit na ang Pasko. Kahit na wala sa Pinas, makikita mo sa bawat kabayan ang spirit of Christmas. Ganyan talaga eh, puro na lang daydreaming ng pasko sa Pinas. Narito na naman ang exchange gifts – Monito Monita – Kargo padala at ang food festival ang mga mapanirang diet na handa. (Ngayon pa lang pakiramdam ko 60 Kgs na ulit ako iniisip ko pa lang.)

Matatapos na naman ang taon. Isang dekada na pala ang dumaan. Ambilis talaga ng araw at oras parang nangangarera lang. Tatanda na naman tayong lahat ng isang taon. Sabi nga, bagong taon…bagong pag-asa. Sana naman maganda ang pasok ng Year of the Tiger. Nawa’y kalmutin nito ang masasamang vibes ng taon at lamutakin nito ang mga swerte at i-share sa lahat.🙂

Makauwi for the first time in 3 straight years! 1,095 days ko ring indi nakasama ang mahal ko sa buhay.

  • Makikita ko na sina mum at pop, ate’s at kuya, mga pamangkin kong paniguradong mas malaki na kesa sa’kin at ang mga kapitbahay cheesers namin.
  • Chak na sandamakmak na event ang pupuntahan ko nito at daming kitakits ng barkada sa skul-opis-street friends at kung sinu-sinu pang naging ka-chokaran ko nung panahong tambay pa ko hehe.
  • Malamang siguro tatlong linggo akong walang tulog para lang walang oras na masayang.
  • Ang makakinig ng pinoy radio stations. Pag nasa abroad ka kasi mas maaappreciate mo yung sariling atin.
  • Makakalamyerda na rin sa mga lugar na tatlong taong indi napuntahan at makakakain na ulit sa mga kainang wala dito.
  • Makakakita na ulit ng tunay na tiangge at tunay na mandurukot at snatcher na tumatambay sa sakayan ng Harrison Plaza (I wonder kung sila-sila pa rin ang assigned dun banda sa’min hehe).
  • Makakasakay na ulit ng jeep at makakababa at sakay sa kahit saang pwedeng hintuan. Tumawid sa highway na walang stoplight kaya dapat me life insurance ka sakaling magkamali ka ng tawid lalo na pag wala kang keber sa paskil dito na, “Bawal tumawid, nakamamatay.”
  • Mawawala ba naman ang Mall tour?? Mas maraming mall ang dadayuhin ko pag-uwi chak yon. Ipashal sana ako ng Ate ko sa Divi kung saan uso ang malalaking plastik bayong.
  • Magkikita na ulit kami ni Jollibee in person at indi lang sa Youtube na sumasayaw ng nobadeh. Makakapasok na ulit ng Greenwich, Tropical Hut, Shopwise, Wendy’s, Mister Donut pati na yung bilihan ng Indian mango sa Libertad. Wet market na pag madaling araw eh merong kargador ng baboy na tumatakbo habang nakasampay yung yobab sa balikat nila kaya konting ingat kasi wala silang keber kung mabangga ka o matilamsikan ng pig’s blood hehe. Ang sago-gulaman na puno ng coloring at mas lasang tubig na keri na pantanggal uhaw.
  • Hmmm…san kaya ang summer get-away ko????

Makita araw-araw ang Union Coop hehe. Matagal-tagal din kaming indi nagkita. This is the moment, mukhang mapapadalas na naman dun.

Maging kapitbahay sina Te’bi, atleast indi na mashadong malayo pumunta sa kanila para makitambay pati na kina Abby. Pwede nang dayuhin anytime woohooo!

Eksayted na ko this coming weekend. Alam ko nakakapagod na naman pero ok lang, there’s not much to worry about. Pag hiniling mo talagang maging bisi-bisihan, indi lang simpleng pagkabisihan ang ibibigay sa’yo kundi buong linggong pagkakaabalahan. Mauubos lang ang oras ko kapag ni-stress out ko ang lahat ng ito. I still believe that there’s a reason for everything at for sure merong considerable reason kumbakit kami napadpad sa lugar na ito. Eniwei basta malapit sa inyo….masaya na kami dun.🙂

‘Piwikend!

Aling Baby

9 thoughts on “Eksayted

  1. Wow… halata ngang excited ka aling baby patalon talon ka pa oh… hahaha
    Grabe 3 years ka pala hindi nagpasko s atin, ako naman 1 year lang heto super excited na rin… ang sarap magpasko sa Pinas wooohoooo…. Enjoy!

  2. ako rin naeexcite na! guato ko na rin magchristmas break! gusto ko an rin tsumibog! gusto ko na rin makatanggap ng maraming geps! weeee!

    adbans merry xmas! pasalubong ko!

    hakhak!

  3. Good day! Napadpad ako sa iyong site kasi naghahanap ako ng mga posibleng respondent sa aming thesis na mayroong topic in connection to blogging practices in the Philippines. I was wondering if you’re willing to answer an online survey from our group, to be able to help us finish with our data gathering. You can send me your reply through my email add: ktlacorte@gmail.com
    THANK YOU VERY MUCH FOR YOUR COOPERATION!🙂

  4. yah aling baby super jump and jump ka sa super exited na makauwi hehehe. masarap naman tlaga ng pasko dito sa pilipinas kesa sa iba hehehe happry trip and ingat sa paguwi hehehe advance merry xmaz hehehe lumalamig na din dito sa phils. magkakasnow ba? hehehe

  5. Merry Christmas Aling Beh! Ako rin excited na for this Christmas! I will make the most of my time with my family this Yuletide season! Bow!

  6. naku.. di ka pa nakakauwi.. iwewelcome back na kita… sana di mo mkalimutang magblog…

    ansaya pa rin ng pasko sa pinas.. khit maraming kaguluhan.. iba talaga pag nasa sarili kang bayan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s