B.a.b.a.e.

buddypoke

Ang sa akin lang: Ang artikulong inyong mababasa ay pawang obserbasyon at base sa mga karanasan at karanasan ng malalapit na kaibigan. Ang nilalaman nito ay indi naghahamon ng away o kahit gulo man lang. Kung ikaw ay lalake, makakatulong ito sa iyong pananaw at kung ikaw ay babaing malawak ang isip, makakatulong din ito pero kung ikaw ay pikon…walang personalan, trabaho lang.

Masaya kang babae ka.

buddypoke

Pagkapanganak palang sa’yo ni inang reyna, awtomatik na ginawa ka nang prinsesa ng buong kaharian ng bahay. Swerte kung wala nang isa pang prinsesitang dumating kung meron ok lang, pareho na tayo dukesa naman. (hehe..) Kumbaga sa panganay at bunso, pag nag-iisa kang babae…paborito ka ni tatay. Iwas palo ka kay nanay dahil hebigats ang kakampi mo, banggain nila ang haligi ng tahanan ewan ko lang.

buddypoke

Sabi nila, ang mga babae daw ay pabago-bago ng isip. Umoo na kanina, wala pang limang minuto binabawi na nito ang sinabi. At may kung anu-anu pang dagdag na sasabihin.

buddypoke

Mashadong maselan. Ayaw kumain sa karinderya o gotohan na nakapwesto sa gilid ng mga nakaparadang pampasaherong sasakyan. Ayaw maglakad pag mainit lalo na pag naulan. Ayaw maupo kung saan-saan. Ayaw ng sinisiksik. Ayaw ng nadadantayan o kahit na madikitan. Ayaw nang pinipilit lalo na kung indi kagandahan ang lugar na pupuntahan.

buddypoke

Demanding. Gustu laging nasusunod ang layaw. Lagi dapat pagbigyan at pakikinggan. Pag indi mo ginawa ang gustu, parang armalite ang bibig…bratatat ng bratatat parang nanay na nanenermon tuwing umaga at pag walang pasok.  Kung anu ang maisip gawin, yon ang kailangang nasa unahan ng listahan at daig pa ang hari na indi pwedeng mabali ang sasabihin.

buddypoke

Bintangera/Dudera. Konting bagay binibigyan ng kahulugan. Mahilig mag-ungkat ng tapos na. Hukay ng hukay kahit na agnas na sa katagalan ang isyu, sige pa rin ito sa kakabratatat. Makita lang na me kausap ka at mabanggit na pangalan ng babae (kahit pangalan lang ito at indi totoong tao…) parang telenobelang inabot ng limang taon sa tagal ng pagsasalita.

buddypoke

Imbestigador. Kakalkalin lahat mula friend’s list sa social network accounts, cellphone, wallet, bag, pabango, kikay kit (uu, me lalaking meron neto), pati laman ng ipod (baka nasa favorites mo pa rin kase ang theme song n’yo ng ex mo way back 20-30 years ago…musta na naman).

buddypoke

Your mother’s advocate. Daig pa si mader kung makatanong ng mga lakad. Oras ng uwi. Sinu ang kasama (baka naman me mga babae pa kayong kasama ha? Tipong kala mo biro pero seryoso pala.) Ang panenermon, walang pinag-iba ke mader…edad lang at wrinkles ang kaibahan. Minsan mako-confuse ka na kung ina mo ba o ina ng anak mo ang karelasyon mo kasi same-same lang. Okay na sana kasi kasing-galing ng nanay mo pagdadating sa pagluluto eh pati pag-aalaga sa’yo pero pati yata nanay mo kuhang-kuha, parang clone na niya.

buddypoke

CIA. Lahat na yata ng bagay meron siyang say(sinasabi). Wala kang kawala lalo na pag bukelya ka. Kumbaga sa court room, siya na ang lawyer, judge, stenographer, jury pati miron….kulang na lang sintensya para tapos na. Minsan nga kahit na siya ang mali, nagiging tama pa rin siya lalo na pag kaharap ang anak. Shempre, alangan namang awayin mo sa harap nila diba? Di mas lalong tumaas ang sintensya mo.

buddypoke

Mayaman. Dahil sa kanya, yayaman ka. Oo, yayaman ka sa utang. Kabibili nito ng kung anu-anu na “kailangan” daw sa bahay, ni baby, pampaswerte, nakita daw niya sa bahay ni kumare, matagal na raw niya pinapangarap magkaron ng ganito-ganyan, para daw indi siya magmukhang kawawa pag kasama ang mga amiga….at marami pang iba. Shempre, mahal mo eh. At para naman kasing me choice ka, pag humindi ka…papangit ang mood nito at magsasa-toyo na siya buong araw hanggang sa pumayag ka. Parang blackmail lang. Pero pag oo ka agad, bigla kang magiging pogi, mabait, swerte siya sa’yo at ikaw ang nakatuluyan niya, meron kang “bonus” mamaya pag-uwi, super mega maasikaso siya sa’yo at kulang na lang halikan ang iyong talampakan. Mga ganung bagay ba.

buddypoke

Nostradamus. Indi mo pa ginagawa, meron na siyang konklusyon para dito. Para bang in born talent niya ang magbasa ng pyutyur. Kung gayon, anu pang silbi ni Madam Auring at Jojo Acuin kung narito na mismo sa bahay n’yo ang pinakamagaling na manghuhula in town?🙂 Indi ka na gagastos pa para pumunta sa Quiapo at maupo sa harap ng mga fortune teller dun o kahit magchaga na silipin ang horoscope sa dyaryo kung tuwing umaga bago ka umalis eh meron ka nang daily dose nito kasabay ng almusal mo?

buddypoke

Taga-palaman. Ang sinasabing numero uno sa pag-ispred ng cheeeeese (chismis) next to Boy Abunda. Sinu ba ang madalas na nakikita n’yo sa labas ng bahay kausap ng mga kapit-cheesers habang nagwawalis, nagkukula at nagsasampay? Kung meron umpukang sunog baga sa kabila, neber nawawala miski sa harap ng tindahan ang mga sari-saring kuru-kuro ng mga maybahay na malimit napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid nila bukod sa showbiz. At indi lang yan, kahit saang lupalop ng lugar…merong “girl talk” na nagaganap. Shempre, cheesers circle lang yan iikot.

buddypoke

In fairness naman sa Eve’s race…at bago pa ‘ko masaktan dito. Sampu lang yang nasa itaas, pero mas marami pa dyan ang advantage at positive side ng pagiging babae. (Tama? tama!!)

Kung walang babae, wala rin tayo, tama?

buddypoke

Kung walang babae, walang direksyon ang buhay. Walang matiyaga at malimit na magpapaalala ng mga dapat at indi dapat gawin. Ang unang magtuturo bilang magulang ng mga tama at mali at magtutuwid ng mga ito katulong ng ating ama.

buddypoke

Kung walang babae, magulo ang bahay. Kahit pa sabihin n’yo na maiingay sila habang naglilinis…at the end of the day, mag-aasikaso pa rin ito ng kakainin at isusuot kinabukasan. Indi nila kayang tiisin na gawin ang mga bagay na ito para sa mahal sa buhay.

buddypoke

Kung walang babae, walang magbabadyet. Ang hirap kayang pagkasyahin ang sweldo ni tatay para hatiin sa lahat ng gastusin sa bahay. Nakasalalay sa maayos na paghahanay na matugunan lahat ng pangangailangan. Shempre, kudos din kay tatay pag indi nagbawas sa intrega.

buddypoke

Pag nagakakasakit, sinu ba ang madalas na nandyan? Ang babae diba? Si nanay, si tita, si ate….ang matiyagang nagbabantay at nag-aalaga.

buddypoke

Likas sa babae ang pagiging maalaga, nurturing, being the softer side. Mas pumapangibabaw ang pagiging ina/babae sa anumang aspeto ng pagdedesisyon. Emosyonal at kahit na gaano katigas ang paninindigan, umiiral pa rin ang pagkababae nito. Oo nga’t maiingay, mahilig manermon, nagger, laging kunsumido…alam naman nating lahat na nagpapaalala lang ito sa tuwinang gagamitin ang power of mouth. Kapag maingay na kasi, awtomatikong napapasunod ka na lang. Sinu ba rito ang indi narindi sa ingay ni nanay sa loob ng bahay lalo na pag nahahayblad ito sa kakulitan natin?

buddypoke

Diba’t minsan, kapag wala ka na sa poder nila maaalala mo palagi ang mga paalala nito na kahit na sa pagitan ng tinis ng boses, na-gets mo yung gustu nilang sabihin? Yung message na gustu nilang magpenetrate sa utak natin?

Yun lang naman ang goal nila eh. Yung pakinggan at intindihin dahil alam nila kung anu ang mas makakabuti. Dahil walang ina’ng nag-isip na mapahamak ang mahal sa buhay. Yan ang babae. Isa na marahil sa purpose ng pagiging isang babae ang maging isang ina. Mabuting maybahay. Ang maging better half. Ang umalalay at sumuporta.

buddypoke

To be that woman behind that successful partner.

Mapa-lalaki o babae, may kanya-kanyang flaws. Indi naman mawawala yan eh. Kaya nga we learn from it day by day.

“One is not born a woman, one becomes one.”

buddypokeAling Baby

23 thoughts on “B.a.b.a.e.

      1. aling baby you know what i’ve just realized now? ang tagal tagal tagal tagal ko nang dumadaan sa bahay mo wala ka pa rin sa blogroll ko.sensya hindi ko naupdate.

        update ko na ngayon..dalaw ka naman sa site ko ngayon..sa upper right tingin ka..may magandang chika babes.pramis *winks*

        1. wag ka naman ganyan rye, bigla tuloy ako ng napasilip sa blog roll ko’ng inaamag na sa tagal na indi ko nabibisita…..
          ….wala ka pa kaya dun, heller naman saken. cge, maglilinis muna ko ng blog roll bago kita lagay…kakahiya naman sau dami na sapot dun.

          nakita ko nga yung magandang chika babe dun sa site mo eh hehe…salamat nga pala.
          ..ha?! ako ba yun? ‘chos hehe.

  1. napa smile naman ako sa sinulat mo at sa mga graphics..katuwa..ang cute cute cute!

    naalala ko tuloy yung kanta ni billy joel..

    She can kill with a smile
    She can wound with her eyes
    She can ruin your faith with her casual lies
    And she only reveals what she wants you to see
    She hides like a child,
    But she’s always a woman to me

    She can lead you to love
    She can take you or leave you
    She can ask for the truth
    But she’ll never believe you
    And she’ll take what you give her, as long as it’s free
    Yeah, she steals like a thief
    But she’s always a woman to me

    di ba?di ba?di ba aling baby?
    ingat lagi😀

  2. ayiii…

    ang galing…

    relate much.. may quality ako nun iba pero hindi lahat hahaha.. syempre kasi babae ako lololols medyo bakla nga lang pero pusong babae pa din ateng !😉

    nice post!

    ang ganda nun buddy poke haha namimiss ko yun avatar ko dun ah?? add mo ko lolz🙂

  3. ang galing naman ng mga descriptions at ang cute ng avatars! feeling ko mas lalo akong naging proud dahil isa akong babae, at naalala ko din ang aking Ina na paalala ng paalala sa akin, naalala ko din yung rated k na last episode about sa mga Mothers ^__^

  4. ALING BEBS!!!!

    ahhhhhhhh!!!! *tili ng isang blogger na namiss ang pages… mo ng sobra*

    grabe… dami dami ko ng namiss… dame dame kasing ginagawa… nakaktamad…

    ^_^ so grateful!!!

    1. hai lee-yow…uu nga eh. sobrang bisi-bisi mo.
      one time dumalaw ako sa bahay mo, antagal na walang update.
      good luck nga pala sa dad mo…sana makarecover na siya at sa mom mo, dun ka ata nagmana ng kulit hehe. (parang close lang hehe)

      salamat sa dalaw.🙂

  5. kaya ang babae dapat minamahal at nirerespeto. tulad ng nanay ko, larawan ng isang matatag at maabilidad na babae.

    nice read aling baby😀

  6. nakakatuwa naman ‘tong post na ‘to! pero akalain mo yun kakaiba kasi akong babae eh. napakacowboy, boyish… okay lang kahit saan kumakain, okay lang kahit saan umuupo… kakaiba kasi ang atmosphere sa college namin eh!
    pero yung iba diyan may qualities mama ko! hakhak! pero kahit ganun pa man… lab na lab na lab ko mama ko! da best mom in the whole wide world!

  7. aw…. napnsin ko yang gma ganyan sa pinsan kong babae.
    mula pagkabata kasi kasama ko na yun kaya aware na ko sa mga babae. naks
    😀

    yung dudera hahaha natawa ko dun. masyadong tama!!
    nakopo.

    ang cute ng mga buddypoke ah!!!

  8. matagal ko nang narinig si aling baby mula sa basilika ni broutoy na naging busy sa kanyang teyolohiyang pag-aaral. mark nyu na lang po dahil balita ko 3rd year na pala si broutoy na parang kailan lang. napadaan lang po. familiar faces ay nandito din pala. ricky,jason,dencios, galing lan sa haws ni blakenwayt na cool blogger din…napadaan din sa bahay ni flamendevs pero di pa rin nakapag-iwan ng comment. yan na lang po muna baka magkaiyakan pa tayo. kaway-kaway lang po aling baby.

  9. “One is not born a woman, one becomes one.”

    mahirap naman ata kung hindi totoo ito… mga babae din mahihirapan. wasak sigurado.

    pero masama yang quote na yan, pwede gawing sandigan ng mga bading.ahehehe

    si Ai-ai ang tunay ang babae.hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s