Adobeng Ulo

stubborn

Indi ito yung PDF File na program sa PC mo. At lalong indi rin ito ang paborito mong luto sa babuy at manok, maging ng kangkong.

Bato ito. Matigas na bato.

At sa kasong ito….Matigas ang Ulo. Parang yung sakin. Ganun.

Kung meron lang sigurong maximum na bilang kung ilang beses lang allowed na mauntog ang ulo at pag na-reach mo na yung maximum times eh kusa na itong ma-ko-comatose at magma-malfunction…matagal na rin siguro akong nakahimlay.

Ano ba ang basehan ng katigasan ng ulo? Bakit ba malimit na kapag indi ka sumusunod sa tama at payo ng mga matatanda eh akusado ka na agad nito?

Eh bakit pang naniniwala tayo sa mga payo na  “Kung ano ang bulong puso/isip mo, sundin mo. Sige na..kaw rin. We only live once.” (Lakas mambuyo, parang kala mo siya ganun din ang gawain.) Kung para lang pala itong trap na magbabaon sa’yo ng medyo may kalaliman kapag palyado ito at yung nagpayo sa’yo biglang magsasabi na, “Dapat pinag-isipan mo muna ito ng maraming beses bago mo ito ginawa.

Haller, alangan naman saktan mo siya diba? At isa pa, kung indi mo ito sinugod malamang indi mo malalaman kung ano kaya ang nangyari kung sakaling ikaw ang nanalo. Pero para saan pa ba kung pagkatapos nito eh branded ka na as “Adobeng ulo.” (masarap sana kung kinakain na lang ‘to eh.)

Ganyan naman talaga eh. Pag parang robot ka, isa kang mabuting anak. Lalo na’t sunod-sunuran ka sa lahat (as in sa lahat) ng gustu nila. Na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, me parental consent. Kaya kapag nagkamali ka kahit isang beses lang at sa tingin mo naman eh, mababaw lang ito (tulad pagbabago ng brand ng deodorant dahil sa kating-kati ka na sa sinaunang deodorant nila na tawas…) eh matigas na ulo mo. Kesho ang deodorant nakakaitim ng kili-kili, magmamancha sa armpit ng damit at mas lalala ang kaso ng body odor mo etc.etc.echeetera! Panu pa kaya kung medyo mabigat pa dun ang atraso mo, tulad ng pag-aasawa pagka-graduate? Aksidenteng makabuntis/mabuntis bago maka-graduate? Malamang parang natumbang domino ang lahat ng pinundar mong kabaitan at lahat yun mapapalitan ng “walang utang na loob” at katigasan ng ulo. Para kang umattend ng isang buwang misa sa haba ng sermonada de lemonadang abot mo kina ama’t ina.

Paano pa kaya ang ang buhay ng aminadong adobeng ulo? Bukod sa palagiang nasesermunan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagpapasaway, sa paningin nila…ikaw ang nawawalang itim na tupa na pagala-gala kung saan-saan. Black sheep ng pamilya. Ang sakit sa ulo na indi kayang gamutin ng biogesic, medicol, ponstan at panadol. Tipong padating ka palang sa bahay, nagsasakitan na ang ulo ng mga ito kahit na kakain ka lang naman tapos aalis ka agad. (hehe)

Misunderstood kase. At judged na agad without even knowing where you’re coming from. Basta pag pasaway – – automatic, matigas ang ulo…black sheep – – sakit sa ulo at pabigat. Period kandado-susi. Kaya tuloy sa inis, lalong nagpapasaway na lang at ginagawa na ang bintang sa kanya para quits (daw).

Nung naging galang itim na tupa ang kapatid ko, halos lahat kaming mga kapatid niya inis na inis sa ginagawa niya. Uuwi ng bahay pagkatapos ng ilang araw na paglalagalag tapos ang gagawin niya, manonood ‘gang madaling araw-kakain sa kaldero-matutulog ng 3 days straight-pagkagising niya, mangungupit-magbibitbit ng mga gamit sa bahay para ibenta…tapos mawawala na naman ng ilang araw. Paulit-ulit lang yon. Ang routine niya sa loob ng 7 taon.

Pitong taong sinayang niya. Pero si mama, indi tumigil sa pag-asa na magbabago si kuya. Kahit pa galing siya sa trabaho at malimit na sumasakit ang binti, hinahabol niya ang kapatid ko para iuwi ng bahay. Kinakausap-sinesermunan-iniiyakan. Lagi niyang tinatanong dito kung bakit ayaw pa niyang tumigil at ayusin ang buhay nito. Minsan pinakikinggan siya ni kuya kase tahimik lang ito. Minsan agresibo, sumasagot at nagwo-walkout. At pagkatapos nilang mag-usap, titigil siya sa bahay ng ilang araw at pag indi napuna, bigla na namang mawawala.

Indi kami tumigil ng pagdadasal para sa kanya. Nanghihinayang kami sa dapat sana’y narating na niya bilang isang Arkitekto. Nasa ibang bansa na sana siya at maayos ang buhay. Napakahirap makita na miserable ang mahal mo sa buhay.

Alam namin, indi natutulog si Kuya Josh. Lahat ng bagay ay dumarating sa tamang oras at pagkakataon. Pagkatapos ng pitong taon, nakilala niya ang isang babaing nagbago ng buhay niya at tumanggap sa kanya ng buong-buo at kakalimutan ang kung anuman ang nangyari sa buhay niya. Iba talaga ang LAB. Lab can move mountains. Kaya eto, nakatapos siya – nagpakasal – indi nga nakapag-abroad at na-pursue ang pagiging arkitekto pero may maayos ang saksespul na bisnes at umaaasang dumating na ang munting anghel na kukumpleto sa buhay nila.

Alam ko lahat tayo naging adobeng ulo na sa iba’t-ibang rason at pagkakataon. Walang levelling, ke magaan at mabigat man ito, pasaway pa rin yon. May kanya-kanya tayong dahilan at gustung patunayan at kung anuman yon, sana unawain din at bigyan ng pagkakataon. Suporta kumbaga. Walang natutong indi sumubok. Halos lahat ng first indi saksespul. Trial and error palagi ito kaya nga merong 2nd chance eh. Pambawi at para maging mas matalino at madiskarte.

Indi lahat ng nagpapasaway ay masasama. Yung iba dito, atensyon lang ang habol. Yung iba, for challenge…taking risk. Indi nila ito gagawin para pag nagkamali eh masabihan ng tanga or eengot-engot. Kung minsan kahit alam mo na ang sagot, pipilitin mo pa rin alamin ito sa sarili mo. Para ikaw mismo makaramdam ng gain at pain. Iba pa rin yung ikaw yon. Ramdam mo. Andun ka…ikaw yon.

Acceptance at trust lang po ang kailangan namin.🙂

buddypoke(Japboi &) Aling Baby

9 thoughts on “Adobeng Ulo

  1. Kung minsan kahit alam mo na ang sagot, pipilitin mo pa rin alamin ito sa sarili mo. Para ikaw mismo makaramdam ng gain at pain. Iba pa rin yung ikaw yon. Ramdam mo. Andun ka…ikaw yon.
    – ay lab dis lines.. ang ganda. totoo ito. (nakakrelate haha)
    ang ganda nun kwento, inspiring. bukas kaya mabait na din ako?🙂

  2. Kung minsan kahit alam mo na ang sagot, pipilitin mo pa rin alamin ito sa sarili mo. Para ikaw mismo makaramdam ng gain at pain. Iba pa rin yung ikaw yon. Ramdam mo. Andun ka…ikaw yon.

    Ang ganda nito, naka relate ako. Kasi ako kahit alam ko n talaga ang sagot nagpatuloy pa rin ako. Kaya eto ako ngayon luhaan. huhu..but life must go on…

  3. eperience nga is the best teacher tlga…. ndi mo pede iexplain sa textbook kung paanu gagawin ang lahat ng bagay at anung pakiramdam sa pag gawa nun… kaya minsan/ madalas kailangan gawin mo ang mga bagay kahit na ilang libong ulit na sinabing masama ito para syo at walang buting idudulot… (parang ako lang yan e.. hehehe)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s