Ganito ka ba?

clums

Lahat tayo ay may mga ugaling di maiwasang gawin. Indi dahil ito ay sinasadya, talagang nakasanayan na lang at imboluntaryong ginagawa ng katawan nang indi namamalayan o di alintana kung nakakairita man ito o nakakadistorbo ng privacy ng ilang tao na mapahiya ng tahimik o mailang sa ginagawa dahil sa katitingin nyo. (hehe)

Nakaka-relate ba kayo dito???

  1. Kapag nasa isang lugar kung saan maraming tao tulad ng sasakyan o kaya ay sa loob ng simbahan, o kahit saan na merong natatanaw na tao sa paligid na di mo maiwasang mapatingin sa mga kaharap o mga nasa tagiliran? Nawawala ang konsentrasyon sa ginagawa kapag merong paparating o dumaan sa harap mo kahit di naman kailangang tingnan, diba? Yung tipong awtomatikong lumilingon at napapatingin ka kahit ayaw mo at yung isip mo concentrated lang sa ginagawa. Nagmumukha tuloy na indi mo sineseryoso ang ginagawa dahil dito.
  2. Kapag nadulas, natapilok, me nabitawan o anumang aksidente kung saan mapapahiya ka sa harap ng mga tao (dahil wala namang nadulas na inde parang napunit ang mukha o ampanget na reaksyon.), di natin maiwasan na me isigaw na isang salita o ekspresyon para mas ma-emphasize ang pangyayari na ito sa buhay naten. Ititili ang salitang, “shet!” “Ay, kalabaw!” “Owsh*t!” “ay, p*ki mo malake!” at marami pang iba.😆 diba? Imbes na wala nang nakahalata, mas marami pa tuloy ang lumingon at nakakita sa nangyari hehe.
  3. Ang pagtatanong ng mga tanong na ang sagot ay pawang nasa harapan na o mapapa-“OBVIOUS BA?”  na lang ang kausap o mga nasa paligid dahilan sa ka-obvious-an nito. Tulad ng pagtatanong sa taong kararating lang ng, “Kararating mo lang?” Magtanong ng, “Me tao ba sa CR?” sa taong kalalabas lang ng cr. Tanungin yung nag-init ng tubig kung kumulo na ba yung tubig. Magtanong kung me kanin habang nakatingin sa bagong saing na kanin. Mga nakaka-nosebleed na tanong na pwede namang wag nang sagutin pero kahit na ayan na nga ang sagot, nagre-require pa rin ung nagtanong ng sagot. Kainis diba? Pero talagang nangyayari ito minsan ng indi namamalayan.
  4. Kapag may mga eksenang tulad ng nag-aaway, banggaan, raid, o kahit anong me komosyon…gaano man kaimportante ang ginagawa ay imboluntaryong nagmamadali tayo para makiusyoso rito na para bang parte tayo ng pangyayari. Kahit gaano pa ito katagal, talagang indi mangangalay ang leeg at binti sa pag-aantay ng mga susunod pang mangyayari. At pag natapos na ito, indi pwedeng umalis sa pinangyarihan ng walang dalang impormasyon tungkol dito maging ito man ay tahi-tahi na lang, pagpipyestahan pa rin ito sa wentuhan ng mga kachokaran maya-maya lang.
  5. Kapag nakakita ka ng grupo ng tao na nagkukumpulan sa isang lugar, inde pwedeng indi mo aalamin kung anung meron dito. Gagawin ang lahat maging ang pag-akyat sa mataas na apakan para lang malaman ang dahilan ng mga tao sa pag-uusyoso dito kahit na wala namang mapapala.
  6. Katulad na lang pag merong nakatingala at me tinitingnan sa kalawakan, para bang nakakahawa na mapatingala din ng walang kalaban-laban (yun pala nagti-trip lang ang mga ito, naloko ka pa tuloy).
  7. Eh panu pa kaya kung meron humikab sa harap mo? Paayaw-ayaw ka pa pero wala pang 1 minute, humihikab ka na rin na parang mas inaantok ka pa dun sa nakita mo.
  8. Pag yung kausap mo biglang nagtanggal ng muta, for sure kunwari me nililingon ka pero pasimpleng kinapa mo na rin yung gilid ng mata mo baka ikaw ang meron kaya na-conscious siya bigla kung me muta rin siya.
  9. Minsan, pag yung kasamahan mo me kinakanta…una nakikinig ka lang tapos di namamalayan yun na yung kanta sa isip mo hanggang sa kinakanta mo na siya habang me ginagawa ka. (Tawag dyan LSS.)
  10. Eh kumusta naman yung naglakad kayo sa initan tapos nakita mo bigla yung isang kasama mo na me baskil (basa kili-kili) na dahil sa pawis. Shempre, bigla ka mag-aalala sa sarili at sa singaw na idudulot nito kaya sisimple ka na sa pagitan ng pag-uusap – – magkikibit balikat ka saka mo sasabayan ng isang kalabit lang sa magkabilang kili-kili tapos sabay kunwari pipisil-pisil sa ilong to confirm kung ikaw nga yung amoy na naaamoy mo.

Marami pang mga imboluntaryong gawain ang nagagawa natin nang indi natin namamalayan o kahit pa ano’ng iwas ang gawin eh wa epek. Minsan tuloy napagkakamalan tayong mga engot o mga ignorante dahil dito eh sa indi nga maiwasan eh. Kaya nga ba pinapraktis ko na ang delayed reaction o kaya yung malimit na pagtatanong kesehodang makulitan sakin hehe.

Kaya next time kapag na-encounter nyo ang isa man sa sampung yon sa taas, mag-pause muna bago mag-reak….dyan tayo nadadale palagi eh. Kapag ginawa na ang isang bagay bago pinag-isipan.

At para sa star-mate ko na nagsabing, “Bakit, porket FROOTS – – – fruits laaaaang??” (with matching patirik pa ng mata)….check mo muna kung indi lang fruits yung tinda bago mag-amok kei?😆

buddypokeAling Baby

12 thoughts on “Ganito ka ba?

  1. sapul na sapul ako d2 ah… kaso nde ko na lang sasabhin kung anung number hehehe im sure aling baby alam mo kung anung number yun😀

  2. 1. sa simbahan,kahit sobrang concentrate ako sa pagdadasal.may times pa rin na nawawala ako dahil sa mga tao sa paligid ko.
    2. natawa ko dito..oo nga naman..
    3. yung tipong sabi kg kundoktor, ‘cubao,cubao,cubao.’lalapit ang pasahero at itatanong ‘mama, cubao?’
    4. usi kasi tayong mga pinoy..hehe

    napasmile ako sa post mo aling baby..thanks.😀

  3. waw!
    cool talaga ni aling baby.

    ka-relate di po ako.hehe
    kaso, iwas na iwas na din ako sa sampong yun..

    successful na ko dun sa number 2 ee.haha
    natapilok at natu mbe ako dati sa talent portion ng isang pageant, pero ngumiti na lan ako saka tinuloy ang talent. (hala! nagkuwento. sensya. fc na po ata ako.)

    basta, galing ni ate.hehe

  4. hhahah ang kulet mo aling baby. dito ko sa opis napahalakhak mo ko dun sa ay p*** mo malake

    hahahahahha

    ako amdali rin akong mapalingon sa mga tao. ewan ko kung bakit..

    tapos natatawa ko kapag tumawag sa phone sasabihin gising ka na ba o kaya nandyan ka na ba

  5. ay aling baby …siguro hindi lamang culturally bound ang iyong obserbasyon…sa aking paglalagalag sa iba,t ibang bansa….makikita mo rin dito ang mga gayun…iba’t ibang style nga lang…siguro bahagi na ito bilang makenismo nating mga tao….

  6. hahaha! natawa ko! guilty ako sa halos lahat pero pinakaguilty ko sa no.2…

    naiinis din ako sa mga taong nagtatanong pa eh obvious naman… naaalala ko si vice ganda! waaaaaaaah!

  7. Katulad na lang pag merong nakatingala at me tinitingnan sa kalawakan, para bang nakakahawa na mapatingala din ng walang kalaban-laban (yun pala nagti-trip lang ang mga ito, naloko ka pa tuloy).

    aling baby…ginawa po namin yan sa isang itik…wahahaha sori napo papa GOD…trip lang wahahaha epektibo!!!!

  8. hehehe guilty in some points…

    esp the LSS… kalokang lss yan ha…

    dati mahilig din akong maki usi… pero ngayon narealize ko ala naman akong mapapala… kaya didma na… hehe

    yung sa number 7 ang tawag jan societal yawning… hehe… pauso yan…

  9. I cant think of one involuntary action…

    and it somehow involves a seminaked girl or thinking about a semi naked girl…

    hmmmm… (imagine)

    hmmmm….

    uh oh… here it goes again!

    =P

  10. Eh panu pa kaya kung meron humikab sa harap mo? Paayaw-ayaw ka pa pero wala pang 1 minute, humihikab ka na rin na parang mas inaantok ka pa dun sa nakita mo.

    eto madalas mangyari sa akin wahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s