Soy sos

soy-sauce

Ay mabisang pampalasa sa lutuin lalung-lalo na sa Adobo, Bipsteyk, Inihaw. Masarap na sawsawan lalung-lalo na pag me kasamang kalamansi, kamatis at bawang para sa mas masarap na kainan.

Pero kung ang soy sos o toyo ay nakakatulong na pampagana sa pagkain, bakit pag sa tao, nagiging negatibo ang ibig sabihin nito?

Bakit ba tinotoyo ang tawag sa tinotoyo?

tantrum

Indi ko maintindihan kumbaket kapag wala ka sa mood, meron kang buwanang bisita, masama ang gising o tipong indi lang ganun kaganda ang pagka-greet ng umaga sa’yo, yung ang saya-saya mo tapos biglang may parang masamang hangin ang dumapo banda sa’yo (indi po utot ang ibig kong sabihin…) eh tinatawag nang…

TINOTOYO?

bm

Ayon sa isang sarbey na nakalap ko sa isang haciendero kani-kanina lang, kaya siguro ito ang tawag sa biglaang pagbabago ng mood at ng mga taong sadyang nakasanayan nang gamitin ang toyo sa utak nila para makuha ang gusto…kumbaga sa pagkain, nag-iiba ang timpla kapag nasosobrahan sa TOYO. Sumasama ang lasa. Naglalasang toyo. At dahil na rin siguro sa pinakamalapit itong rhyme sa topak.

Meron pa rin slight difference ang tinotoyo sa tinotopak. Ang una kasi mild lang, parang mood swings na magbabago rin naman kapag naaliw, me nagsorry o kaya eh napangiti ni crush. Yung tinotopak, eh pwedeng umabot sa pag-aamok o war freak. Kalimitang tinatawag na Boy Topak, ang Hari ng Toda hehe.

buddypoke

Balik tayo sa toyo…

Inaamin ko na merong toyong nananalaytay sa dugo ko na paminsan-minsan eh sumusumpong but not enough para maging topak. Lahat naman tayo may certain amount ng toyo sa katawan depende na lang kung paano ito nag-e-emerge sa di inaasahang pagkakataon.

Meron kasing toyo na umaatake tuwing nalalapit ang katapusan. Eto yung kapag mauubos na ang sweldo at medyo kakapusin na ang budget – – – soy sos attacks lalo na kapag merong mga sale, naniningil, mga bayarin, at mga di inaasahang expenses na talaga naman totoyoin ka.

Meron ding toyo na kapag nakikita ang less favorite person niya sa buong universe ay siya namang nag-uumapaw. Para bang me kasalanan lahat ng tao sa mundo kahit boses pa lang narinig nito. Eh lalo pa kaya kung me gawin pang eksena si less favorite person diba? Kumusta naman ang toyo, baka maglawa pa.

May ibang toyo-atak na nakakainis, ito siguro yung toyong matagal nang nakalagay sa loob ng cupboard at walang pumapansin dahil para lang makakuha ng atensyon…eeksena itong parang talent lang (ekstra sa komershal) na indi nagpapabayad. Alam mo yung tipong iirap-irap habang naglalakas ng boses, binibigyan ng emphasis yung mga salita na merong kinalaman dun sa kinaiinisan niya. Minsan, meron pa yang pa-walkout chenes effect na kala mo naman merong hahabol sa kanya para pigilan siya sa gagawin. That would leave you rolling your eyes in amusement. KLSP (Kulang Lang Sa Pansin)

Okay lang sana yung paminsan-minsang me toyo-atak eh, kaso yung iba naman sinasamantala na porke alam ng madla na kasing dalas ng ulan ang toyo nito eh namimihasa naman. Ginagawang excuse ang ganitong asal.

Most common ang tinotoyo lalo na sa mga batang walong taon pataas, ibig sabihin kapag kabilang ka na dun sa pataas…mahiya ka naman sa balat mo. Umayos ka. Nakakahiyang magpapadyak ka sa isang tabi pag indi mo nakuha ang gustu mo habang nagngangawa ka dyan. Pag mature ka na, ang toyo ipaubaya mo na sa kusina at pagkain at wag nang isabuhay kasi it’s bad for the health.

Kaya sa susunod, tumataas na ang level ng toyo sa katawan…magtawag ng pinakamalapit na kaibigan at siguraduhing me dalang alak para malimutan agad ang mga ganitong pangyayari.

buddypokeAling Baby

7 thoughts on “Soy sos

  1. lahat may toyo…
    ako may toyo….
    di maiwasang matoyo…

    ….isang katotohanan at bangungot ang toyo…

    …ako pag may toyo…

    …sumasayaw ako sa tugtog ng nobodi butchu….hehehehehehehehe…tulad ngayon!

  2. ahehehe…
    tinamaan ako dun lolz…

    ako aling baby tinotoyo pag malapit nang datnan… ewan ko ba kung anong explanation dun.. pero minsan ginagawa nalang natin ang pms na excuse sa excess toyo natin sa katawan..

    madalas akong toyoin… malamang dahil mahilig ako sa toyo ahehehe…

  3. Parang sa commercial… “iba ang toyo ng babaeng yan!”

    Nice naman oo minsan nagkakatoyo rin ako… di ko lang alam kung gawang pato o gawa datu. heheehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s