Sungay ^-^ (hide/unhide)

furious

Minsan talaga, may mga taong kahit wala namang isyu na patungkol sa kanila eh nagha-hallucinate na meron. Para bang sakit na paranoia, indi mo pa man naibubuka ang bibig mo, nagko-conclude na ito na meron kang maitim na balak at masamang iniisip na ikasisira ng reputasyon niya sa iilang pirasong tao sa komunidad ninyo.

Okay lang sana kung ang mga bagay na ito ay sinasarili niya na lang, kaso mo bukod sa paranoia, hinahaluan pa nito ng pagka-KSP dahil indi niya alintana ang pandededma na ginagawa mo lalo na pag nagkikita kayo. Kulang na lang i-confirm sa’yo mismo na meron kayong “something” in between – – – ang rason ng pinag-iinarte niya sa buhay.

Minsan, nakakapagtaka ang kakaibang mode nito na pangiti-ngiti at halos totoong sinserong pakikipag-usap na para bang walang tinatagong mga palakol at pana na pinangtatarget pala sa’yo kapag nakatalikod ka. Kung makipaghuntahan parang mas malalim pa sa balon ang pinagsamahan nyo. In a clearer view, at one point – – nice siya at you’re almost certain na she will pass as a friend…..

At sa indi malamang kadahilanan, na-unhide bigla ang sungay niya.

Bigla na lang parang indi kayo magkakilala. Makikita mo sa mata niya ang alangan kung san kayo nagkakilala at kung nagkakilala nga ba kayo. Sa isang pitik, para de susing robot (indi ko sure kung nakanino ang susi…kung tao ba ang me hawak nito o nagpapanggap din ito na tao.) dahil sa kakaibang asal nito…parang gustu mo na siyang abutan ng lubid at upuan para matapos na ang paghihirap niya.

Indi mo rin tuloy sure kung maiinis at mabubwisit ka rin sa inaasal niya.

Pwede mo na sanang palampasin ang kakaibang asal niya eh, yung mga gandarang arte, yung pagfi-feeling na para bang siya at si Paris Hilton ay iisa kaso mo kulang na lang direktor at kamera para kumpleto na…best actress award na lang.

Bakit ba kasi may mga taong gustung pinag-uusapan sila at ang mga walang kwentang bagay na tungkol sa kanila. Kailangan ba nila ng special treatment tulad ng karosa? red carpet? Yaya??! Minsan ang sarap pagbigyan kahit one time lang…na umupo sa tabi niya at pag-usapan ang lahat ng tungkol sa pinag-iinarte niya sa buhay para matapos na once and for all kasi baka yun lang ang gustu niyang mangyari. Ilan ba ang kailangan niyang audience? Tatlo? Lima o Sampu? Lalagyan ko pa ng spotlight mas masaya….siya.

Siguro pwede niya naman ituloy ang buhay niya nang indi na kailangang gawing miserable ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pagpapapansin at pagpapakita na naiirita siya sa ibang tao. Dahil bago pa man nagkrus ang mga landas natin, ilang taon ka nang buhay sa mundong ito at sa tingin ko naman sapat na ang ilang taon na yon para umarte ka sa tamang edad. Indi na tayo mga bata para umasal ng ganyan dahil…

Wala pa kong kilalang naging multi-millionaire dahil dito at sa tingin ko kahit i-try mo pa indi rin mangyayari yun.

Makakatulong din siguro kung iiwas ka sa plastik, masama kasi ito sa kalusugan at kapag araw-araw plastik ang mga gamit at kausap, indi imposibleng maging isang ganap na plastik pag tagal. Sana sa susunod na pagkakataon, mag-iingat din tayo sa pagbibitiw ng mga salita na indi naman kayang panindigan kasi sa ayaw at sa gustu natin…parang basura lang itong babalik-balik. Wag din padalos-dalos sa kinikilos lalo na kung ayaw mahalata kasi minsan indi manhid ang mga tao sa paligid.

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pasaway na ugali. Kung ano at paano aayusin ang mga ito, tayo rin ang nakakaalam nito. Sabi nga nila, “Walang gamot sa taong insekyur.”

Kaya please lang….stop me!🙂

buddypokeAling Baby

2 thoughts on “Sungay ^-^ (hide/unhide)

  1. tama walang gamot sa insecure. pero meron, yun ay makakamit if you want a change. if a person is 100% willing to appreciate his/her imperfections. wala naman talagang perfect e. lahat din naman tayo may mga insecurities mejo magaling lang talagang magtago ang iba at hindi naman ang mga ilan na pinagpala. HOHO!

    kahit ako may insecurities at dahil don, tinamaan na naman ako sa post na to. Nice blog. marami akong natututunan. keep it up!

    Salamat ng marami Aling baby. =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s