Ondoy + Jacque Bermejo = DISASTER

RAIN

Sanay na tayo sa mga balitang bagyo o sunud-sunod na bagyo sa Pinas. Sa tuwinang mag-uulan, bumabaha at lumulubog ang ilang parte ng Maynila at probinsya na siyang nagiging dahilan ng problema at abala para sa mga naapektuhan nito at konting saya at pahinga naman para sa kasali sa walang pasok.

Typhoon hitting_Philippines

Paano ba naman kasi, ang Isla natin ay nasa typhoon belt at approximately 19 typhoons ang dumaadaan sa bansa taon-taon. At kahit na memorize na natin yan mula nung elementary hanggang kolehiyo, yung ilang pinuno na umupo at nakaupo sa pinakamataas na katungkulan sa bansa natin, nagkaka-amnesia o sadyang isinasantabi ito gayong ang eleksyon ay laging natataon sa Hunyo…which means, nag-uulan.

Matagal na sanang nasolusyunan ang mga pagbaha kung ito ang unang proyekto na ginagawa nila imbes na pagplanuhan kung paano wawaldasin at ililipat sa account nila o ipanlilibre ng magarbong dinner ang pera ng bayan.

corrupt

Kung inuna nila ito at indi ipinawalang bahala ang kaligtasan at buhay ng pinamumunuang bansa…

Hindi sana natinag ang Maynila at ilang probinsya sa pagragasa ni Ondoy(Ketsana).

Wala sanang nasirang daan at tulay, lumubog na mga bahay at naanod na mga sasakyan.

Indi sana nasira ang kabuhayan at ilang naipundar ng mamamayan.

Walang naaksidente at nasaktan.

At walang buhay na ibinuwis.

Pero nangyari pa rin at patuloy na mauulit ang lahat dahil sa kapabayaan.

12Philippines Typhoon1.1

Nakita ng buong mundo ang sinapit ng mga Pilipino sa bagyong kumitil sa 246 na buhay at hanggang ngayon ay indi pa nakikitang 38 kataong nawawala. Tinatayang umabot ng anim (6) na bilyon ang napinsala sa trahedyang ito. Mga numerong nakakapanghina dahil sa kawalan ng matibay na pamumuno.

1.4PHILIPPINES-WEATHER-TYPHOON1.61.2

Para sa aming mga nasa ibang bansa, panalangin at tulong pinansyal lang ang pwede naming maitulong kasama ng pag-aalala at pagdarasal na sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mahal sa buhay at ang lahat ng mga nasalanta. Napakahirap isipin na sa ganitong pagkakataon, gustuhin mo mang makasama ang mga ito para personal na tumulong, indi naman pupwede kaya ang mga balita sa TV at internet na lang ang tanging source kung anu na ang mga nangyayari sa bansa.

1.5

Maraming mga tulong pinansyal ang dumagsa pati na ang pagkain at damit. Pati na ang mga bansang Amerika, China, Japan, Thailand at Australia ang nagbigay ng tulong. Let’s all be thankful for their openhandedness.

Sa pagkakataong tulad nito, maaasahan ang mga Pinoy pagdating sa pagkakaisa, pagtulong at pagbubuklod para matulungan ang kapwa. Sabi nga nila, “Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin.” Sa kahit ano’ng paraan, gumagawa ang mga Pinoy sa abot ng makakaya para tumulong at makatulong sa nangangailangan.

redcrossmunicipalrelief2

Yan ang tatak ng Pinoy. Kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, nakakayang lampasan. Walang nag-iiwanan

At sa gitna nito, kung gaanong kilabutan at mahabag tayo habang pinapanood ang mga balita at video ng mga lumulusong sa baha, mga taong nasa kani-kanilang bubungan, mga tinangay ng flash floods, mga namatay at naaksidente…

May isa tayong kabayan na walang kaabog-abog na nagbigay ng personal point of view niya sa pangyayari sa sariling bansa sa isang fan page sa Facebook.

untitled

Dahil sa mga binitiwan niyang komento, naalarma ang mga nakabasa nito all over the world at ni-repost ang pamosong linya niya.

Si Jacque Bermejo.

JB

Ang taong walang malasakit sa kapwa Pinoy.

Hindi na nga nakatulong, may gana pang magsalita ng indi maganda.

Meron kaya siyang kamag-anak sa Pinas na naapektuhan ni Ondoy? O siguro, wala siyang kamag-anak kahit isa na tinuturing siyang kamag-anak lalo na pagkatapos ng mga sinabi niya.

Dahil sa mga sinabi niya, pihadong marami na siyang death threats mula sa Pinas hanggang dito sa Dubai pati na ang buong mundo.

O kung totoong indi yun ang intensyon niyang sabihin, sana tinagalog na lang niya at indi na umingles kesa lalong palalain ang sintensya niya.

Mas maganda sana kung sinarili na lang niya ang opinyong sisira sa sarili niyang buhay.

Eto ang naging huling komento niya. (Aba at nag-eexplain pa si ate!)

JB1

Marami kasi sa atin ang nagsasalita muna bago nag-iisip. Sa kaso ni Jacque, kung matino siyang mag-isip…indi niya yon sasabihin kahit pa ito ay biruan lang. Kahit saang anggulo natin tingnan, indi maganda ang pag-iisip ng masama sa kapwa ke deserving man ito o inde. Wala sa ating mga kamay ang hatulan ang ibang tao lalo na’t nasa kalagitnaan ito ng trahedya. Pawang mabibigat ang salitang binitiwan niya kung kaya’t indi rin siya tinigilan ng kapwa Pinoy para sagutin ang mga sinabi nito.

Maaaring nasasabi niya iyon ngayon dahil maganda pa ang buhay niya kung nasa’n man siya at indi nakakaranas ng hirap.

Sana ‘wag din niyang kalimutan na lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan…may hangganan. At sa kanyang pagtanda, hahanapin pa rin niya ang lugar na kanyang pinagmulan.

Sana magsilbing aral sa kanya ang nangyari. May panahon ang lahat ng bagay sa mundo. Indi po lahat ng namatay sa trahedyang ito ay makasalanan, fate po iyon. Everything happens for a reason, Jacque. Tulad ng nangyayari sa buhay mo ngayon.

Para po sa mga kababayan natin sa Pinas…

Hindi po natutulog si Kuya Josh. Magtulungan po tayo at magkaisa. Magdasal. Wag pabayaan ang isa’t-isa. At umasa na matatapos din ang pagsubok na ito sa ating bansa.

2.1

God bless us all!!!!!!

buddypokeAling Baby

13 thoughts on “Ondoy + Jacque Bermejo = DISASTER

    1. nabasa ko nga un eh….sabi daw hacked acct din yun ng taong me galit dun sa UGLY-something na artista sa Korea. Nakakainis din basahin yung mga sinabi nun. Nakakagalit. Di bale, Mr. S#3 ihahabol ko yan sa susunod na post ko.🙂

      thanks!

  1. base sa nababasa ko sa news at sa latest kay Jacque two lessons is available for us:

    1. If bad things happens, wag na natin dagdagan pa. If we think wala naman tayo maitutulong na maganda tahimik na tayo. Let’s divert na lang our energies sa pagtulong and just ignore about Jaques’s comment and other people na me masamang nasabi. Gaya ng baha huhupa din ang issueng nagawa nila. And in the end, the issue will die naturally.

    2. Refer to lesson 1.

    http://dormboy.wordpress.com

  2. minsan marami kasing may gustong magmalinis at napakahilig nating magturuan n para bang wala tayong naiambag n kalokohan para magkaganito ang bansa natin. sino b s inyo ang d nagtapon ng basura s kanto …ang di nkapag ambag s polusyon…nagkataon lang n ang saloobin nung tao ay naihayag nya s paraang mas makaagaw atensyon at mas walang halong kplastikan…naging totoo lang sya s sarili nya…

  3. nabasa ko rin po ung post na yan ni lokang jacq…

    hays..uo na, andon na tau na makasalanan tlg ang LAHAT ng mga tao..sana hindi xa naghuhugas-kamay dahil pare-pareho lng tayo..

    tska npkaraming namatay, nawalan ng bahay..nasira ang kabuhayan at kabahayan..ASAN ANG PUSO niya?

    GOD BLESS po tlg sknia…-,-

  4. kakaiyak talaga ang mga pangyayari sa atin…halos nawalan ako ng gana…araw-araw kasi ang mga footages at balita ulam ko sa spaghetti dito sa roma….samahan pa ng jackie (jacque)….
    …aling baby …di tayo pababayaan ni kuya Josh!

  5. haay… grabe talaga ang dinulot ng mga bagyong yan… dati rati kapag nakakakita ako ng mga biktima naaawa ako pero kapag may mahal ka pala sa buhay na kasama sa nasawi eh ibang pakiramdam na pala iyon… haaay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s