Sakay na!!

circle of friends

Sa halos isang taon na dumaan at sa gitna ng mga pangyayari, masarap pa ring isipin na bukod sa dami ng leksyong natutunan…ang mga bumaba at sumakay sa dyip na sinasakyan ko ay siyang may malaking bahagi ng mga pagbabago. Magkahalong malinaw at malabong pagbabagong patuloy na tumutulak sa akin para ituloy ang byahe.

Sabi nga nila, kung indi mo aabatan ang pag-andar ng araw at oras, indi mo mamamalayang ilang buwan na pala ang nagdaan at matatapos na naman ang isang taon. Magdadagdag ka na naman ng isa sa halos lumampas na sa kalendaryong edad. Ang mga pinagdaanan sa nakalipas na taon, ay punumpuno ng leksyon. Para bang may ilang bagong buto na naman ang tumubo sa’yo kapalit ng ilang mahihinang buto na naapektuhan ng osteoporosis.

Kung magse-self assessment ka, pwede mo na kayang sabihin na pasang-awa o pasado na sa kaledad base sa mga humps at lubak na tinalon at nalampasan??

Ako siguro….medya-medya. Mashado pang maaga para mag-assess at isa pa, ang ilang mga nakasakay ko sa dyip…nakakatuwa. Kahit siksikan na, parang gustu ko pang i-suggest kay Bro na mag-expand pa siya para mabigyan ng chance ang iba na makasama sa byahe.🙂

Gustu ko lang i-share sa inyo kung sinu-sinu ang mga kasakay ko sa byaheng ito. Malaking bagay para sa akin na makasama ko sila at makilala sa pagkakataong tulad ng sa ngayon.

chocolate-cakeTaklesa. Si dyipmeyt. Minsan nagugulat na lang ako pag naririnig ko ang ilang komento niya sa mga bagay-bagay. Mga banat na panalo…(o, kaya mo yon???)Yung tipong mapapa- “Sinabi mo yun??!” – –  mga ganun ba. Minsan ikaw na ang bubusina para sa kanya lalo na pag nakekerid awey na siya. Pero kahit ganun…balanse pa rin. Kayang maging prangka at mabait sa parehong tao. Nabibigyan ng justice ang komento. Bagay na hinahangaan ko sa kanya. Indi naman siya ganyan dati. Sa dami na siguro ng nangyari, natuto na siyang maging vocal sa nararamdaman. (Carry on, dyipmeyt!) Mabuting anak, kapatid at kaibigan. Pwede na eh, ok na…lablayp na lang talaga. Thankful ako kasi nakilala ko siya at swerte ko dahil naging kaibigan ko pa. Hinay-hinay lang sa chocolates at lechon kawali. Lam mo naman, bawal yun.

jai-ho1

After Pink 5, ngayon lang ako ulit nagkaron ng konek sa isang star-mate. Kaya pala…ang dali lang naming nag-klik. Pagkatingin ko ng burpdeyt niya sa pp…yun na Jai Ho! We have a lot of things in common. Pag nagkatawanan na, wala nang hingahan talaga. Nawala na rin ang pagkamiss ko kay Lola Basyang mula nang nakilala ko siya. Modernized at mas maraming kwento kesa kay Lolah Bash. Ang kagandahan ng pagkakaron ng star-mate, tinginan at konting salita lang nagkakaintindihan na. Wala na mashadong palinawagan. Marami akong natutunan sa kanya…as in at alam ko, marami pa. Thankful ako sa pagiging understanding at  sa pagtanggap (alam na niya yun). Sana mamit ko ang buong angkan pag nakapashal na kami ni byahemate sa Pinas.

Stuart-LittleHoodmate. Kami ang una at huling nagkikita sa byahe (kasama si Mr. Sungit #3.)  Indi kami umuubra ni star-mate dito eh. Simbolo ba naman niya timbangan. Mabait. Good friend. Loving wife. (May alagang daga hehe.) Aydol ko ‘to eh…sa haba ng pasensya. Through her marami pa kaming namit ni star-mate na kaibigan. Hilig at magaling magluto, kaya nga ang sarap tumambay sa kanila pag weekend kasi parang piyestahan lang. Sana nga at matuloy na ang dream nila na magkaron ng baby. All the best hoodmate…sana magtuloy-tuloy na ang plans nyo ni hubb mo.

bugoy02Ang pinagsamahan namin ni Net-mate…ang isang magandang halimbawa ng “second chance”.  Kung minsan pag pumapaibabaw na sa isang sitwasyon ang galit, lahat ng madikitan nito ay nasisira at naguguho. Pwedeng mawala na lang ng ganun-ganun lang lalo na pag pinabayaan at hinayaan. Obviously, kami ni net-mate…took the risk. It’s lovelier the second time around.🙂 Maraming naituro ang mga nangyari. I’m glad I took the risk. Kaya ituloy na ang mas masarap na kwentuhan. Coffee time. Chorvaness. Buuuugoooyy-ish. Tara, pashal naman tayo.😉

turonTuron-Shanghay mates. Nung una kala ko magkapatid sila kasi parang package deal. Pag binanggit kasi si turon kasunod na agad ang pangalan ni shanghay. Nung una lang pala sila tatahi-tahimik, nung sumunod na okasyon ang kukulit din pala. Sinubukan n’yo pang tapatan si Gary Big kahit na alam nyong size palang patalo na kayo.😆 Totoo nga ang sinabi ni hoodmate, mababait nga kayo at masayang kasama. Salamat sa pagwelkam n’yo samin ni star-mate.

paparazziPaparats-mate, sabi nila…”First impressions last.” Pero isa itong kalokohan. Ikaw lang ang tanging matino nung unang nakilala ko pero isa ka palang abnoi. Ang tino-tino kausap at walang kaalam-alam sa panggu-gudtaym. Magaling nga eh. Magaling kumuha ng pikchers, magugulat ka na lang na merong ganun. Mapapa- “kelan ‘to??!” ka na lang bigla. Bilib na sana ako sa kanya eh kaso indi pa rin nya nagagawa ang isa sa malaking project na binigay sa kanya.😛 Sana minsan naman sumama ka sa mga lakarang pampalumpo at yung mag-eenjoi ka naman kahit papano. Ang dami mo nang namiss eh.

alvin-and-the-chipmunks

Mister Sungits 1-2-3. Binago nilang tatlo ang paniniwala ko na ang mga lalaki kahit me asawa, pilit na magpapakyut sa mga babae for pogi points. Pero itong tatlong mister namin…strangely odd. Ang susungit. Ang mahal ng smile nila at pag tinanong mo, isa-dalawa-tatlong salita lang ang sagot depende na lang siguro kung essay ang tanong mo baka sakaling mapahaba pa sa limang salita ang isasagot nila. Si Mr. Sungit #1, kung sensitive ka, wag ka nang magbalak magba-bye sa kanya pag uwian kasi…dedma lang siya. Laging seryoso at parang nakakatakot batiin kasi mukang laging bad mood. Si Mr. Sungit #2 naman pag uwian, nakapasak agad ang earphones niya na parang senyales na wala siyang balak makipagwentuhan whatsoever kahit kanino at kapag inistorbo mo siya sa gitna ng pakikinig niya sa paboritong kanta…humanda ka. Si Mr. Sungit #3, indi naman mashado – – slight lang. Tutulog lang siya sa byahe at para walang istorbo, ayun andun siya sa single seater katabi ng driver.  Pero palangiti naman at indi mashadong nakakatakot i-approach. In fairness naman sa kanila (bago pako makuyog dito..), nakakatuwa sila lalo na pag inaasar na. Kung kelang aasarin, dun pa sila ngingiti…o diba, ang kakaiba??

harry-potterPoke back harry. Si Harry kahit na indi ko palagi nakakasama, nakakausap at nakikita…lam ko wala pa rin nagbabago. Isa siya sa pinakamasarap asarin lalo na pag merong mabigat na iniisip. Ke sa personal o chat, pareho pa rin ang reakshun…pikon. Nakakamiss lang yung kakulitan at sobrang pamimilit na uminom naman ako at wag nang KJ. Lahat ng okasyon kasi yan ang sinasabi niya sakin. Wag mong kakalimutan Harry, “Sorrow knows how to swim…drink moderately.” Mishuu.

Holding-HandsAng paborito kong byahe-mate. Sa lahat siguro ng klase ng sasakyan, nakasama ko na siya.  Pwede na siguro akong makagawa ng libro tungkol sa haba ng byahe namin. Sa lahat ng saya, nakakatawa, madrama, horror/suspense, action/sci-fi, at aberya dala ng ka-chorvahan ng buhay…sabay naming dinaanan at yung iba, dinedma lang. Kahit na mainit sa mata ng mapanghusgang mundo, sige lang. Tuloy lang. Soulmates nga siguro kami kasi pareho naming pinakapaboritong kaaway at pinakamalapit na kaibigan ang isa’t-isa. Walang mabigat na problema pag magkasama naming nilulutas. Marami-rami na rin ang narating namin at dahil sa kanya, tuluyan na kong naniwalang opposites attract. The reason that keeps me sane. Kapag pakiramdam kong parang malapit na ang end of the world, siya ang nagpapaalala sakin na, “gutom lang yan.” Knows me inside out, upside down. Kaya sobrang thankful ako na ibinigay siya sa’kin. Mahaba pa ang byahe namin at nasisiguro ko…for life na ‘to.🙂

Sila…sila ang iilan lang sa mga kasakay ko ngayon sa byahe. Kakaiba ito sa mga nakasakay ko na noon. Salamat sa libreng kwentuhan, tawanan, asaran, dagdag-kaalaman…salamat sa pagkakataon na nagkakila-kilala tayo.

Nakaikot na ulit ang mundo. Salamat sa inyo.🙂

buddypokeAling Baby

11 thoughts on “Sakay na!!

  1. salamat po’ aling baby dahil naging dyipmeyt kita s byaheng ito! sana malagpasan pa ntin ang humps at lubak n daan na madadaanan natin…hehehe at marami akng natu2nan s hamon ng buhay ko ng naging dyipmeyt kita…tnx ulit aling baby!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s