Istressss

 

stressed-out1

Ito ang kundisyon ng sakit sa katawan kung saan nagsisimula ito sa ulo, diretso sa mata bababa ng batok, i-slide sa balikat at magpaparty sa likod na siyang idadaing mo pag-uwing-pag-uwi ng bahay.

Indi lang naman nakukuha ang stress sa sobrang pressure sa trabaho eh. Mga exam, report at project sa eskwela. Paghahanap ng trabaho. At sobrang pag-iisip ng kung anu-anu na nagiging stress pag indi mo pa tinigilan.

Applicable din ito sa mga housewife.

Isang paglilinaw lang: Ang pagiging housewife ay higit pang bigat sa regular na trabaho. Indi biro ang mabato at mangalawang ang brains habang nakatingin sa daan at sa mga dumadaan at naghihintay mag-uwian ang asawa at mga anak. Pag sinuwerteng mapadaan si kumare, ayun me makakachika tungkol sa showbiz at mga latest cheese sa neighborhood. (peace!)

stressed

Ang “Ina” daw ang ilaw ng tahanan. Parang ang simple lang no? Iilawan mo lang ang buong tahanan. Pero pag nakita mo na ang tambak na labahan. Tambak na hugasan. Walang laman ang ref at makukulit na chikiting…yung ilaw pala na yun ay parang spotlight. Ikaw ang taga-ispat ng mga kalat kasama na ng lahat ng dapat gawin sa loob ng bahay.

  • Aba, mahirap yatang maglaba araw-araw ng para sa tatlo o apat na tao. Tapos pa-planchahin mo pa.
  • Mag-isip ng menu araw-araw na abot-kaya ng bulsa. Kailangan pa masarap kasi rereklamuhan ka pa pag inde. (Nakakasakit kaya ng feelings yun.)
  • Matapos mo mapagod buong araw sa pagtunganga paglilinis ng bahay, paglalaba, plantsa, luto, hugas ng pinggan…shempre pag me assignment si bunso, mapupwersa ang brains mo na indi na mashadong nalalangisan dahil sa indi naman nasasagi ang math sa mga chismisan at indi naman inglisera sina mare para mahasa ang English vocabs. Shempre, pagtapos mo sagutan ang assignment mapapa-medicol ka sa sakit ng ulo.
  • Uu nga at mega kayod ang mga mister at iniintrega ang sweldo kay misis, pero ang stress ng pagba-budget si mader pa rin ang gagawa.
  • Swerte na lang pag walang pasaway sa mga anak, including si mister kase bawas stress yan pero pag meron, ang hayblad naman dahil sa paglilitanya tapos indi ka naman pinapakinggan.
  • At siguro nakukulangan pa sa buong araw na activity ni misis sa loob ng bahay dahil imbes na ang oras ng pagtulog ang pinakapremyo sa buong araw…eh siyang mangangalabit pa si mister. Haller, kumusta naman.

See, indi madaling maging Nanay. Although indi naman puro lang hirap. Fullfillment pa rin para sa isang babae ang maging isang ina. Challenging lang at kailangang magampanan ito ng tama dahil makikita sa kung paano napalaki ang mga anak base sa pag-aalaga at pagtuturo ng mga magulang.

Kung stress lang at stress ang pag-uusapan,  maraming dinudulot ito sa buhay at pag sineryoso, ito ay NAKAMAMATAY. (Tulad ng ilegal na tawiran sa edsa.)

  • Pag indi mo naman ininda o dinedma mo lang siya, pwede kang magkasakit.
  • Pag dinala mo naman ito sa tambayan, pwedeng mapaaway.
  • Pag nakakausap ka ng taong sobrang stressed, pwede kang mahawa.
  • Pag ni-share mo ang stress mo sa iba, pwede kang masermunan at paulit-ulit na sasabihin sa’yo na magresign ka na.
  • At pag tungkol sa lab ang stress, ang kongklusyon sa’yo: isa ka nang martir.

Yung iba naman nakakahanap ng solusyon sa stress: ALAK

drunk

Lulunurin nila ang stress sa pag-inom. Ang indi nila alam, stress knows how to swim…(pagdasal na lang niya na mapulikat ito.) kaya naglolokohan lang silang dalawa. (lols)

Ikaw, ako, sila at tayong lahat ay napapasyal na sa stressville. Every now and then, merong ganyan. Minsan, kuyog pa sila. Royal rumble. Sige lang. Dapat kewlness lang sa pagharap sa mga ito, kaya lang. Walang atrasan ito. Mukha lang siyang mahirap daanan at gawan ng solusyon pero sa tamang diskarte, pag-iisip at paniniwalang dadaan lang ‘to. Didiretso rin ‘to sa exit door pag napagod. Think positive.🙂

stress

Yung iba nga, ginagawa pang trend ang stress eh…yung tipong galing sa work, nagmeet kayo ng barkada sa isang coffee shop tapos ilang hakbang bago ito nakalapit sa table, pa-hagard effect na ang itsura tapos pag-upo mejo paluluwagin ang neck tie na parang ito ang lubid na sumasakal sa kanya habang sinsabing,

Sorry guys, I was in a meeting. Sobrang stressed na ko. Ganto ba talaga pag promoted?

Diba, one way of showing off.🙂

Ok lang sana ang mga ganito, promoted pala…di treat mo na rin para indi sila mashadong lamigin sa arayb mong parang humangin lang antartika banda sa pwesto nyo hehe.

relax_

Ang stress ay isang senyales na “magpahinga ka naman“. Pag stress ka, uwi ka na ng bahay. Kumain at maagang matulog. Ito ang tamang paraan indi yung pag stressed ka eh kung saan-saan ka pupunta para ipangalandakan sa buong mundo na stress ka. Kung pwede ka lang kausapin ng parte ng katawan mo, malamang nagsabi na sila sa’yo.

relax

Kailangan lang itong ipahinga para indi na maging sakit o maging epekto ng kung anu-anung isyu meron ang buhay.

Stress lang yan, wag mo mashadong dibdibin.🙂

 

Aling Baby

15 thoughts on “Istressss

  1. mahirap talaga maging madir no???

    para sa akin nga ang pagiging ina ay isang career

    hindi nila alam ang hirap ng isang housewife no???

    dumadaan talaga tayo lahat sa stressville e no???

    tama ateng pahinga lang talaga ang katapat nyan!

  2. ayun at natuto na naman ako kay aling baby.

    nako pag stress na talaga ang usapan anpaka hirap gamutin hano. pero dahil sa tips mong ito ay at least maiisip ko talagang mag relaks.

    ang usual na relax ko ay mag gym.

    ikaw anu relaxation mo alingbaby?

  3. ako pag stress ako

    nagahhabaan mga bigote at balbas ko.

    hahah nagmamatured ako ng wala sa oras.
    kaya iwas streess ako..
    ill always look for a brighter side.

    stresstabs ang sagot!

  4. madami na akong alam tungkol sa istress pero panginoon bakit ba ako ay nanlamig sa pagdedetalye mo. Ako isa lang ang naging solusyon ng ma stress sa trabaho. for the first time nagresign ako nyahaha. Sa wakas malaya na ako…..saka na natin pag-usapan ang trabaho nyahahaha!

  5. ay medyo nararanasan ko yan, pero so far kinakaya ko naman sa tulong ng stresstabs, charot!

    siguro ang sa akin ay katahimikan lang at privacy sa loob ng kuwarto. minsan naman ay sound trip talaga.

  6. hayzz…galeng ng post aling baby…waaaa…stressedddzz to the limitless level nako tlg…waaa….kaya e2 pa blog2 habng nasa ofis…

    hayz…..pa link na rin…sbay gnon?! hehehe…
    saludo ako tlg s mga di biru-birong role ng nanay sa mga buhay namen…SALAMAT PO!

  7. e aling baby, panu naman po kung ang kinaeestressan mo ay nasa bahay mo mismo? panu un, pakamatay na lang ako?.. hahhaa..:D

    ako, tlaga, stressed to the highest level! hay buhay..

    1. Eh kung ayaw mo talaga siya makita, try mo pashal-pashal at magpaabot ka ng gabi para di na kau magkita or kung di mo na talaga keri, lipat na. maraming murang bedspace. dun merong peace of mind at silence.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s