Untog!

 

angry-woman-ani_mad

Sa literal na deskripshon, Ito ay karaniwang nangyayari sa mga indi nag-iingat. Pwedeng magka-bukol o duguan ang ulo depende sa impact ng pagkakatama neto sa isang matigas na bagay.

Anu na naman ba’ng koneksyon nito sa buhay naten?

Alam ko marami na sa atin ang nakaranas mauntog mula nung natuto tayong tumayo, lumakad at tumakbo nung mga bata pa tayo. Bata palang at murang-mura pa ang isipan pero ipinapakita na natin ang pagiging independent lalung-lalo na pag pinipilit nating ipaintindi sa mga nanay at tatay na kaya na nating tumayo sa sariling paa kaya indi na nila kailangan pang hawakan ka para marating ang pinto mula sa sala ng mag-isa. Sa umpisa, indi pa maniniwala ang mga ito na kaya mo sa higpit ng hawak nila sa kamay at braso mo habang ikaw naman ay pilit hinihila ang sarili palayo…sasabayan mo pa ng palahaw na iyak. At dahil sensitive ang mga tenga nila at sa gusto ring maipakita sa’yo na mali ka at tama sila….

Bibitiw sila sa pagkakahawak sa’yo.

Ang unang pwersa, mapapadausdos ka pa. Babawi ka para balansehin ang sarili. Isa, dalawa, tatlong hakbang…ayan, nagmamalaki ka na. Ang ganda pa ng ngiti mo. Pang-apat, lima, anim na hakbang…ayun o, una pa mukha mong tumama sa sahig sa pagkawala ng balanse, apat pa sanang hakbang palapit sa pinto.

bump-on-the-head

At sa pagkakadapa mong yun, subsob ang mukha at nauntog pa, ayun si nanay tatakbo palapit para yakapin ka at the same time sisihin kasi ang kulit mo, tapos yayakap-yakapin ka na. Si Tatay naman, sasabihan si nanay kung bakit kasi binitiwan ka pa eh alam niya namang yun ang mangyayari kasi indi mo pa kaya.

Ang daming iwas-untog sina nanay at tatay. Maraming bawal. Laging dapat ganito, dapat ganyan.

Grounded

Minsan naiisip natin, siguro past life nila eh Psychic sila kasi nai-imagine mo palang ang isang activity o bagay na gusto mong gawin at puntahan eh eto sila at nililitanya na ang mga do’s and don’t’s of a teenage life na parang may librong pinagkukunan. Bitter-bitteran ka dyan sa sulok habang iniisip na siguro indi nila na-enjoy ang kabataan nila kaya sila sobrang kulang na lang  eh ilagay ka na rin sa hawla habang nakatali ang leeg kasi parang ganun na rin sa pakiramdam yung ginagawa nila dahil sa dami ng indi pwedeng gawin.

Para lang wag kang mapahamak.

teenagers

Lahat naman talaga tayo, dumaan sa iisang proseso ng madugong “curiousity stage”. Kanya-kanyang diskarte yan habang nakapila. Pagdating mo kasi dun, sanga-sanga na yan eh. Lahat ng klase ng pwedeng eksperimentuhin, andyan lahat. Abot-kamay mo, samantalahin mo na habang wala sina nanay at tatay. Habang indi nila nakikita at walang pwedeng magsabi sa’yo na masama ito at magdudulot ito ng malakas na impact sa future mo. Ika nga eh, “Enjoy it while it lasts.” Sige lang, enjoy pa ang tropa eh. Ang saya, ganito pala ang pakiramdam ng walang nagbabawal at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.

Meron pa nga dyan, sumisingit sa pila. Nagmamadaling makapasok at maisalang. Kahit na meron pang mahabang panahon bago sana nila pasukin ito eh, nagpupumilit nang makasubok. Sila tuloy ang kadalasang nabibiktima ng mga aksidente.

Aksidenteng makapag-asawa ng maaga. TEEN-MARRIAGE

Aksidenteng malulong sa mga bisyo. drug_addiction_

Aksidenteng mabuntis ng wala sa oras. pregs

At mga aksidenteng pwedeng buhay ang kapalit. accid

Sana isa sa mga litanya na pinaaalala sa atin nina nanay at tatay eh yung…

ClearAllHistory

Alam mo anak, ang buhay natin walang eraser o liquid paper na kapag nagkamali ka, anytime pwede mo itong burahin. Pwedeng magsimula ulit, oo. Pero marami nang pagbabago na kailangan mong harapin at tanggapin.” (Sana binanggit ni mama yung tungkol jan sa liquid paper na yan :(  diba)

cant-erase-mistakes

Yang pila na yan na pinilahan ng lahat…lahat tayo napahinto sa ilang sanga na meron ang teenage life. Ito yung tinatawag nilang “kalakasan days” eh. Yung ilang mga dinadahilan na, “tao lang ako”, “charge it to experience”, “enjoy life to the fullest” at kung anu-anu pa na pwedeng ipalusot kapag gumagawa ng kalokohan. Ito yung delays sa byahe. Dahil yung ilang taon natin sa pagiging teenager, yun yung panahon na stranded pa tayo. Meron namang iba na tumutuloy pa rin sa byahe. Meron, tumuloy na sa byahe at mas malayo pa ang narating at meron ding nag-enjoy na mashado sa pagkaka-stranded, kinarir na ito ginawa pang kumikitang pangkabuhayan.

bump

Marami nang nauntog at nabagok dito (duguan na nga yung iba eh hehe..). Shempre, sa sobrang excitement at enjoyment na nararamdaman, minsan nakakalimot tayo sa mga paalala. Pag andyan na at nagbunga na ang pagkakamali, from feeling super matured ang isip…back to reality na,

Bata pa ako.

Hindi pa ko ready sa ganito.

Marami pa kong gustung marating.

Gustu ko pang makabawi kina nanay at tatay.

UNTOG pa rin ang makakapagpabalik sa atin sa realidad.

Ang masakit sa untog na ito, na-wrong move ka na eh…wala nang bawian. Parang papel na ginupit, indi mo na ito maikakabit. Pwede mong ipagdikit ng scotch tape, pero makikita at makikita pa rin yung punit. Markado na. At ang mga bukol at marka na ito ang siyang magsisilbing aral sa atin para ituwid ang buhay natin at ng mga magiging anak natin.

Kaya pala parang Psychic sina nanay at tatay.

Indi man lahat sa kanila ay nagkamali, dinaanan nila iyon at nakita. Ang mga buhay ng ilang kaibigan at malapit sa kanila na nasira at pinabayaan.

At sinu ba namang magulang ang gustung mapariwara ang buhay ng anak????

So far, wala pa naman.

Lahat ng magulang, ginagawa ang lahat pati na ang imposible para lang sa kanilang anak. Kaya sana bilang mga anak, makita natin ito indi bilang isang magulang na sinasakal o minamanipula ang buhay natin. Sa kagustuhan nilang maging maayos ang buhay at mailayo sa ka-chorvahan nito, napagkakamalan nating ayaw lang nila tayong sumaya.

Ang lahat ng sobra ay masama. Alam na natin ‘yan.

Kaya para sa mga matitigas ang ulo at nag-eeksperimento ng kung anu-anu….

Ayusin mo buhay mo.

😛

Aling Baby

9 thoughts on “Untog!

  1. first ako! hahahahah…ang untog ang nagpapaalaala sa ating merong mali sa ating buhay…bakit? kasi nakikita natin..nararamdaman ang sakit…..kailang nating mauntog minsan to learn and derive lessons from life…walang taong di nagkakamali…pero mas madalas ang mga taong di natuto sa mag untog ng buhay! bakit? di ko lam? kasi bawat isa sa atin may diskarte sa buhay….unless sinabi mo sa iyong sarili na gustong ong matuto sa buha na ito…salamat alaing baby…
    happy pencil day! idiscover mo kung bakit!

  2. hoonga naman umayos ka!!

    sis ako maraming beses nang nauntog aray naman!

    hindi naman sa matigas ang ulo ko at sumusuway.. yun nga lang parang curiosity… pero kahit gaano ka kaingat talagang aksidente eh… ;)(nagpapalusot pa no?)

    kaya nga diba minsan sinasabi sa atin ” i untog kita dyan eh para matauhan ka.”

    kaya minsan kelangan din natin mauntog.. para next time alam na natin umiwas para di magkabukol hehe

  3. wala ka pa ring kupas aling bebs…

    ngayon na lang ako ulit nakapunta sa tindahan mo…

    nag-abroad ako eh…LOL balik ako sa blogspot after kong mag-abroad…

    nauntog ako eh…

    namiss ko yung blog mo ng sobra!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s