Laro Tayo!

play

Pag narinig mo ang salitang “Laro”, awtomatikong iisipin mo na isa itong activity na pambata at kung ikaw na matanda, alangan na para sa mga ganitong bagay. Shempre, kung trenta ka na at nakikipag-chinese garter, piko at patintero ka pa…lalo na kung indi naman sportsfest sa opisina o kahit ba family day sa eskwelahan ng anak eh…ibang usapan na yan. Parang disturbing sa paningin ang ganung eksena, nakakakilabot.

Basta laro, ibig sabihin agad nito nakakapagod…siguradong masaya at magulo, maraming tawanan at tiyak na nakakaaliw. Walang seryosohan, katuwaan lang.

Laro, isang indi mashadong seryosong salita.

Sa board meeting ng isang kumpanya, indi mo maririnig ang sinuman sa mga matitikas na businessman na magsasabi ng, “Okay, gentlemen…umpisahan na natin ang larong ito.”

Si teacher na nagpapa-exam, never niyang sasabihing…”Ok, class laruin nyo na ang exam n’yo.”

Ang magulang narinig nyo bang nagsermon ng, “Anak, isipin mo palagi na ang buhay, laro lang yan. Mag-enjoy ka lang sa paglalaro ng buhay mo. Sige lang, ok lang yan.”

– – – Shempre inde!

At kahit na ang sermon sa simbahan, indi rin nakikipagtumbang preso o patintero sa atin.

May mga bagay lang na dapat laruin (indi ung bastos na laro 😆 ), at kadalasan, pag seryosohan na, isinasantabi na ang mode na ito para mas maging maayos ang usapan.

Ang salitang ito ay kailangang gamitin sa maayos na paraan. Sa laro kasi ng buhay, indi lang nagagamit ang salitang ito sa pambata o pambatang isip na aktibidad. Sa totoong buhay, napupunta tayo sa ilang sitwasyon kung saan kahit na alam natin kung anu ang tama, hinahamon natin ang sarili na gumawa ng ilang bagay at lumampas sa ating limitasyon. Tumutulay tayo sa alambre, kumakain ng apoy, sumusuot sa butas ng karayom, nakikipagpatintero sa disgrasya at kumakain ng bubog. Parang pamperya lang ang dating pero siksik sa risk. Ang consequences nito ay napakasayang isipin at kapag indi marunong sa diskarte, ang resulta…wag mo nang alamin.

no-worries

Sadyang may mga taong happy-go-lucky. Ang tanging goal sa buhay ay maging masaya, no dull moment, boring yung laging seryoso dapat laging on the go sa kalokohan at panggu-good time. Tamang chill lang. Pag usapang iskul, trabaho, responsibilidad at future…si happy-go-lucky, laging paiwas yan. Si walk-out. Bingi-bingihan at maang-maangan. Hangga’t may mga taong susuporta sa kanya sa lahat-lahat ng ginagawa niya maging ito man ay nakakasama sa kanya…tuloy lang ang buhay. Tuloy lang ang laro. Masaya rito tsong, join na kayo.

flirting-footsie1

Yung iba naman na mahilig maglaro ng lighter (apoy), kahit ba ang status nito eh single, in a relationship, married o it’s complicated…dumadating tayo sa punto ng life natin na mag-explore at magmasid-masid (buti nga sana kung nagmamasid lang..). Eh paano pa kaya kung nakikitikim na rin ng newbies sa main menu? Marami kang maririnig na “just for fun” lang o kaya, “nakikipagkaibigan lang naman” like I’m just being nice to him/her. Sabi nga ng lolo at lola ko…dyan nagsisimula ang lahat, sa mga pa-showbiz na “friends lang kame”. Para sa mga taong kayang i-manipulate ang temptation o yung tipong lumululon ng gaas kasama ang lighter, mga hassler ba’ga. Kayang gumawa ng kalokohan and can still look innocent (how do u do that, my friend??).

At for most people na nagpapatupok na lang sa apoy. Ang mga mahinang klase ng kahoy lalo na pag inanay na, for sure…spark pa lang ng lighter, lumiliyab na ito. Nakakalungkot man isipin, sadyang ang kahinaan ng mga tao sa larong lighter ang pinakauna sa listahan na pinag-uugatan ng maraming problema kasunod ang pulitika.

Meron ding mahilig maglaro ng relasyon. Pag nagsawa, gagawa ng dahilan tapos makikipaghiwalay. Papalit-palit na parang mga damit lang sa sampayan. Mga mahilig magpahaging tapos pag nahulog na ang loob nung isa, bigla na lang maglalahong parang bula. Lalung-lalo na kapag nakuha na ng mga ito ang gustu nila sa tao, biglang magbabago na ito at tuloy na naman sa pagdiskubre ng ibang ulam sa menu.

upset_frog

Kung meron mang mahilig maglaro…aba shempre indi mawawala ang mga Pikon, ang kabaliktaran naman ng mga mahihilig makipaglaro. Ito yung game na game sa mga kalokohan at good time, lalo na pag ibang tao ang isinasalang para pagpyestahan. Pero in turn of events na sila ang isasalang sa kumukulong kawali…parang biglang nagiging kabilang na sila sa mga rich and famous people na indi pwedeng biruin. Like, “Your highness, we apologize for pranks that are uncalled for. It won’t happen again.” Kailangan pa ba ng ganun pag nagbibiruan?? Kung requirement yun, heller wag ka na sumali kasi indi ka naman pala game sa kahit ano. Magkape ka na lang.😆 at bumili ng mga kausap para never ang mga ito mag-aattempt na magbiro sa’yo. I wonder kung gano kasaya ang ganito.

Colorful+life

Maraming klase ng laro ang buhay naten, kaya nga diba sinasabing “Makulay talaga ang buhay.” Meron pa nga, ginagawang ulam ang buhay…pwedeng inaalat, mapait, masarap, anghang, at asim (yaiikks!). At kung laro man ang tingin ng iba sa buhay, dapat nating tandaan na indi tayo pusa. Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito kaya dapat gawin na natin ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa atin at sa mahal natin sa buhay.

Subukin natin ang ilang mga imposible (optional po ito), gawin nating makabuluhan. Wag tayong huminto at magpatupok sa lighter. Ang mga pagkakamali, kasali yan sa buhay indi para kutyain o maging masama sa paningin ng iba…may aral ang bawat mali at laging kasunod nito ang pagbabago.

Sabi ni Kuya Josh, humayo tayo at magpakarami…indi sa literal na paraan. Gawin nating tama. Make love not war diba? Pero indi naman yung bawat makilala mong maganda/guwapo eh mamahalin mo lahat na para ka lang namimili ng isusuot sa lakad. Kung minsan, nakakasama rin ang sobrang paglalaro ng love. Makakasama sa’yo, sa kanya at sa mga taong nagpapahalaga sa inyong dalawa (at dun sa ikatlo kung meron man.). Sa totoong buhay, meron talagang nasasaktan at nahihirapan mag-move on sa ganitong sitwasyon. Napakahirap mapunta dun. At napakahirap kung ikaw mismo yun. Kaya wag naman natin ito gawing laro.

Hinay-hinay lang sa paglalaro my friend. Alam ko darating din ang araw kung saan mapapagod ka na lang basta kung indi man ito maunahan ng tinatawag na “karma” at kapag bigla mo na lang naramdaman na parang nagsawa ka na, isa lang ang ibig sabihin nito….

sick_and_tired_green_guy

Tumatanda ka na oy. Mag-retire ka na.🙂

 

Aling Baby

12 thoughts on “Laro Tayo!

  1. im pers ba??? ateng basta ako hindi marunong maglaro ng apoy! awts… marami akong kilalang mapaglaro.. at kuhang kuha mo nga yun description o!!! toinks!!

    panalo tong post na to!

    Hinay-hinay lang sa paglalaro my friend. Alam ko darating din ang araw kung saan mapapagod ka na lang basta kung indi man ito maunahan ng tinatawag na “karma” at kapag bigla mo na lang naramdaman na parang nagsawa ka na, isa lang ang ibig sabihin nito…. Tumatanda ka na oy. Mag-retire ka na

    matakot ka sa karma… kaya dapat maging responsable talaga sa lahat ng ginagawa diba???

    mwwaaah sayo ateng!😉

  2. tama ka aling baby! iwasan natin ang pglalaro bka mabiktima p tau hehehe…ngkamali mn tau’ bumabangon pa rn pra s taong ngma2hal s atin!

  3. oo nga bakit ang matatanda gusto bumata pero ayaw naman masabihang parang bata, kasi kakambal nito ka iresponsablehan, hayyyy tao di mo alam ang gusto basta ako gusto ko paminsan minsan me laro din…kahit basketball lang sa amusement park hehe

  4. si jason ay mahilig pa rin sa laroo

    maliban sa laro sa apoy.. hohohhooh

    kasi parang nakakagaan ng pakiramdam, yung tipong nakakapag-uplift ng aura…

    linanalaro ko computer games, minsan nga naghabulan pa kami sa palig ng office parang mga bata. eheheheheh

    shempre ayaw naman nating pagtanda natin eh wala tayong marereminisce na laro memories!!

    ciao!

  5. alam mo aling baby ang mga taong ganyan malakas ang karma. hindi nila alam pag sila na ang nagseryoso sila na ang maloloko. ika e KARMA

    pero sa totoo lang ganyang talaga ang buhay. may mga taong tayo haharaping sadyang mapangloko at happy go lucky.

    teka base ba ito sa own expeerience mo?🙂

  6. Gusto ko ang paglaLARO. Dito nararamdaman ko ang pananatiling bata. Bata na laging masaya kahit sa mababaw na dahilan. Ayokong matulad sa mga “grown-ups” na ang isipan at ang mundo ay punong-puno ng mga samut-saring komplikadong bagay.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s