Dependent

 

sigh

Indi ito yung nilalagay sa BIR Form para malaman kung magkano lang ang dapat na ikaltas na buwis sa sweldo mo….

Kung ikaw ang tipo ng tao na laging nakadepende sa iba para sa sariling desisyon, kaligayahan, at ilang mahahalagang bagay na may koneksyon sa’yo at sa bigat na pinabibitbit mo sa mga taong malapit sa’yo…ikaw ay therefore nangangailangan na ng wheel chair. Kumusta naman, igalaw-galaw mo naman ang brain mo para indi ma-coma ‘yan.

Kung meron nga talagang pangrelyebo gaya nung sinasabi ni Ely Buendia ng Eraserheads, “Hindi na dapat maghirap, sa iisang iglap ang buhay mo ay sasarap wag nang mag-atubili kumuha na ng Superproxy…

Napakadali lamang gawin nito…mamimili ka lang sa friend’s list mo kung sinu ang pwede mong sandalan. Shempre, pipiliin mo yung taong indi madaling mangalay at mahaba ang pasensya sa mga ganitong bagay. Yung mga taong, ipinanganak na walang kasinghaba ang pasensya at panalo sa pang-unawa. (I better find me this type of friend…) Saka ihain mo sa kanya ang listahan ng hinanakit ng buhay mo (galingan ang pag-arte..) habang imbes na nanonood lang ng tv si friend eh indi niya napupunang inuupuan na niya ang mga problemang indi naman dapat na siya ang humaharap.

Marami sa atin ang pilit na tinatakbuhan ang mga hamon ng buhay. Hangga’t kayang ibato sa iba o umilag o di kaya eh pagtaguan ang mga ito eh siyang gagawin para lang makaiwas. Sinu ba naman kasi ang may gustu ng may iisipin? Parang puzzle na kailangang buohin imbes na nagre-relak-relak ka lang habang nanonood ng tv?

Aminin natin na kadalasan, kapag may mga taong parang santa claus sa buhay natin…para bang tumama ka sa sweepstakes at lotto at indi mo na iniinda ang mga problema. At dahil napaka-accommodating ni Santa, eh sinasagad-sagad mo siya sa mga hiling na akala mo may patago ka sa kanya. Kung minsan, tinutubuan ka rin ng amnesia kasi nalilimutan mo na bigla ang mga ito at parang gustu mo na ring magka-amnesia siya para malimutan na rin niya ang mga abalang ginawa mo.

Nalimutan mo na nga, binabalewala mo pa si Santa kapag araw ng sweldo. Para bang namumukhaan mo lang siya pero indi mo matukoy kung saan at kailan kayo nagmeet…samantalang kapag no budget ka na, ultimong amoy ni Santa na papalapit sa pinto, naamoy mo na.

Maraming mga ganito. Hyper na hyper at wento ng wento pag may kailangan. Pero pag nakuha na, parang ni pangalan mo indi na niya matandaan.

Dependent na sila lalo na kapag hinayaan na. Nasasanay at kapag sinimulang mong tumanggi, ikaw pa ang masama.

Normal lang ang mga ganitong sitwasyon. Napapasama ang mga tumutulong lang. Pero dapat nating tandaan na lahat ng bagay ay may hangganan. Indi sa lahat ng oras, ang mga mabait ay laging mabait. Minsan, they come across the word “ABUSO”, wag sana nating sayangin ang pagkakaibigan at samahan nang dahil lang sa mga ganitong bagay kase It’s not worth it.

Kung mas mahalaga ang materyal na bagay kesa sa pagkakaibigan, marami din namang iba dyan na ok ang ganyang set up, basta’t wag lang kakalimutan ang 10% interest at monthly installment pay.

Lahat naman tayo naging dependent ng magulang natin lalo na nung maliliit pa tayo. Pero sa pagdaan ng ilang taon sa buhay natin, umiikot ito at darating ang panahon na sa atin naman dedepende ang mga magulang natin para sa suporta.

Wala namang masama kung paminsan-minsan, dedepende tayo sa iba para sa suporta. Kadalasan, moral support…damayan. Nasa lugar lang. Pag kailangan ng tulong pinansyal, kung meron ka bakit naman indi diba? Pero kung pang-grocery at pambili lang naman ng mga anik-anik eh hihiramin mo pa…para yatang indi naman yun maganda. Tama, mali? Gaya ng nabanggit ko sa ibang entries ko at alam naman nating lahat na indi naman kabawasan sa pagkatao kung salat ka sa materyal na bagay.  Indi naman ito laro na pag may bago kang gamit, increase agad ang  happiness at experience points mo kada gamit na madadagdag. Walang ganun. Wag paniwalaan ang mga ganun.

Sa totoong buhay, nangangalay din ang mga tao at kung minsan nagiging punongkahoy  na lang sila sa kakasandal mo. Galaw-galaw naman.🙂

see

 

Aling Baby

 

12 thoughts on “Dependent

  1. the best! ganda ng post mo mine..
    eksheli, ang mga taong ganito, wala ng pag asa heheh joke..
    pwede mabago un..
    kung ung mga sinasandalan nia ay mawala lahat..
    kse kahit may makita syang ibang sasandalan..
    iba pa rin ung nakasanayan mo na.. tpos mawawala
    dba?
    moral lesson..
    wag abusuhin.. work your ass out kung may gusto..
    hindi ung
    iaasa mo sa iba ung gusto mo..
    or nakuha mo ung gusto mo, iba naman nag suffer..
    magkape kape naman diba?

  2. perfect aling baby! ewan ko lng kng hnde pa matamaan…naka2pagod dn tapos ga2guhin k pa 2lad ngayn!prng sa2bog n ako at d ko alm kng kaya ko png pigilan ang lhat!

  3. ako yung tao na never will tolerate people like this! kasi naman we do help them to be parasite(in all aspects) of the future generation..hello! of course di masama ang tumulong…pero may hangganan din…especially kung taong iyon ay dapat ng kumawala sa kakapit sa iyo..and its high time that he should grow up…
    congratz aling baby sa post na ito…bow!

  4. naku totoo yan, may mga taong kung umasa ay sagad hanggang buto. Pati problema nila nila pinapasa sa iba. Parang hindi kayang mabuhay kapag walang sasandalan. Ok lang naman na humingi ng tulong pero huwag naman buong buhay mo iasa mo na lang sa iba… aba may sariling buhay din ang iba…

  5. madami akong kilalang ganyan. kilala ka lang kung may kailangan sa iyo, kung may nais hingin o hiramin. ang nakakalungkot, minsan kamag-anak mo pa ang gagawa sa iyo nito. nangyayari sa akin ito, madalas. minsan hindi ko naiisip na naabuso ako, pero pag dumating yung puntong ako na ang humihiling ng kaunting pabor pagkatapos ay isang malaking HINDI at AYOKO NGA ang igaganti sa iyo, doon na sumasabog sa aking harapan na parang isang malaking bomba ang salitang ABUSO.

    nice entry aling baby🙂

  6. Naku, bato bato sa langit ang tamaan pangit! Sapol na sapol ang mga odeya mo ah. Okay yan, hindi naman pwede na sa lahat ng oras pwede iasa lahat ng bagay lalo na kung kaya naman nila gawan ng paraan.

  7. ay naman. uu aamin ako. hanggang ngayon dependent pa rin ako. kasi halos sa parents ako umaasa. minsan nga sila pa nagdedesisyon sa buhay ko. pero habang tumatagal, medyo nagiging independent na rin ako.
    pero hindi ako yaong tipo ng taong sisisihin ang iba pag may maling nangyari… ang iniisip ko lang kung ano ako ngayon, dahil iyan ang desisyon ko. yun an yun. kung gsuto ko magpakontrol sa iba, iyon ay dahil desisyon ko.
    pero ayun, simula ng naging kolehiyo ako. nfefeel ko na ang independence. not financial independence. pero kahit sa munting bagay nafefeel ko na kaya ko pala!

  8. yeah medyo galit ako sa mga ganyan na umasa na lang ng umasa. pero ok lang kanya-kanya lang talagang diskarte yan. basta ang mahalaga ay matutong tumayo sa sariling paa dahil walang ibang tutulong sa iyong pagkatao kundi sarili mo rin.

    kasi pag lagi ka ng umaasa, hindi mo lang pinahihirapan ang iba. ibinababa mo rin ang sarili mo at nawawalan ka ng self esteem. makahingi nga ng pera kay nanay mamaya. hehehe

  9. hmmm napaka gandang entry na naman galing sa iyo aling baby.

    may mga tao din kasing sadyang ipinanganak na umaasa lang talaga lang sa iba. maraming excuse ang mga ganitong tao pero ang katotohanan eh choice parin nila maging ganun. at maari din naman nilang maging choice na hindi palaasa diba?

    nasa sa tao lang talaga yan… ako aminado naman ako na minsan nakadepende din ang desisyon ko sa sasabihin ng ibang taong related sa issue o minsan kapag wala ka na talagang patutunguhan pero kahit papano sinusubukan ko pa ring tumayo at lumaban gamit ang sarili kong sandata.

    kaya naman natin iyon eh, masyado lang nating pinangungunahan ang mga bagay na di naman dapat.😉

  10. ayan swak na swak. dapat naman ay irespeto natin ang mga taong tumulong sa atin. utang n aloob baga. wag yung parang matapos kang tumulong e hindi ka na kilala. para hindi naman madala di ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s