Wrong timing

 

bd tym

 

Lagi na lang akong nabibiktima nito. Sa lahat ng pagkakataon na may nangyayari, indi pwedeng indi kami nagkakasalubong nito kahit saang lupalop ng mundo ako mapadpad. Para siyang airborne disease na sumusulpot lalung-lalo na sa panahon na ayaw mo siyang maka-enkwentro.

Bakit, may choice ba tayo?

Katulad ng ibang bagay na indi natin kontrolado, topping the charts talaga ang wrong timing na’to. Kahit mapa-ikaw o ang ibang tao ang napupunta sa sitwasyon na ito, basta yung maging konektado lang ito kahit sampung minuto sa buhay mo, para bang gusto mo na humanap ng blade para maglaslas o di kaya ay, magbigti ka na lang dyan sa sobrang badtrip.

Alam naman natin na ang buhay ay indi magiging makabuluhan kung kahit minsan eh indi ka makakaranas ng isang nakakainis na moment.

Anu ka hilo? Sinuswerte ka. Pero kahit nga suwerte inaabot pa rin ng malas eh.

At katulad ng iba pang sitwasyon, keber talaga itong wrong timing sa pag-invade ng tahimik mong buhay at nananadyang maghasik ng lagim sa mga oras kung kelan iwas na iwas ka. Para bang pinagtripan ka lang ng isang tropang anghel na ilang araw nang walang tulog kakabantay sa mga alaga nila.

Kung ikaw ba naman ang ma-sandwich ng ganitong pagkakataon, anu kayang paraan ang kaya mong gawin?

Kung minsan kasi, yung maipit ka sa sitwasyon na ayaw mo eh isang bagay na puzzling talaga. Kung ang resulta nito eh, masisante ka…ma-brokenhearted, madisgrasya, mahawa sa kabaliwan o kung anu-anu pang indi magandang mangyari dyan – – kahit sino talaga aayaw na ma-involve. Para na rin itong sale na pinupwersa ang kostumer sa pagbili kahit ayaw. Eh panu ka ba tatanggi kung may nakakatutok sa’yong patalim habang namimili ka diba? Kumusta naman yon?

Wala namang exception dito eh.

Lahat dapat dumaan dito at sa ibang pagkakataon para maging mas magaling sa diskarte sa buhay, kailangan pabalik-balik lang. Ok lang yun, libre naman eh. Basta kaya ng powers mo at matibay ang dibdib mo sa lahat ng klase ng badtrip na kalakip nito, why not diba?

Minsan kase, ang palagiang goal natin sa buhay ay maging Masaya, stress/worry-free, walang iniisip na utang, punumpuno lang ng kasiyahan at good time. Sinu ba namang matinong tao ang indi gustu ang mga ito? Eh pag ganyan ang lagay ng buhay mo ngayon ang ibig sabihin nasa kabilang buhay ka na. Kasi wala nang dahilan para mabuhay ka sa mundo kung indi mo dadanasin ang mga bagay at sitwasyon na makakapagpatibay sa’yo.

Sa tinagal ko ng konti sa mundong ito, parang nakikita ko na kahit malabo ang mata ko kung ano talaga ang buhay. Kung bakit kailangang maraming tanong na indi kayang sagutin, mga hiling na kailangang hindian muna ni Kuya Josh paminsan-minsan, mga taong umaalis at dumarating sa buhay natin, mga pangarap na naabot natin kahit na papano at yung iba na halos nasa kabilang mundo na kaya imposibleng maabot.

Sadyang ang mga wrong timing na ito, kahit na nakakainis at nakakakaba…kailangan pa rin natin ito sa buhay naten.

Baket?

Para paminsan-minsan, dapuan tayo ng takot at nerbyos at maging leksyon ito sa atin. Marami pa tayong kailangang matutunan kahit na hanggang tumanda tayo. Life is a continuous battle. Laban lang ng laban hanggang marating ang finish line.

 

Aling Baby

10 thoughts on “Wrong timing

  1. there will always be two sides of life….timing can be right or wrong. reality talaga ng buhay yan…wrong timing man sya…minsan nagiging opportunity for learning our lessons in life.
    sadyang iniiwasan …pero pilit namang dumarating?…hindi darating talaga siya kasi bahagi sya ng ikot ng buhay sa mundo.

  2. Ang palaging paniniwala ko, meron pong tamang panahon para sa lahat. Kung dini-delay ni Kuya Josh ang isang bagay, ang panahon ay hindi pa hinog para dito. Kaya po walang “wrong timing” siguro😉

  3. Kumusta aling baby? Heto na naman ako at nagbabalik loob sa pagbloblog. Medyo napalayo narin ako sa uso at kailangan kong magsimula uli. Whoa. Nice post because it is written at the right time.😄

  4. parang murphy’s law ika nga. kung kelan pa naman… sa lahat pa naman ng araw…. hehehe laging may ganun ano? nakakatuwa lang dahil hindi ako masyadong affected nyan ngayon… importante lagi ang presence of mind at wag pavictim.

  5. Napupuna ko rin yung mga napupuna mo na talaga namang kapuna-puna at sa mga napupuna nating ito ay may napupuna rin naman tayo na dapat naman talagang punahin katulad sa mga samu’t-samong bagay at pangyayari. Sana nakapgbigay ako ng magandang puna.

  6. nakakabwisit ang wrong timing sa totoo lang. nakakapanggulo ng mga scked sa buhay. nakakagulo ng buhay.

    pero kung cool naman yang wrong timing na yan. why not? go na lang ng go! hakhak!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s