If there’s a will…there’s a weyyy

 

Due to insistent public demand….ibabalik ko lang pansamantala ang entry na ito upang mabigyang paliwanag ang mga bagay-bagay tungkol sa pwersahan pilitan lalong-lalo na sa mga lakaran o usapang may kasamang alak-alakan.

Apat na buwan pa bago ang Octoberfest, pero nauuna sa pila itong mga kapatid ko sa industriya ng pagpapayaman (workmates)

2 1

…para ayain ako sa isang pinagpaplanuhang gabi ng “laklakan”.

Para sa mas malinaw na paglalahad at sa mga malimit na bisita ko dito sa aking mansyon…silipin natin kung anu ba talaga ang sitwasyon ng mga taong binabansagang…“Key-jey”

Read on…

If there’s a will…there’s a weyyy

 

Sinu nga ba ang nagpauso nito?

Kasi kung sinuman siya…..ang galing niya kasi totoong-totoo itong pinauso niya.

alone

Malamang pamilyar na kayo sa kasabihan na ito na kung tatagalugin natin ay lalabas na…“Kung gusto, maraming paraan.” At dahil nga haytek na ang panahon, dinugtungan na ito ng, “Kung ayaw, maraming dahilan.”

Gamit na gamit ito lalong-lalo na sa mga yayaan. Maging gimik, outing, berdey, binyag, kasal, company party at even sa children’s party. Kung ikaw ang malimit at pirming umaabsent sa mga lakaran, siguradong makailang beses mo na narinig ang linyang magpapakonsensya sa’yo ng todo.

“Sige na, sama ka na…mas masaya kaya pag sumama ka.” Sila.

“Eh, indi talaga ako shur kasi baka umalis din kami nang araw na โ€˜yon.” Ikaw.

” Palagi ka na lang indi nakakasama eh. Alam mo, kung gusto..maraming paraan. Kung ayaw, ayan, nagdadahilan.” Sila ulit.

Ikaw – – – – speechless.

excuses

Sa hinaba-haba ng pilitan blues, it’s either nakonsensya ka, superb ang convincing power nila o totoo talagang may lakad ka na nauna sa kanila, nahuli lang sila ng 10 minutes (kasi, nung naramdaman mong may plano sila – – – ni-confirm mo na yung nakabitin na planong ganun din ang idinahilan mo hehe -jowking lang.)

At sa ganitong pagkakataon, maraming pwedeng ang maging impression sa’yo pag ikaw ang laging absent at ito ang mga sumusunod:

KJ (kill joy o patay na ligaya o mas kilala sa iba na autistic.) – Sa mga gimik, ito ang kalimitang name tag mo pag ikaw yung tipong nainom ng juice o iced tea habang sila ay nag-iinuman. Kulang nalang pwersahang yaya na para lang makainom ka. Idadahilan na berdey, “minsan lang naman” o kaya, “ang hina ko talaga sa’yo” – – – mga ganung tipo ba.

Arkitek o Drawing – Ito ang tawag sa mga bigay-todo sa pagsabi na sasama/pupunta at parang isa sa mga committee ang dating dahil sa sobrang aktib nito sa planning stage. Pero sa aktwal na lakad – – – indi naman nakasama sa dami ng dahilan.

62

In-Janera/Janero – Ito ang tawag sa mga niyaya na pinilit pa talaga, binigyan ng makabagong excuse para mag-absent sa iskul/trabaho o ipaalam sa magulang. Halos sunduin na sa bahay para lang makasama. Maya’t-mayang tinetext at tinatawagan – – – ayun, nang-injan pa rin hehe.

Mareng Winnie/Pareng Oka – Ito ang mga inaaya na parang nag-training kina mare at pare ng debate sa dami nitong rason at dahilan ng indi pagsama. Sa una ganado ka pa, pero sa katagalan ng usapan, wala ka ng magagawa kung ayaw.

20080509

Eps – Kung merong mga inaaya na halos ayaw sumama – – – meron din namang ni indi inaaya pero umaarteng parang kasama. Shempre, kakahiya naman kung sasabihin mong indi siya kasama diba? Ang sakit kaya nun. Kaya wala kang choice kundi isama na lang, kawawa naman kasi eh.

In fairness naman sa mga ito, shempre indi naman sa lahat ng panahon eh autistic ang mga tumatanggi sa mga lakaran o inuman. Kanya-kanyang trip โ€˜yan diba? May mga tao lang talaga na indi nakahiligan ang mga out-of-town o gimik kaya mas pinipili nila ang mag-stay sa bahay at mag-cross stitch. (jowk ulit) May mga rason silang sarili sa mga ganyang bagay at indi na natin dapat na pinapasok o pinakikialaman. Lahat tayo ay may right to privacy diba? Eh sa ayaw nga eh, wag na mamelet.

busy-lady

Para sa akin, ang pagtanggi ay indi nangangahulugang walang importansya sa pagkakaibigan. Minsan lang talaga para sa mga taong marunong tumanggi – – – ayaw lang nila gawin ang isang bagay na indi nila gustu. Sa ibang indi makatanggi – – – ayaw lang nilang sumama ang loob ng kaibigan kesehodang indi nila trip ang pupuntahan o gagawin.

Pwede rin naman kasing indi komportable sa mga makakasama kaya umaayaw. Walang budget (ito ang madalas), walang isusuot (sus!), ayaw ma- out-of-place o wala lang talaga sa mood umalis. Marami pang pwedeng maging dahilan at pero-pero. Pag ayaw mo na ng maraming usapan, sasabihin mo na lang na – – – “Sige, sa susunod…babawi na lang ako sa inyo. Sensya na talaga.”

homebody

Dapat sa susunod….

Sa mga inaayang ayaw sumama – – – ok lang tumanggi once or twice…pero sa susunod make bawi naman talaga kasi pag inaya ka ng malupit, ibig sabihin nun important ka sa kanila at malaking bagay para sa kanila ang presence mo. At kung ganun kakulit ang pagpilit, pihado namang sagot nila ang enjoyment kaya sige na…sama ka na.๐Ÿ˜‰

At sa mga namemelet – – – pilitin once, pilitin twice pero pag ayaw talaga…ok lang yon, indi naman nauubos ang next time at ang mga pila-pilang okasyon and besides indi naman porket indi siya sumama eh kailangang mag-iba na ang tingin sa kanya (parang hayskul hehe…) o kaya indi matuloy ang larga. May ganyan talaga paminsan-minsan, saka malay nyo eh mapunta din kayo sa same situation diba? Understanding is what we need.๐Ÿ™‚

hmn

O, ok na tayo ah. Wala nang pilitan ah.๐Ÿ™‚

 

Aling Baby

26 thoughts on “If there’s a will…there’s a weyyy

  1. hmmmm… parang isa ako sa mga laging pinipilit..gulity ako jan! hahaha…

    valid naman lage angreason ko weh kaya hindi ako nakakasawa… lage masakit ang puson ko wahahaha…

    jowknezz lang…

    totoo lahat ng sinabi mo…

    Kapag gusto maraming paraan, kapag ayw maraming dahilan…

  2. ay damang-dama ko yang mga taong kailangang pilitin para sumama. sa una mapagbibigyan, pangalawa habaan na lang ang pasensya pero pangatlo at sa mga susunod pa a. ibang usapan na ‘yun. intindihin na ganun na lang talaga sila.

    and i believe naman, intentional o hindi, sila rin yung hirap makakuha ng a-attend sa mga imbitasyon nila.

    wahhh sa bagay, hirap ding sumama lalo na pag di mo trip ang lakaran at lalo na ang makakasama mo.

  3. gusto ko tong line na ito: \”ang pagtanggi ay indi nangangahulugang walang importansya sa pagkakaibigan\”

    aba napakababaw namang dahilan na ang pagtanggi o ang di mo pagtanggi ang magiging basehan ng inyong pagkakaibigan. ano ba yang frenship na iyan laro lang na nasa mood kang fren kayo ngayon dahil vibes kayo at pwedeng ala din sa mood pag di kayo vibes?

    nwei, agree pa rin ako sa entry mo na ito aling baby…๐Ÿ˜‰

  4. minsan dumadating din sa punto na pinipilit ako. minsan ayaw ko sumama dahil ayaw ko talaga. ayaw ko kasi yung gimik nila lalo na inuman. pero minsan ayaw ko sumama dahil may excuses naman ako. pero kadalasan sumasama ako dahil sa kainan. nyahahaha!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s