Parting Time

 

 

Parting_Ways

Alam nyo ba ‘tong song na ‘to?

“I remember the days…when you’re here with me. Those laughters and tears we’ve shared for years hoo-huumm…”

Pag naririnig ko’to, naaalala ko nung nasa First year highschool pa ko, punumpuno ng memories. Umpisa pa lang ng apat na indi malilimutang taon ko sa hayskul.

Pero wag kayong mag-alala, indi ito tungkol sa kabaduyan at ka-cheesy-han na kwento ng buhay hayskul ko na siguradong ikasisira ng reputasyon ko sa wp kung meron man hehe.

Sa lahat na siguro ng low moments ng buhay natin at kung ibabase sa palaliman ng baon sa lupa ang winner nito…nasa pinakailalim-lalim na siguro yung iwan/mamatayan ng mahal sa buhay funeral kasunod ay ang Hiwalayan o Parting Time. breakup

Sa halos lahat ng klase ng pakikipagrelasyon natin, indi na bago sa ating pandinig ang salitang “Hiwalayan”, chugihan, dumped, binitiwan…

Ang mga ito tulad ng I love You ay karaniwan na sa pang-araw-araw na buhay nating mga Pinoy. Sa’min sa Showbiz😛, ang hiwalayan ay parang isang Birthday celebration sa tindi ng mga pasabog na isyu. Merong phone patch, vtr, maraming umuusyoso, pinag-uusapan. Extended pa ito dahil hangga’t nagsasalita ang magkabilang panig, tuloy-tuloy lang celebration na ikinatutuwa naman ng ilang mga programang akala mo ay totoong nakikiramay.

Sa karaniwang buhay, noon ang mga ganitong isyu ay halos itago sa buong madla. Sa sobrang sensitive ng isyu at sa pagiging discreet ng dalawang partido, indi mo mahahalata na may lipatan na palang nangyari. Sa pagkakataong malaman mo ito, huling-huli ka na sa balita.

urban-legend-rumor

Pero ngayon, pag nag-away ang isang magpartner na rinig ng sangsinukluban…ang usap-usapan na agad mula sa circle of friends nyo at ng rotary club of chismosa toda sa lugar nyo ay maghihiwalay na kayo bukas at may kinakasama na ang isa sa inyo etc-etc-etc. Parang pimple lang na naging  stage 4 kanser na pagkatapos ng isang linggo.

Indi lang sa relasyong pampuso pwedeng idikit ang salitang hiwalayan.

  • Kapag natapos mo na ang halos labinlimang taon mo sa pag-aaral…ganun din, mahiHIWALAY ka na sa mga klasmeyts at barkada mo na nakasama sa halos kalahati ng buhay mo.
  • Kapag nagresign ka sa trabaho at aalis ka na sa kumpanya, maghiHIWALAY na kayo ng opis meyts mo.
  • Kapag lumipat na kayo sa ibang lugar pagkatapos tumira ng mahabang panahon sa tinitirhan nyo, nakakalungkot na HIWALAYan ang magaganap sa inyo ng mga kababata at kapitbahay.
  • At shempre, pag nag-abroad ka…para mo na ring HIniWALAYan ang buong Pilipinas. (Buti na lang may TFC hehe.)

Ito ang mga hiwalayang hinihingi ng pagkakataon. Wala naman gaanong mabigat o hidwaang dahilan para sa parting time na ito.

For most cases na biggie deal para sa lahat ay ang HIWALAYang binabalutan ng samu’t-saring isyung pansarili, puno ng poot, walang kapatawaran (para sa iba), panloloko at panlilinlang, betrayal, o simpleng ayaw na lang talaga.

Mahirap pagdaanan ang mga bagay na ito sa buhay natin. Sinu ba naman ang maghahangad na matapos o mauwi sa HIWALAYan ang isang koneksyon na pinaghirapan mong buohin, ipinaglaban, indi ipinagpalit sa kahit anong bagay at pinilit ibinangon sa mga oras nang pagbagsak nito? Wala naman sigurong gagawin o kahit man sa isip na sirain ang isang samahan na halos panahon na ang nagpatibay nito.

Pero ang isang samahan, parang isang puno kung saan ang mga miyembro ang siyang ugat nito. Indi sa taon na binilang makikita ang tatag nito. Kundi sa kung ilang beses na dinadaanan ng sakuna na sama-samang dinaanan kung saan ang lahat ay  indi nagpatinag.

Indi lahat ng ugat nito ay mahigpit ang kapit. Kung minsan, sa kahinaan ng isa ito ang bumubuwal sa lahat at sa pagkakataong ito…HIWALAYan na lang ang tanging paraan para maisalba ang kahit na katiting na pag-asang maging maayos ang lahat.

Walang HIWALAYan na nakakatuwa. Kung meron man, sila yung mga kabit o mas malaking kaginhawaan para sa kanila ang indi makita ang inyong pagsasama.

Maraming dahilan.

Maraming palinawagan.

At dapat nating malaman na ang mga tao at bagay na nagHIWALAY, kadalasan…indi solusyon na pagbalikin o pag-isahing muli dahil mas makabubuti na rin ito para sa kanila at para sa lahat.

broken_glass

 

Time heals all wounds.


Time_heals_all_wounds

 

Aling Baby

15 thoughts on “Parting Time

  1. ang parting time would always be a perrenial experience ng sangkatauhan…bakit? di ba noong pinanganak tayo mag-isa lang…kahit magkasabay pa kayo ng kakambal mo….isa-isa naman kayong lumabas….at sa kalaunan di ba maghihiwalay din ng landas…..though man is a social being…pero he is still an individual….
    lahat ng uri ng panahaon sa buhay natin ay tinakda na ng tadhana…panahon ng pagsilang, pagkamatay, pag-ibig, kabiguan, saya, lumbay, pag-iisa….
    somehow, somewhere along our journey in this life…we woluld always part ways with…persons, places, things, etc….

  2. ay alam ko yung song na yun… pero nakalimutan ko na yung title pati na yung singer. ahihi!

    i hate parting ways… i hate goodbyes. parang isang boomerang na bumabalik sa akin ang sakit na ibinigay ko nun sa mga hiniwalayan ko. whether in a friendship or serious relationship. if it happens to you, it is much better to forgive and forget so you can also move on. yun lang ang choice mo kesa sa magmukmok db? sana wag dumating sa yo yun aling baby. hangsaket kasi…😛

    off-topic: ang aking latest entry na “Bayani? Bayani.” ay nominated po sa PEBA 2009 o OFW Blog Awards. sana po ako ay inyong maiboto. aheks! kung hindi naman, maaari rin naman ang iba pang kalahok. eto po ang link ng botohan http://www.pinoyexpatsblogawards.com/

    salamat po🙂

  3. ay alam ko yang song na yan ng Rockstar!waaaahh

    elementary pa ko nyan aling baby.hehe

    ****At shempre, pag nag-abroad ka…para mo na ring HIniWALAYan ang buong Pilipinas. (buti na lang may pinoychannel.tv at ebenta.com)

    haha

  4. ay yang song na yan ay one of the classic opm songs for me. ang ganda ng instrumental and lyrics. siempre punon-puno pa ng emosyon. pero wala naman akong pinatutungkulan sa kantang ‘yan.

    sa hiwalayan – may dalawang masasaktan. ang aalis at iiwan, especially kung pagkakaibigan ang nakasalalay. sa love, para yang “somewhere down the road” masakit pero you have to let go.

    ang mabuti na lang siguro sa paghihiwalay ay maging okay ang comunication at mag-iwan ng magandang alaala.

  5. bagay na bagay ito sa latest post ko🙂 ,well, as part of our life e kelangan handa tayo sa mga ganyang moment sa buhay natin. ang sakit ng salitang iyan pero sabi mo nga time heals everything. ask ko lang, malungkot ka ba ngayon?

  6. sabi nga ng isang kasabihan, Why do hellos sometimes mean goodbyes?

    hi, bloghopping. dating tagawordpress pero nabalasubas ng isang host provider kaya balik blogger. anyways, i like your blog.

  7. minsan sa ating buhay sa paglisan ng isang tao doon natin naiisip kung gaano siya kahalaga sa ating buhay at gaano natin siya kamahal😉

  8. medyo mabigat ang paksang ito aling baby. lahat naman tayo dumarating sa ganitong punto db? nagkataon lang na iba iba tayo ng paraan ng pagtanggap nito.

    pero ang paghihiwalay ay isa lamang sa mga paraan para mas maging strong dahil matututo tayong maging independent.

    kung sa relationship din lang ang paghihiwalay nga eh nagcacause ng pagkaloka sa iba pero tulad ng sabi mo time heals.

    ako nanjan ako sa sitwasyon na yan i always say na this too shall pass… in the right time.

    nwei, sabi nga ng kanta, say goodnyt, not goodbye. shocks.

    sanayan lang yan. hehe

  9. “At dapat nating malaman na ang mga tao at bagay na nagHIWALAY, kadalasan…indi solusyon na pagbalikin o pag-isahing muli dahil mas makabubuti na rin ito para sa kanila at para sa lahat.”

    -naniniwala ako dito…

  10. hehehe… talagang mag ka age bracket lang tayo ateng… kinakanta ko palagi yan nun highschool days ko… toinks!!!

    “hiwalayan” hmmm mahirap sa damdamin to.. walang hiwalayan na masaya… tama ka ateng hindi yun nakakatuwa… pero ano nga ba naman magagawa natin kundi ang pagtanggap nalang sa katotohanan na wala talagang permanente dito sa mundo..

    haizzz… nalungkot bigla hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s