Dis-puh-lease..

 

 

Isa ka bang kaanib ng Dis-PLEASER o PLEASER?

 

what

Ikaw ba ang tipo na parang tinutusok ng ilang libong karayom kapag nakaramdam ng uneasiness ng ibang tao sa indi mo pagkibo pagpasok mo sa isang room kung saan nandun ang mga taong close at not so close friends mo?

huh

Agad ka bang magtitimpla ng juice para sa kanila kahit indi naman kailangan o di kaya ay magrerenta ng monobloc sa party toys and balloons kung wala silang maupuan or you’ll simply say hi and move along?

popularity

Sadyang may mga taong born Mayor at may pagka-masa ang dating sa tindi ng versatility nito sa katawan na once they enter the room, the crowd will almost greet in chorus pagkakita pa lang dito. Isa itong compliment at sa aking palagay, wala naman akong nakikitang masama kung sensitive tayo sa feelings ng iba lalong-lalo na kung tinatawag ng pangangailangan. Most likely, ang mga ganitong tao, they’re comfortable with their own skin at mas magaan ang sa pakiramdam na walang sinuman ang maiilang na halos magmadali itong tapusin ang ginagawa para lang makalayo ng malayong-malayo sa lugar kung nasan ka.

Kung pwede nga lang literal na timbangin kung magiging pleaser o displeaser ka sa isang sitwasyon, malamang wala nang may inferiority complex o mga epal na tao sa mundo kasi kayang-kaya mo nang balansehin ang pakikisama mo sa ibang tao with just owning a timbangan.😆

In this way, wala na ring mag-eeffort to develop their personalities. Bakit pa eh meron naman akong timbangan sa bahay, keri na yan.🙂

It’s a feel good thing kung isa kang pleaser kasi indi lahat ng tao, kayang maging ganito.

serve

Marami kasing mga pleaser na nagiging OA pag tumatagal. Para bang kulang na lang eh maglatag ito ng red carpet parang oscar’s para sa mga taong…ok lang naman kahit na indi ka mag-hire ng tagapaypay kasi muka namang ok lang sa kanya ang pagpawisan para naman mabawasan ang fats niya sa katawan.

self

Wala naman sigurong masama kung i-ismaylan mo yung tao na kahit na wala kang bagong timplang juice eh indi naman siya makakaramdam ng uneasiness kasi indi mo naman siya inaway o pinakelaman ang pribadong buhay niya.

Lahat naman tayo ay sariling high at low moments na sadyang indi natin maiiwasan pero indi naman ibig sabihin na pag indi ka kumibo o tipid na sagot at konting ismayl lang ang iginawad mo eh para bang nagkaron na kayo ng hidwaan ng walang kaabog-abog.

Hindi naman lahat ng taong indi masalita o tahimik ay nanghahamon ng dedmahan.

Yung iba dito, may iniisip lang siguro o kaya indi siya talagang  palakwento lalo na kung indi naman niya ka-close ang mga taong nasa paligid. Marami kasi ang namimisinterpret sa ganitong pagkakataon.

Siguro igalang na lang natin ang kung anu ang gusto nilang gawin. Eh sa gusto nilang nasa sulok palagi eh.😆 Lahat tayo ay may layang gawin kung anu ang nais natin, indi natin kailangang i-judge ang mga ito dahil lang sa paraan nila kung paano makisama sa ibang tao. Yang parte na yan ay off-limits na kasi buhay nila yan. Magpokus na lang tayo sa mga buhay natin kasi yun ang tama.

understand

Indi naman lahat ng tahimik ay malungkot ang buhay…wala tayong say dito dahil indi naman natin alam ang lahat ng mga nangyayari sa mga buhay nila. Malay natin, dito sila masaya o kaya mayroon silang circle of friends na dun may laya silang ipakita ang totoong sila. Kanya-kanya tayong diskarte pagdating sa mga  ganitong bagay at kung anuman sila sa atin at sa ibang tao, nasa sa kanila na yon.

Kung meron mang mga Dis-PLEASER na matatawag, malamang sila ang ilang porshento ng mga taong indi nakikitang big deal ang salitang “Ilang”. Indi mo kakikitaan ng extra effort para latagan ka ng red carpet pero kakausapin ka naman at indi ipaparamdam sa iyo na wala silang pakialam totally.

Walang big deal dito. Indi lahat ng tao pare-pareho.

Sabihin na lang natin na…dito kasi sila mas komportable at kuntento…wala nang palinawagan.

Contentment

Diba?

 

Aling Baby

 

 

14 thoughts on “Dis-puh-lease..

  1. isa sa natutunan ko sa pamumuhay dito sa Roma ay ang nakagawian nilang spontaneous greetings at with matching chika-chika…..naturalesa nila yata….na sa tuwing may makakasalubong …panay ang sabi ng ciao!….noong una naiilang talaga ako na lahat ay babatiin ko…pero noong kalaunan nasanay na rin…..siguro nga minsan kultura…o kaya yung environment mismo na iyong ginagalawan…pero sa lahat ng ito dapat matuto lang tayong makisayaw lalo na sa gitna ng ibang kultura…pero sa huli…ang mahalaga ay ang kumilos ng natural…without pretending to please or displease someone….

  2. hindi ko alam kung isang advantage na ako ay pleaser. pero hindi ako ung tao na ipaglalatag ka ng red carpet at hahanapan ka ng taga-paypay ha. hehe! siguro sabhin nating ang gusto ko ay maging kumportable ka lang sa paraang alam ko. sa tingin ko naman ay hindi pa rin ka-OAyan yung pagiging pleaser ko dahil isa rin akong dis-pleaser minsan.😛

    may housemate naman ako na wlang pakialam sa knyang paligid. she wouldn’t mind kung hindi mo siya pansinin at kausapin kaya pag kami ang nagtagpo sa kusina, isa akong awkward turtle samantalang sya ay kampante sa pandedema sa kin na kinasanayan ko na rin naman.

  3. iba2 naman kasi ang tao. kung ako ang tatanungin, may pagka introverted kasi ako. kaya malamang na hindi ako yung tipong lalatagan ka ng karpet pang welcome sa iyon. gayunpaman ang pinaka mahalaga naman sa lahat ay iyong sinseridad sa kausap. yung pagiging totoo sa kapwa.😀

  4. ahehe siguro kung isa kang kilala at super iginagalang na tao todo estima ang gagawin ko..ciempwe sa utos ni mama lang yun..pag di ako inutusan kahit sino ka pa di kita ipaglalatag ng carpet o kaya ee magpapatawag ng banda para salubungin ka lang..hehehe

    1. “Indi naman lahat ng tahimik ay malungkot ang buhay…”

      isang malaking – OO NGA!!

      kasi pano kung mga nakapalibot sa yo di mo kilala o close. syempre mararamdaman mong “alone” ka o kaya naman “out of place”

      Kapag nakilala mo ang isang tao tsaka mo pa lang sya pede husgahan, hindi sa isang encounter lang

      tama ako aling baby diba?? hehe

  5. ang ganda nang topic..!
    pleaser..?
    or…
    dis pleaser..?
    sino ako sa dalawa..?
    pareho lang minsa..!
    pero…
    madalas…
    wala akong paki alam kung…
    magustuhan ba ako nang ibang tao…
    or hindi..!
    yun lang..!🙂

  6. hindi ako pleaser. as in. hakhak!
    at madalas palagi akong nakasimangot pero hindi ibig sabihin nun eh malungkot na buhay ko. sadyang ganyan lang talaga ako.

    agree ako dun sa hindi lahat ng tahimik malungkot ang buhay. ay naku. tahimik ako (ows?) pero masaya naman buhay ko. minsan may downfall pero oks lang. part yan ng buhay.

    kapag may tao ngang kumakatok sa bahay, ewan pero nakakabwisit! hakhak! wala lang. hindi kasi ako mahiig mag-entertain ng bisita. bahala ka dyan!

  7. trulala, hindi lahat ng tao pare-pareho… may mga bagay na ok sa isa hindi naman ok sa nakakarami. Hindi lahat ng kayang mong iteyk ay mateteyk ng lahat ng tao…. minsan kasi may mga taong hinahanap ang ugali nila sa ibang tao, kaya nadidisappoint. haizzz….

  8. tumpak na tumpak… ako ayoko sa lahat pinapakialaman kung anu yung buhay ko..darn those people na nangingielam ng may buhay ng may buhay…walang pakialamanan na lang…

    Meron kasing ibang tao sadyang papansin sila at gusto nilang agaw eksena… meron namang tahimik lang talaga pero simple lang sila…parang gusto lang nilang makita yung ugali ng mga nasa paligid nila ng tahimik…

    Opinyon ko yun…

  9. Kilala ko kung sino yang tahimik na yan. Hehehe… ganitong ganito rin nangyayari sa opisina while we are on training last week lang. Lamo bang andami nang nagsilabasang issue sa opisina dahil lang pumasok ako ng hindi nagsasalita at kumain lang ako magi isa? Kesyo may topak daw ako… autistic, loner, walang pakisama, masama ugali.. sa loob ang kulo, sexually confused, etc. ( mga hunghang.) Daming alam ng mga mamarung to. Eh me singaw kaya ako ( isa sa loob ng upper lip, isa sa dila. parang talukap ng mata pero walang eyball yung laki each.) Sige sila kaya magsalita ng ganon. Mga tarantado.
    Lalo na tong katrabaho kong alok ng alok ng pagkain para sa lahat… kc yun yung way nya na mapansin sya. Lahat piniplease… tapos hindi lang ako sumabay kumain kasi may iniisip ako at pagod, bah…mula nun pinaparamdam nya sakin na iinaalok nya lahat tapos ako hindi. Ginawa pakong PG. SAyo na yang chicharon mo!

    Minsan gusto mo rin naman manahimik lang kasi pagod ka, o may iniisip ka, pwedeng nagcocontemplate ka or gusto mo lang magpahinga diba? Dami kasing KSP sa mundo aminin natin. Kala mo naman mamamatay pag hindi napansin. Gusto lagi sila updated sa buhay ng iba. Gusto laging makialam. Hindi mo rin naman matawag na concern kasi nilagyan na ng ibang kahulugan yung pananahimik mo. Nako, BIGTIME DISPLEASER nako ngayon. Mamatay sila kakaisip kung bkit ganito,ganun, kakadaldal, etc. So?- manigas. WA ako paks. They dont like me?
    then let THEM wonder why. Hindi ko problema na yun. Basta ako gusto ko lang manahimik kasi I need to have inner peace at walang masama dun.- Check?

  10. tama! dahi tahimik akong tao ngunit hindi ibig sabihin noon ay malingkot ako o naghahanap ng atensyon.. ganon lang talaga ugali ko.

    hindi ko hilig maging sentro ng atensyon pero nagiging sentro ko ng atensyon.. gusto ko pa rin ang pagiging isang low profile…wala lang gusto ko lang😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s