G.A.L.I.T.

 

anger

 

Sinubukan mo na bang bilangin kung ilang beses nang umiksi ang pisi mo sa isang bagay, sitwasyon, tao at pagkakataon sa buong buhay mo?

Malamang wala pang nakakagawa nito kasi ang henyo mo naman kung alam mo ang total nito.😀

Lahat naman tayo napupunta sa ilang pagkakataon kung saan, indi mo kayang awatin ang anumang kababalaghang lalabas sa bibig mo at sa kilos sa oras na umakyat ang dugo mo sa ulo at maramdamang parang nagbabaga ang buong katawan sa tindi ng galit. Meron pa nga, nanginginig pa sa sobrang pagpipigil na ilabas ang emosyon na ito.

Bakit kaya naimbento pa ang ganitong emosyon? Samantalang ito ang isa sa pinakamatinding rason para makagawa ang isang tao ng kasalanan Kay Kuya Josh, sa batas at sa kapwa. Indi ba pwedeng pag merong indi pagkakasunduan eh, imbes na galit ang maramdaman eh gutom o kaya uhaw? O kaya yung tipong mapapabili ka ng isang bucket na chicken sa KFC? (Okay na sakin yung Yellow Cab pizza hehe.) Diba, para wala na lang masasaktan at magkakasamaan ng loob? Para walang bigat sa dibdib na mga ganyan at lahat nagkakaintindihan in fact mas nag-eenjoy pa sa freebies sa tindi ng mga pangyayari.

Kung minsan kasi sa sobrang protective natin sa ating sarili at sa mga taong malapit sa atin, masaling lang ito ng konti ng ibang tao para tayong bulkan na walang pasabing sasabog. Magugulat ka na lang sa mga isyung biglang lumalabas out of nowhere…mapapa-“Oh, san galing yon?” ka na lang sa isip mo. Indi mo alam na meron na palang naka-imbak sa isip-imbakan nila na akala mo’y okay lang yon pala’y naitanim na pala ang mga ito at eto ngayon, inaani mo na.

Minsan, kaya mong pigilin ang sarili na sabayan ang extreme stir of emotions nung tao, kasi yan ang payo ng mga eksperto…”Wag sumabay sa galit para madaan pa ito sa maayos na pag-uusap.” Tama naman eh. Pero kung minsan, pag wala na sa lugar ang pagkaka-construct o paghahabi ng mga salitang lumalabas sa kanyang blessed lips…kaya mo pa bang pigilin ang sariling emosyon?

It takes an awful amount of patience to ever-ever-ever-ever survive that kind of situation. Maliban na lang siguro kung ikaw ang tipo na may mind over matter at kaya mong paliparin ang mesa sa tabi mo over that person using this talent. (Kidding aside) Gaya nga ng naikwento ko na sa ibang entry ko…

Ang away lalaki, sakitan na agad tapos ok na.

Ang away babae, kadalasang salitaan kasi takot din mabangasan. The least turns ok pagkatapos but most of them try to erase everything literally.

Maraming indi kagandahang dinudulot ang galit sa buhay ng isang tao. Siguro naman aware na tayo sa mga ito. Ang hirap din naman kasing indi magalit kahit minsan lalo na kung nadedehado. Kapag may mga taong insensitive at mashadong self-centered.

Sino ba naman ang indi gagawa ng lahat para sa sariling kapakanan lalo na kung para sa pamilya diba? Lahat tayo ay capable gumawa ng kahit ano para sa pamilya. Pero wag naman sana at the expense of others. Malamang yan indi naman tinuro ng mga magulang natin at ng simbahan.

Lahat tayo nagigipit at nangangailangan pero indi ito dahilan para magnakaw at mang-agrabyado ng pagiging mapagbigay ng iba kasi pinagsisikapan din nila ang anumang meron sila.

Gaya nga ng laging isyu sa pagiging mabait ng ilan at laging sumasang-ayon sa halos lahat ng pabor, sana naman kung minsan indi ito okay sa’yo…pwede namang umayaw kasi wala namang masama kung tatanggi. Indi ito kabawasan sa pagkatao.

Kapag ayaw, sabihin agad. Meron kasing tao na pumapayag muna saka iniisip kung anu ang pinasok tapos bigla nalang babaliktad ang mundo. Para yatang indi maganda yon, diba?

Tigilan na natin ang pag-iisip na kailangang maging worthy tayo sa tingin ng ibang tao. Kung minsan, tayo rin ang nag-iisip na nag-iisip sila ng mga bagay tungkol sa atin kahit na wala namang ganun.

Sa mundong ito, wala namang perpekto eh. Sabi nga nila, ang mga taong mabait matindi kung magalit. Walang premyong halo halo para sa mga taong nagbabait-baitan. Basta kung alam mong wala kang inaagrabyado. Patas kang lumaban. Wala kang nasasaktan o nasasagasaan. At kung sa tingin mo naman ang bagay na ginagawa mo at gustong gawin eh indi makakapekto sa takbo ng buhay ng iba…sige lang, tuloy mo lang yan.

Dahil ang taong laging galit ay nagiging hayblad pagtanda.😀

 

 

 

 

 

17 thoughts on “G.A.L.I.T.

  1. ito po sagot ko aling baby:
    ang galit ay bahagi ng emosyon ng tao., pero pag ang isang bagay ay sobra…masama sa sarili at sa iba.
    if you cannot eliminate it (impossible), pwede naman siguro tame it….
    ang self-control pwedeng pag-aralan!

  2. amen..!
    so true..!
    minsan..,
    may magandang dahilan kung bakit…
    ang tao…
    hindi maiwasang magalit..!
    lalo na kung…
    mahal sa buhay ang…
    ipinaglalaban..!
    pero…
    mas maganda paring…
    deadmahin ang nang gagalit..!
    para…
    mas lalo siyang magalit..!
    in the ned..,
    talo siya..!:)

  3. waaah. galit ba kamo?
    naku! ewan ko ba pero isa yan sa emosyon na hindi mawala wala sa sistema ko.
    kung tutuusin nga parang araw -araw eh galit ako!
    at oo hindi iyon mabuti!
    nakakainis!

    pero waaah! ayaw ko maging hayblad kaya sige! di na muna ako lagi magagalit… twice a week pwede ba?

  4. ang hirap magalit din..lahat apektado pati nakarinig na hindi naman kasali sa away..tapos maapektuhan yung nakarinig maipapasa naman nya sa kanyang kausap..hayyy walang katapusan..daming nadadamay🙂

  5. hmmm tama ka aling baby!

    Ako noon hindi madalas magalit.. dahil sabi nga mabait ako ..

    pero gaya nga ng sinabi mo pwede naman tumanggi.. ako kasi yun taong gustong mapagbigyan silang lahat.. pero nakaka ubos din pala yun ng pasensya…

    pero pag pamilya na nga ang pinag uusapan aling baby dyan ako nakakapagtanim ng sobrang galit….

    kaya ang ginagawa ko nalang ngayon sa ganyang emosyon… nag pa pray ako.. tapos hihinga ng malalim sabay bulong… ” Bosing kaw na bahala”😉

  6. ang galit..
    bow.

    suntukin ang pader sa halip na yung taong kinagagalitan ang saktan.. o kaya ikain na lang ng ice cream..
    😀

  7. Maari naman nating kontrolin ang ating galit sa pamamagitan ng pagpapasensya at pag-iintindi…

    I, kung may kagalit ako na mas bata sa akin ako na lang ang umiintindi kasi ako ang matanda…

    mahirap nga lang kontrolin sa simula ang galit pero pagnatutunan mo na..mapapahaba mo ang pisi ng pasensya mo…

    http://www.bluecoffeeshop.wordpress.com – my blog site…

    thnx!🙂

    God Bless!

  8. mahirap kontrolin ang galit pero kung may sapat kang wisdm makokontrol mo in a manner na may sense of thinking ka pa din kahit galit kana. yung iba kasi nagdidilim na ang pagiisip e. cool post ulit alingbaby! yey!

  9. pano naman mami bebs pag away lalaki sa babae? haha😛 ung mga oo lang ng oo sa halos lahat ng pabor ndi na siguro kabaitan yun, kung hindi un utu-uto eh mahina ang loob. oi namiss ko tong bahay mo :*

  10. aling baby ako po matagal bago magalit. talagang nacocontrol kong wag magalit. pero
    pag sobra na, sobra naman yung galit ko kapag nabubuhos… Mali ba yun?

  11. hmmm ako promise mabibilang sa kamay kung ilang beses na ko nagalit..bihira ako magalit ee..hanggang inis at pag kabadtrip lang ako..pag galit ako sa isang tao kinakalimutan ko na agad yung tao na yun..

  12. eto ata problema ko, minsan lang magalit pero pag na trigger parang bombang sumasabog.

    sang-ayon ako dito:

    “pwede namang umayaw kasi wala namang masama kung tatanggi. ”

    sa sobrang kabaitan, oo ng oo, tinamaan ako dito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s