Block and White

 

 

Egg Racism

Maputi ka ba?

Siguro, lahi kayo ng mestisahin. Laking Cebu. May magulang na may foreign blood. Namana sa mestisang kapatid ng nanay/tatay n’yo.

Inborn ba ang pagkakaputi mo o yan ay dahil sa siyensa?

Maitim ka ba?

Yung itim na ka-lebel ni na Whitney Tyson at Wilma Doesnt? Kulay Pilipina like Tetchie Agbayani? O fair complexion lang na indi maputi at indi rin kaitiman. (Parang ako hehe..)

Masaya ka ba sa kulay mo? Aayusin ko ang tanong ko….

Kuntento ka ba sa kulay mo?

Sa pagkakaalam ko kasi, basta Pilipino…ito ay kulay kayumanggi. Indi kataasan ang height. Indi matangos ang ilong (indi naman kailangang sarat..exagge na yun eh.) Ito ang common denominator ng mga Pinoy. Kung meron mang ibang kabayan na maputi, mga espanyol ang me gawa nyan nung sinakop nila ang Pinas ilang daang taon na rin ang nakakaraan.

Pero bakit nga ba sa panahon ngayon ay nagiging issue na sa atin ang KULAY? Ang kadalasang preference natin sa isang karelasyon ay ang kulay nito (shempre kasama na rin yung looks dun.). Kung hihimay-himayin natin ito:

50% Mestizo/Mestiza + Good looks

30% Richness – Estado sa buhay

10% Personality

10% Audience impact (kung boto ba ang friends mo sa kanya)

For a total of 100% ideal partner.

At dahil sa taas ng porshento na yan, yumayaman na rin ang mga manufacturing companies na gumagawa ng mga pampahid at sabong may lakip na pangako ng pagliwanag ng buhay.

Ang mga pangako na dalawa, tatlo linggo hanggang ilang buwan na garantisadong puputi ang iyong balat ay siya namang makakaengganyo sa mga taong nagnanais mapansin ng kanilang mga kras (naks!). Idagdag mo pa dyan ang mga komersyal at mga artistang endorser na siyang magpapatunay ng kaledad ng produkto. Eh haller naman, since birth mapuputi na sila, so ano pa ang dapat pang paputiin sa kanila?

Ang bagong henerasyon ay lumalaki sa mundong punumpuno pagkahalina sa mga materyal na bagay na kailangang magkaroon ka ng lahat ng bago in order to be happy, popular, “in” sa trend, envy of all, etc.

Buti pa noon na yung libreng laruan lang sa kiddie meal ang kinokolekta ng iba. Magkakasamang nagwewentuhan, pinupuno ng pictures ang photo album, naglalaro ng patintero-touch taya-hula hoop, nag-uusap sa landline phone, naglalakad sa park at binibisita ang mga hayop sa Manila Zoo.

Samantalang ngayon…

  • Ang kinokolekta na eh cellphone accessories-usb-ipod atbp.
  • Sa dami ng pinagkakabisihan, sa YM at Facebook mo na lang nakakausap ang mga kaibigan.
  • Ang pictures, kesehodang ilang libo yan dahil kayang-kayang i-accommodate yan ng Friendster, Flicker at Photobucket keber kung makita ng buong mundo ang mukha mo.
  • Wala nang nagtutumbang preso sa kalsada kasi computer games na ang inaatupag.
  • Mashadong hectic na sa dami ng activities kaya wala na ring time para dumalaw kay Kuya Josh. Haayys

Ang indi nila alam, pag mas marami kang gadget, mas lapitin ka sa holdap, nakaw at yung electricity bills ay tataas ng kasing taas ng Mt. Everest kaya yari ka sa nanay at tatay mo sa sermon at worst kung ikaw na ang pagbabayarin ng kuryente.

Mabalik tayo sa usapan…

Sa panahon ngayon big deal ang kulay ng balat sa maraming pagkakataon tulad na lang…

  • Kung picture addict ka, mas mainam kung maputi ka kasi lilitaw ang cuteness mo sa pic pati ang kulay at design ng suot mo lalo na pag group pic. Kasi sa totoo lang, yung mga tumitingin ng pics mas napapansin at kadalasang tatanungin pa ang pangalan nung maputing kasama mo kesa sa pagkaka-smile mo ng maganda sa pic.
  • Sa pagpili ng mga kulay ng damit. Kung morena ka, safe ang pagsusuot ng light at pastel colors. Ang kulay mo laging ang “in” sa tag-araw. Summer look, indi na kailangan magbabad mashado sa araw kundi matututong ka lang naman.
  • Sa Parties at gimikan, kung ang mga kasama mo ay partidang mapuputi…ang energy level, kailangang over the top lalo na kung ang goal mo naman ay mag-enjoy lang at indi maghanap ng prospects dahil indi ka makakahanap ng matinong karelasyon sa gimikan.
  • At dahil sa popularity ng mga social network sites these days, napakaimportante ang pag-improve ng iyong looks dahil sa dami ng gustung makiusyoso ng mga ito sa buhay mo dahil sa pagsilip nila every now and then sa site mo everytime na magpost ka ng pics. Make sure na piliin lang yung shots na maganda ka kesehoda ang mga kasama mo kasi site mo naman yun.😉

Sabi nga nila, kung pinanganak kang maputi, masuwerte ka at indi na kailangan pang gumastos at mag-effort ng bongga para pumuti. Pero meron pa rin sa iba bitter ocampo jan naman na sinasabi nila na, maputi lang pero indi rin naman kagandahan/kapogian. In short, walang contentment.

Beauty is just skin deep.

Indi ka naman habambuhay na maganda kasi sa pagtanda, kukulubot pa rin ang lahat ng balat sa katawan natin. Tatanda pa rin tayo kasi iyon talaga ang mangyayari sa ating lahat. Sa mga kabataan lang uso yung kailangang maputi at “in” sa lahat ng bagay dahil na rin sa indi kontroladong pagbabago sa mundo. Pero sana minsan maisip nila na indi lahat ng mga ito ay basehan para maging masaya. Minsan, kung anu pa yung makakapagpasaya sa atin, ito pa yung mga simpleng bagay na indi kailangang big time at can afford ka.

Lahat ng parte ng katawan natin ay kaya nang baguhin ng teknolohiya ngayon lalo na pag may pampagawa. Pero kung anu yung totoong “ikaw” sa loob nito ay indi kayang palitan o ma-improve ng siyensya o kahit anung gamut na meron sa botika.

Kaya bakit ka pa gagastos at mag-aaksaya ng panahon para magpahid ng kung anu-anung kemikal sa katawan mo. Kung ang isa sa pinakaimportante parte mo ay nawawala.

Ang breeding ay indi nabibili ng pera o natatakpan ng whitening soap at lotion.

Indi talaga promise.

 

 

23 thoughts on “Block and White

  1. waaah! nakakainis ang mga taong nagpapaputi lalo na tayong mga pinoy.
    nakakainis lang! kaya tuloy hidni tayo matanggap tanggap na asian ng mga karatig bansa natin kasi utak natin pang-europa! nagpapakakano! di naman carry! kaasar tuloy!

    hindi ako maitim. pero proud pinoy pa rin ako preber en eber! amen!

  2. Hey, nagustuhan ko itong artikulong ito.

    Isinama nga pala kita sa blogroll ko, hehe

    May tula akong parang ganito ang ipinapaksa “Sa Dalagang Suplada” nakapost sa blog ko, baka gusto mo silipin pag may time ka.

    eto blog ko samutsaringsalita.wordpress.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s