“Pamemelet”

 

pushy

 

Lahat tayo ay nakaranas nang peleten (pilitin) sa mga bagay na indi natin gustung gawin. Minsan, madaling humindi at may mga instances na makokorner ka na kaya indi ka na makatanggi.

annoy

 

Ang pamemelet ay kaibigang matalik ng pangangantyaw. Tandem yang dalawa palagi kaya kung indi ka gaanong sanay sa mga ganito, tiyak na mauuwi sa pag-aaway o pikunan ang mga ganitong gawain.

Sa amin, ako ang numero unong mahilig mamelet at mangantyaw. Kase…

Paghingi ng pabor

Magpalibre

Mag-utos

Mag-feeling cupid

O tamang kulit lang.

Pero sinisigurado ko namang indi mapipikon ang taong kinukulit ko at kung sakaling mapikon, binabawian ko naman, para sa akin kasi…“just for fun” lang ito. Sinisigurado kong walang dadanak na dugo sa pamemelet at pangungulit na ginagawa ko. Shempre, ako rin naman…indi ok sa kin yung sobra, kailangan medyo moderate lang kasi minsan pikunin nakukulitan din ako.

Kadalasan kasi, may mga taong sadyang indi ma-gets na kapag “In a relationship” holdinghands na ang isang tao…ibig sabihin nun, may ka-relasyon na siya (tinagalog ko lang😆 ) – takencommittedmeron nang nagma-may-ari (in tagalog).

Malinaw diba? Wala namang malabo dun.

Kahit na ihulma mo pa ang pamemelet na ito sa biro o tamang para sumaya lang ang lahat…

Minsan, nakakatulong pa rin ang pagbusina. honk

Kasi, indi lahat ng nakakatawa para sa’yo ay nakakatawa rin para sa’kin.

Feeling Joe d’ Mango ba?

Taong Kupido.

I have nothing against matching up people. Mag-play cupid. Kasi meron din akong mga naging kaibigan na NBSB (No Boylet Since Birth), pihikan mashado at yung iba napag-iwanan na.

Hahanapan ko ng Single din at walang commitment at sidelines. Kasi unfair naman kung aagaw ka pa. Manunulot. Ipipilit kasi mas boto sila dun sa tao.

Kailangan pa bang lagyan ng malaking I’M TAKEN sa noo ang isang tao para lang malinaw na indi na niya kailangan ng manliligaw?

basted Ang hirap kaya sa pakiramdam ang mag-turn down…kaya kung minsan, dinadaan ito sa biro para lang tigilan na o kaya kukwentuhan mo na ito tungkol sa lovelife mo.

Ang mga isyung pampuso at emosyon ng isang tao ay indi dapat pinagpi-piyestahan o ginagawang libangan para may mapagtawanan at mapaglibangan. Indi porket tahimik ang isang tao eh umaayon siya sa lahat ng sinasabi nyo. Kung minsan, pinahahalagahan lang niya ang kasiyahan n’yo (dun kayo masaya eh.) at alam niyang indi rin siya titigilan ng mga ito kahit anu pa ang sabihin.

sensitive

Dapat maging sensitibo rin tayo paminsan-minsan. Baka, naiinis na ito. Napipikon. Nagagalit. Pero indi lang sinasabi. Kung tayo man siguro ang lumugar sa kanila, mas maiintindihan natin ito at malalaman kung kelan dapat huminto…magtanong,

“Uy friend, baka napipikon ka na ah…biruan lang ‘to ah.”

“Indi, sige ok lang.” – – na ang ibig sabihin eh,

 

“Please lang, tigilan nyo na ko.”

Kaya para sa mga mahilig mamelet…hinay-hinay lang tayo. Lumugar ng konti. Para sa ikauunlad ng bayan.🙂

 

 

 

Aling Baby

26 thoughts on ““Pamemelet”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s