FRIENDSTER MADNESS

 

fs

 

Meron ba kayong Friendster Account?

Yung personal fs account ko, almost six years nang namamayagpag sa cyberspace. Nung panahong napakasimple lang ng layout nito at konti palang ang pictures na pwede mong i-upload dito. Pumupunta pa nga ako sa internet shop malapit sa skul namin para lang makapaglagay ng latest pics ng tropa na ini-scan pa ang mga ito kasi shempre mahal ang usb at bibihira pa ang camera phones (nyak, para talagang ang tanda ko na😆 ), at kung gustu mong makapag-update ng pics, gagastos ka ng todo.

Iilan palang ang laman ng friend’s list ko noon, yung iba dun sapilitang isinama ko pa sa internet shop para lang makagawa ng account at nang madagdagan naman ang listahan ko. Shempre, the more friends you have, feeling sikat ka. Super friendly ang dating mo nun lalo na pag napuno mo agad ang account mo at may isa ka pa. Artistahin ka na talaga.

Dahil nung college, wala naman kaming PC sa bahay…bihira lang ako makapag-update. Pag may mga project lang o kaya pag nadadayo ako sa bahay ng ate ko, kasi meron silang internet sa bahay.

Nahagilap ko ang mga klasmeyts ko mula nung elementary hanggang hayskul. Nakakatuwa na magkakitaan at magkamustahan kayo pagkatapos ng ilang taon. Nakakalibang na makita ang mga pagbabago.

Merong tumaba, pumayat, gumanda/pumogi, chumaka at iba pa.

Meron ding mga nagsipag-asawahan na yung kung sino pa ang sobrang tahimik sa klase; Merong nakapag-abroad, naging artista, model, nagpari at madre, teacher, engineer, piloto, hauswayf, Andres, single pa rin at yung mga nagbago na rin ng pananaw sa buhay.

Meron pa dyan, pagandahan ng Primary photos.

Ia-upload ang sandamukal na litratong pinagpilian ng sariling magagandang shots kesehodang mukang ewan ung ung isang kasama niya pic, basta siya maganda ang pagkakakuha.

Kapag merong out of town trips na pwedeng pang-friendster, ayuuunn…nag-uunahan sa camera at pag-uwi automatic na sa pag-upload naks.

Kahit anung okasyon, basta’t may pikcheran na naganap…siguradong kinabukasan, na-upload na yan lahat sa kani-kanilang account.

Napaka-useful ng Friendster para i-update ka sa mga latest happenings ng buhay ng may buhay. One click lang, mananawa ang inyong curious minds sa mga latest cheese.

Guilty ako sa mga bagay na ito. Pero naisip ko…

Kailangan bang lahat ng nangyayari sa buhay natin, ihahain natin sa lahat?

Anu ba ang makukuha natin sa paglalantad ng mga ito sa iba?

Uu nga’t isang ungos kung makikita nila ang ilang magagandang pagbabago sa pisikal, magandang karir, mga na-achieve. Mga bagay na sadyang abot-kamay na ibo-broadcast mo sa sangkalahatang friend’s list para sa konting ego boost.

Pero ni indi makatulong sa pamilya na nangangailangan.

Kung minsan, ito rin ang pinagsisimulan ng ilang indi pagkakaunawaan na imbes na pag-usapan…ipa-publicize pa ang pagbabangayan. Pati hiwalayan.

Parang showbiz.

Ang buhay na umiikot sa Friendster community ay talaga namang Showbiz na showbiz.

Lalo na ngayon, konting kibot mo lang…naka-publish agad. Pati mga comments na sana eh inyo-inyo na lang, lahat mababasa na. Wala ka nang pwedeng itago. Exposed na lahat.

Meron pa rin akong friendster account.

Dalawang klase ng account…

Merong pang-showbiz ng konti.

Meron ding indi mashado na pang-close friends ko lang.

Dahil indi naman ito parang Karinderya na bukas sa lahat ng gustung kumain/makichismis.  Shempre naman pabor pa rin ako sa pagiging pribado ng mga iilang bagay na may kinalaman sa buhay ko. Eniwei, wala namang showbiz sa buhay ko eh…meron lang pilit na nakiki-showbiz.


 

 


alingbaby

15 thoughts on “FRIENDSTER MADNESS

  1. may prendster ako. at saka yung prendster ko para lang sa mga kilala ko sa world wide web at sa offline world. gumawa ako ng account ko dun kasi para updated naman ako sa buhay ng mga klasmeyts ko noon. yun lang. hakhak!
    hindi ko hilig maglagay ng pictures ko. nakakatamad kasi eh. ang tagal mag-upload!
    hakhak!

    iisa lang account ko sa fs at noong hayskul pa ako noon. hakhak!

    kumikita din ako dyan sa fs. nagpapaayos yung mga klasmeyt ko sa akin ng fs nila. at ako bawat isa tao eh payb pesos hindi pa naman ako prof sa fs eh. hakhak! so ayun hanggang sa nagsawa ako sa fs at hindi ko na nauupdate. hakhak!

    mas maganda pa rin sa akin ang blogosperyo! hayyy

  2. ang prendster ko..ayun patay na yata. tagal ko na ring hindi nauupdate e. tsaka dami nang tao. parang padamihan ng friends at magagandang pics. mas gusto ko ngayon ang multiply kasi parang mas personal🙂

  3. thanks for your comment on my blog! tama better late than never.

    anyways.

    yup masaya pa rin sa friendster. favorite ko dun nung pwede na magcomment instead of testi at saka i love the layouts na pwedeng pwede mong palitan,..

    pero kasi marami na ring nagtransfer sa facebook e. kaya minsan ko na lang nauupdate, natry nyo na po ba yun

  4. ako din may friendster account pero medyo madalang ko nang bisitahin. dinadalaw ko lang yun to check on the group na binuo ko para sa HS batch ko. at nagbura na din ako ng sandamukal na pekchurs. feeling ko kasi mashado ko ng na-exploit ang sarili ko🙂

  5. ewan ko ba.. ang friendster parang mas inuuna pang buksan kaysa sa outlook hehehehe parang andun din ang headlines kaysa sa bulletin or gulf news..
    during my time (parang ang tanda na eh no!) ang friendster para maghanap ng mga long lost friends tpos see their pictures.. basta gnun! eh ngayon para mag pa intriga sa iba at intrigahin ang buhay ng may buheeey!! hay naku, makapag facebook n nga lng🙂 hehehe

  6. hmmm… ako may friendster din kaso hindi ko na masaydo nikakarir… nawalan na ako ng gana…

    at saka nagtataka lang ako sa mga nagaupload ng pics nila tapos ipaPRIVATE… kumusta naman sana hindi na lang sya nagupload (annoyed)

    hihi…

  7. hahhha… tama parang nakarelate ako dun ah… pero totoo showbiz na showbiz nga ang fs…

    kapag gusto mo lang ng balita tignan mo lang account nung tao madmi ka ng masasagap…

    at sa maniwala ka’t sa hindi Aling Baby sa friendster ko sinusubaybayan yung life ng crush ko… highschool ko pa siya crush gang ngayon at frenster lang ang umuugnay sa akin sa kanya… kaya alm ko if may bago siyang jowa, may bago siyang trip, o kung break na cla… basta…

    panalo talaga ang FS… hehhee

  8. katagal na din ng friendster ko hala e di ko na napapansin un
    wala na ding bago kasi mas nakakarir ko ang blog, niwey sa iba mas exciting pa din un e so…. sige na nga, di lang talaga siguro para sa lahat un.

  9. Sakin napaka-useful ng friendster kasi lahat ng contacts ko lang dun ay mga taong kilala ko talaga mula elementary, high school, college, at mga dating trabaho. It’s a very good way to communicate with people and to find those I haven’t heard about in a while. Siyempre minsan, napapasilip sa profile ng may profile at nakaka-spy ng mga latest happenings.Minsan makikita mo yung kras mo dati jowa na pala nung bestfriend mo nung grade four, pero carry lang.

    These days maraming tao ang nakalantad na ang buhay sa internet, with all these social networking sites, blogs, and microblogs. Meron pa ngang iba ang totoong buhay sa karakter na pinoportray nila sa internet. At kahit ako, kahit blogger, masasabi ko pa ring hindi lahat ng tungkol sa buhay ko I broadcast for the world to read, kung meron man.

  10. Kakatuwa naman ang mga nasabi mo tungkol sa friendster. May sarili rin akong friendster account, bihira ko naman na-uupdate kasi palaging busy.🙂

    Pero tama ka, hindi naman lahat ng nangyayari sa buhay mo ay kailangan mong ibahagi sa lahat. Pero maraming taong nasa friendster na iba ang paniniwala hehehe🙂

  11. hmmm..kakatuwa….mula sa simple ..hanggang sophisticated…oo nga naman….abot -pindot ng kamay na lang ngayon ang pakikipag-ugnayan….lalo na sa mga ka- batsmeyt…na matagal ng walang connection…..mabuhay ang friendster!

  12. hahah, ako kumukuha sa gugel ng mga piktyur…. hahah! pero dati yun…

    pero ngayon unti-unti nang namamatay akawnt ko… ewan ko ba… nanghihina ang cyberconnection..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s