Alak – ALAKan

 

Alam nyo ba kung ano ang alak-alakan o Popliteal Fossa?

popliteal-fossa

Ito ang tawag sa likod ng ating mga tuhod na bihirang-bihirang mabigyang pansin o kahit na mapasok sa usapan.

Yung ganyan ko, may birthmark na itsurang maliliit na tuldok na pag tiningnan ng biglaan, mukha itong isang tropang libag ayon sa kapatid kong malakas mang-asar.

Maliban sa mabisang tulong nito sa pagbend ng ating mga tuhod, indi ko na alam kung ano pa ang ibang gamit nito pero sana kahit na indi natin siya palaging nakikita, panatilihin nating malinis ang mga ito kasama na ng mga likod ng tenga at batok natin.😆

Para sa mga indi mashadong pamilyar sa “Alak-alakan”…malamang mas pamilyar sa inyo ang salitang “ALAK”.

beer beer-styles1

Ito ay isang uri ng likidong binuro ng matagal na panahon na siyang mabisang gamitin sa mga okasyon na kinakailangan ng ibayong saya at galak sa pamamagitan ng mga halakhakan, imboluntaryong pagsasayaw kahit na parehong kaliwa ang paa, pagwewentong sagana sa imahinasyon, pagsasabi ng paulit-ulit na mahal mo ang lahat ng kaibigang umattend ng party mo at kung anu-anu pang kababalaghan na pwedeng mangyari kapag may alak.

Basta may okasyon o selebrasyon, inding-indi pwedeng walang bumabahang alak. Mapa-berdey, pasko, bagong taon, pyestahan, annibersaryo, kasal, binyag, mga national holiday, pati kiddie parties kelangan may alak na handa dyan. Kung minsan nga kahit na indi naman legal na okasyon ginagawa na lang itong rason para lang sa inuman.

Sa panahon ngayon, isinasama na talaga sa overall budgeting ang alak dahil nga naman ito ang highlight ng kasiyahan. Ang kadalasang dialogue ng host sa mga bisita, “Sige, punta kayo…sinisigurado kong gagapang na kayo pauwi sa dami ng alak na handa ko (insert evil laugh).”

Dati-rati pag sinabi mong INUMAN, papasok agad sa isip mo…

GERMANY/

Mga lalaking may mga 2 o 3 anak, kasama ng iilang kasamahan sa trabaho na nagyayaang uminom to wind down.

inuman-at-sugalan

Pwede mo rin ma-pikcher ang mga sunog baga na halos araw-araw nakapwesto paikot sa isang lamesita sa gilid ng daan at umiinom ng bottomless alak at nakakapagpa-shot pa sa mga bagong dayo sa lugar nila.

O kaya, sa mga okasyong kasalan, binyagan at bertdeyan kung saan nagkikita ang mga magkukumpare na nakaupo sa presidential table na may maraming beer at pulutan.

inuman

Dati-rati, ang mga inuman ay nauugnay lang sa mga middle aged na lalaki.

Pero ngayon, ang inuman ay nauugnay na sa mga kabataan.

teens-drinking

  • Mapa-lalaki o babae
  • Kesehodang menor de edad
  • Hayskul at College
  • Manginginom man, nagpapasikat o pinipilit lang maging “in”.

Basta may alak, nandun ang lahat.

Dati, kami ng mga kababata ko kapag gustu naming uminom, sinisigurado naming gabi na ito para wala mashadong oldies ang makakita na bumibili kami ng alak sa Veron’s. Minsan, kulang na lang sumuot kami sa sulok ng bahay ng kaibigan, wag lang may makakita na yon ang ginagawa namin.

Kasi, obvious naman na indi ito inuming pambata at indi kami proud para i-display ito sa kalsada.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan…normal na nag-iinuman sa kalsada ke may okasyon o wala. Walang hiya nilang inilalatag ang alak at mala-tambuchong paninigarilyo na para bang may mga pantustos ang mga ito sa bisyo. Proud pa sila. Ikaw na lang ang mahihiya para sa kanila.

bar

Kahit sa bars at discos, outnumbered na nila ang mga twenty somethings na kadalasang laman ng mga lugar na ito. Kung ikaw na twenty somethings ang makakakita, pwede mo nang maramdaman na kailangan mo nang mag-retiro sa paggimik dahil pabata na ng pabata ang mga gumigimik ngayon.

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon.

I have nothing against alak, lasingan, o inuman. Ika nga eh, pampabuhay ito ng okasyon na madalas na lang na kainan at uwian. Pampaingay din ito at pampa-hyper ng mga bisitang bihira mo lang makitang nangungulit at nahihiyang i-express ang sarili nila. Sabi nga, kapag nakainom daw ang isang tao…80% ng mga sinasabi nito ay totoo and the other 20% is pure bluff hehe. Ilang beses ko na napatunayan yan.

Dumating din naman ako sa puntong ginagawa ko nang tubig yung alak at kada maisipan, mag-aaya ako. Minsan treat ko na, sa bahay pa namin. Indi ko rin ma-explain dati kung bakit gustu ko iyon gawin. Nakaka-enjoy din kasi yung kulitan, kwentuhan, tawanan at yun nga pagkatapos…lasing ka na.


 

Ang indi lang maganda sa mga ganitong aktibidad ay yung after effect ng alak sa katawan ng mga uminom nito.

  • Shempre pag may inuman, may sounds na partner yan. Sa una, chill lang eh. Okay pa, normal pa lahat. Pero pagdating ng kalagitnaan hanggang matapos sa lakas ng mga boses, indi mo na maririnig yung sounds.
  • Marami dyan, basta may mga anawnsment na inuman. Parang kidlat sa bilis yan. Shempre, inuman eh. Pero pag normal na selebrasyon lang, ni anino nito indi mo makikita.
  • Meron dyan, ang lakas uminom. Ginagawang tubig ang alak na kada shot, indi iniinda ang pait kahit na walang yelo o chaser. Cool na cool, dating last man/woman standing. Tapos pagkaraan ng ilan pang shot, bigla ka na lang makakarinig ng katawan na bumagsak sa loob ng cr. Yun na.
  • Yung iba na makulit na. Sumasapaw sa lahat ng nagwewento. Tapos kumukuha na ng lakas sa sinumang masandalan at pag kumapit na yan, yung buong bigat niya kaya niyang ipatong sa’yo. Gagawin kang parang timbangan-kama-upuan-poste.
  • Meron pa dyan, hinihintay lang na sumakto ang ininom saka maghahamon ng away sa mga bisitang maangas sa paningin niya. Dapat talaga may bouncer kang naka-ready para sa mga ganitong pangyayari.
  • Kung merong hanap-away. Meron din dyan KSP. Naglalasing para lang mapansin. Minsan may kasama pa yang kadramahan na mag-iiyak bigla, marami na pala siyang bigat sa dibdib eh kanina lang parang wala nang bukas sa kaka-party at sa lakas ng tawa niya, parang bluff lang naman ata. Gusto lang yata niya makakuha ng award hehe.
  • Okay lang naman uminom eh, basta alam mo ang iyong alcohol limit. Lalo na kung nasa ibang lugar. Mas maganda siguro kung pag lasing na, titigil na. Indi yung sasagarin ito tapos magpapa-asikaso pa sa iba. Indi naman ata fair yun. Dapat drink moderately lang kasi indi lang naman ikaw ang may K malasing at maghihilata sa sahig sa sobrang kalasingan. (char!) Nakakahiya naman sa kanila na pumunta para mag-enjoy lang at indi maging yaya.
  • Indi na masaya pag makalat na ang paligid at puros suka ang naaamoy mo at sa puntong ito, marami na rin ang biglang naglalahong parang bula para magkalat ng mga tyanak sa dilim.

Iba-iba ang ating rason kung bakit tayo nag-iinom. Para ma-relaks, to celebrate with a blast, pang-enjoy/past time, para matulungan to stress out some problems, yung iba sadyang alcoholic lang talaga, minsan gumagamit din ng alak para mapasaya ang depressed na kaibigan, pang-treat sa mga malakas mangantyaw na kaibigan, meron din para makatulong sa monthly period, pag nagkayayaan sa opisina, reunion, pag may bagong dating galing ibang bansa, bagong lipat, bagong kaibigan at kung anu-anu pa na pwedeng i-associate sa alak.

Sabi nila meron naman mabuting epekto sa ating katawan ang pag-inom.  May mga sadyang pilosopo lang talaga na mashadong dinidibdib ito at ginagawa namang linggo-linggo ang pag-inom. Alam naman po natin na “Ang lahat ng sobra ay masama.” Kaya dapat tayong maghinay-hinay sa ganitong gawain. Indi naman tayo bata poreber at sabi nga ng nanay ko, “Darating ang araw na sisingiling ka ng katawan mo sa lahat ng mga ginagawa mo.” Shempre dati, indi ko pa siya ma-gets. Pero ngayong eto na, malabo na ang mata ko. Naiintindihan ko na. Same with this bisyo. Mas mahal ang singil nito sa ating pagtanda.

Siguro nga para sa iba, boring ang okasyon na walang alak. Ewan ko pero para sa akin, sakto lang naman. Ok na ko dito malamang mas boring sa kabilang buhay kasi walang internet dun, indi ako makakapag-blog.😀

 

All excess is ill, but drunkenness is of the worst sort. It spoils health, dismounts the mind, and unmans men. It reveals secrets, is quarrelsome, lascivious, impudent, dangerous and bad.

The best cure for drunkenness is whilst sober, to observe a drunken person.


 

26 thoughts on “Alak – ALAKan

  1. hmmm. hindi ako umiinom ng alak. as in ayaw ko talaga. iniiwasan ko iyan eh. ampait kaya! hakahk!

    pero ako naman taga-ubos ng pulutan! hakhak! ako pa?

    nakakatwa yung reaksyon ng iba kapag nalasing! yun ang gusto ko makita!

    wapak!

  2. wehh..ouch!
    pero occasionaly lang nmn aq kung uminom at may lilmt xempre..nakakahiya tlagang magpaalaga..
    pero kung ang magaalaga nmn sau hbang lasing ka e ung taong pinakamamahal mo sa lahat, aus na aus ng magpakalasing! hekhek..(base on xperience po!) wahehehe..

  3. Kakaiba talaga alak…masarap,masaya na iwan…di bale walng kainin basta’s my tuma lang na nakahain ok na…Ubos biyaya bukas nakatunganga..

    nice blog pala…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s