GLOB-ULO MO?

 

 

42-17773774

 

 

Ang GLOB-ULO ang resulta ng sobrang pag-iisip ng mga bagay na may kinalaman sa buhay mo, sa maaaring mangyari sa’yo, sa sarili mo, sa mararamdaman mo, sa gusto mo, hangarin mo, all about you, laging you, onli you and nothing but you.

 

In short…ka-SHELLFISH-an.

selfish

 

Bakit kaya pag usapang pagiging makasarili, ang simbulo o icon na ginagamit para i-describe ito ay ang ating ULO? (What’s with it ba?😆 )

 

Lumalaki ang ulo; Laki ulo; Hydrocephalus; Lumulobong ulo – – –  Parang GLOB-ULO. Ga-Globo kalaki ang ulo hehehe.

 

42-15683329

 

GLOB-ULO – Tatak Pinoy.

Anu nga ba ang ugat ng pagkakaron ng GLOB-ULO?

Sabi nga nila “Change is constant.” Kaya pagdating sa usapang change, wag ka na makipagtalo kasi normal yon sa kahit sino. Pero indi ba may dalawang klase nito? Pagbabagong nakakabuti at pagbabagong nakakasama sa kalusugan. Nakakasama in the sense na mashadong OA na ito at literal na ina-apply ang mga pagbabago kahit na indi naman kailangan.

Parang ganito yan eh, kapag sanay ka nang makita ang routine ni Petra na pumapasok, kumakain, natutulog araw-araw. Nakakagulat talaga kung isang araw bigla mong mapapansin na lumalabas na rin siya para gumimik paminsan-minsan. Shempre matutuwa ka para sa kanya dahil nakakapag-relax na rin siya at nakakapag-enjoy na.

Pero kung si Petra na dati’y paminsan-minsan lang lumabas eh mapapansin mong nadadalas, nagiging party animal na rin at tipong nung isang beses na nagwentuhan kayo, para bang pakiramdam niya sa sarili niya eh ipinanganak siyang gimikera, hai klas, bigtime ang dating na walang bahid ng pagiging totoong sarili niya nung panahong wala siyang ibang ginagawa kundi magtrabaho at magmukmok sa bahay.    shocked Haller wa’ happened tu yu?

Anu nga ba ang tawag dito? Change pa rin nga diba? Kung aware tayo na lahat ng tao ay nagbabago, dapat din siguro nating malaman at paghandaan ang mga epekto ng mga bagay na ito. Shempre, indi naman pare-pareho ang takbo ng isip ng lahat lalo na sa kung paanong paraan iintindihin ang mga sitwasyon na katulad nito.

May aayon at indi, shempre naman. We can’t have it all diba? Sa botohan nga, kahit na bilhin mo ang boto ng mga tao…u-oo lang ang mga yan sa harap mo, pero pag aktwal ba boboto na – – – ilalagay pa rin nila kung sinu ang gustu nila.

 

choices2

Life is all about choices and it’s our choice how we live our life.

 

Marami na rin ang misunderstood out dahil sa pagbabago. Totoo naman kasi na sa bilis ng takbo ng panahon, sa dami ng mga nangyayari sa araw-araw, sa pagitan ng mga taong nakikilala at nakakasama, ang iilang hakbang-takbo paakyat sa corporate ladder na sinasabi, kapag unti-unti nang naisisingit sa listahan ang wants o kapricho, ang “blessings” na siksik-liglig-umaapaw – – –

 

admitAMININ NATIN…

It will go straight into our heads. balloon-headParang malakas na hangin na may manaka-nakang pagkulog at pagkidlat na nagiging bagyo ang arayb pagdating sa mga usapang healthy naman kaso nahahaluan ng mga pagbibida na kahit na walang koneksyon sa usapan ay pilit na isisingit, makapagbida lang. Kahit mukhang atribida naman hehe.

Pag ganito na ang scenario, what do we expect? Di misunderstood nga naman diba? Misconstrued. Ang siste, pag-uumpisahan ng sanga-sangang indi malamang usapin.

Ang pag-eere ay isang sakit sa kulturang Pinoy. Binabago nito ng buong-buo ang pagkatao into something you hardly know. Nakakagulat. Nakakahinayang. Isang prosesong punung-puno ng leksyon tungkol sa buhay. Kung bagyo man ang dating ng ere na ito, ang lahat ng masasalanta nito sana handa tayo na maiayos. Wala namang masama kung ma-overwhelm sa mga biyayang dumadating. Dapat pa nga nating ipagpasalamat ang mga ito sa Kanya.

 

be Be thankful. Wag nang OA.


 

It isn’t what you have in your pocket that makes you thankful, but what you have in your heart.

 

 

 

 

Have a nice weekend! lays

 

 

 

 

 

 

16 thoughts on “GLOB-ULO MO?

  1. —nakatutuwang ako ang una sa mga magkokomento sa bagong-bagong blog ni aling baby…

    nakakatuwang isipin na may taong kagaya din nyang nakakapuna sa mga bagay na nabangit nya…

    nakakatuwang sabihing may pagbabago na nga sa iilang tinamaan…

    —ang hindi nakakatuwa ay nakakararaming lalong sumasama, lalong sumsungit ang panahon at patuloy na napapaanod sa gahiganteng baha ng kayabangan, kasinglakas pa rin ng dagungung ng kulog at sing lupit pa rin ng nakakasindak na kidlat ang kanilang mga asta…haizzzz talaga…

    suportado kita aling baby…(special mention lang sa kabayang nakita ko sa megamall na umastang may ari ng UAE sa kapwa kabayang cashier noon, hoy kumag mahiya ka naman, wag ka pakalipad pag bumagsak ka, tatapakan pa kita)…

  2. Nung mabasa ko yung katagang glob-ulo ang naisip ko kagad, ay akong ako ito!

    Pero ang naisip ko kagad sa “glob-ulo” eh yung tipong isip ako ng isip tungkol sa mundo, pinoproblema ko ang problema ng ibang tao, gusto kong ayusin ang mundo sa anumang kaya kong maliliit na paraan.

    Pero hindi ko maitatanggi na may agka-glob-ulo as in self-centered din ako kung minsan. Sabi nga ng friends ko, malaki ang ulo ko, literal at hindi. Minsan ibig sabihin malaki daw ulo kasi, marunong, kadalasan medyo mayabang lang. (KOnti lang naman.)

  3. hi aling baby! napadaan lang after a very long time. nabasa ko yung article ng reader’s digest featuring pacquiao. natuwa ako sa sinabi niya na “what only keeps his feet on the ground is his faith with God”. sana nga ay totoo siya sa sinabi niya considering na nasa knya na yata lahat… fame, money, success. hindi maiiwasan ang glob-ulo kung hahayaan na maapektuhan. sana may training din on how to keep your feet planted on the ground.

    p.s.
    naglipat-bahay nga pala ako. eto na ang bagong domain ko, http://apieceofkeyk.wordpress.com/. sana this time maisama mo na ko sa blogroll mo🙂

    teker!

  4. aling baby.. tampo ako. dka na dumadaan sa blog ko. huhu.
    nga ala, ganda ng post mong ito.
    daapppat hnd tau mging selfish.
    no man is an island!
    tska sarap sapakin ng mga mahanging tao! haha
    at malalaki at gaglobo ang ulo.

  5. minsan nature ng tao yung pasukan ng hangin sa ulo pero hindi naman magandang lalabas iyun sa kilos at pananalita mo na sasabay kana sa malakas na hangin at tatangayin mo na lahat ng tao sa paligid mo. pangit naman iyun! ang contentment sa puso na lang dapat ang magdala sa ating mga pangarap at pakikitungo sa tao. naku paniguadong higit pa ang ating mararating at makukuhang kaibigan.

  6. aling baby, ikaw ba…..

    ???

    may inday ba dyan sa bahay mo na turning into party animal na? hahaha…

    change… it’s been in my vocabulary since highschool… haaay… napapadalas na nga eh…pero hindi na ako nagugulat… sila na lang yun…

    ^3^

    kailangan bang pagsabihan?

  7. aling baby maganda itong post mo na ito. bakit nga ba lumalaki ang ulo. minsan talaga di maiiwasan yan depende sa takbo ng panahon.

    pero tama ang sabi mo… choice pa rin ito… pwede naman nating piliing hindi mangyari ang paglaki ng ulo natin di ba? gayunpaman sa agos ng panahon may mga pagkakataong di pwedeng pigilan… hayaan na lang ba…

    nwei, its human nature, i guess.

    ay ewan, parang wala na naman atang pinatunguhan cnb ko.

  8. Ito ang gusto ko sa blog ni Aling Baby talagang pinag iisipan mabuti ang mga topic na ipopost nya.

    Everytime i visit your blog talagang I learned something. One of the few blogger we should admire… he.he.he tama na ang bola pero true yun ha,

  9. as always, may natutunan na naman ako kay Aling Baby. daig ko pa ang nagbasa ng Lakbay-Diwa (alam nyo ba yun? nakakahiya kung ako lang ang may alam!ü). Hitik sa mabuting lessons.
    alam mo, dapat magseminar sayo ang ibang mga pari na walang laman ang homily. turuan mo naman sila para marami naman ang matuto habang nagsisimba. hehehe…

  10. Another lesson? Sa tuwing pumupunta ako dito may GMRC talagang nagyayari. hehe.

    You are absolutely right sa lahat ng sinabi mo aling baby. Another meaning for GLOB-ULO is BOASTFUL. Nung pagkakita ko sa picture kala ko yun ang ibig sabihin pero may iba pa pala itong kahulugan. tsktsk.

  11. ako selfish minsan😦

    MINSAN lang naman eh :p

    hehehe..

    “It isn’t what you have in your pocket that makes you thankful, but what you have in your heart.”

    panalong linya to!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s