Ako ang iyong Konsensya

consh

 

Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo na tungkol sa decision-making, sa mga ikinikilos, pagsasalita at sa feelings?

 

Di nga? Close talaga kayo???

 

Kung gayon…indi ka tao. :lol:

 

Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan…

Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-kamukha mo pati ng suot mo na siyang lalabas sa kanang bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang mas magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa mga bagay na kakailanganin mo ng back up o sa madaling salita ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa.

Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa panahon na tayo ay nasa tamang pag-iisip para matimbang ang lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang sensitibong parte ng ating katawan na siyang tinatablan tuwing gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sang-ayon ng nakararami.

Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang kahalagahan nito sa ating buhay at ang epekto ng ganitong gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na parang tattoo sa ating isipan eh ewan ko na lang.

Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam nyo bang kinakailangan pang i-drill ang bungo bago ito mag-krak? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-mundong pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala talaga, dedma lang.

Kaya nga nauso ang White lies.

Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa background, parang designed frame sa piktyer para kahit na pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo, maganda pa ring tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling pero ganun na rin yon kung susumahin.

Parang ganto:

Ginabi ka ng uwi dahil nag-deyt kayo ng jowa mo. Ang siste, yari ka naman sa ermats at erpats mo sa dalas nitong mangyari. Shempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka ng gabi dahil kasama mo ang mga kaklase mo na pwede mo namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas gusto mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na maalala pa nila ang iba mo pang kasalanan kaya, ito ang mas magandang isasagot mo sa kanila:

 

“Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay ng klasmeyt namin. Madalian lang talaga po kasi bukas na kami pinagrereport, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami talaga ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng members para matapos agad buti nga ganun ung ginawa namin eh kundi mas gagabihin pa talaga kami.” 

Sa mga gantong eksena, nagiging magalang at mala-anghel ang dating mo. Shempre, pag maangas ka pa, ikaw rin ang talo.  Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito para lang makalusot sa sitwasyon.

 

Para rin itong Misleading advertisement.

Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – - – ang laki ng mga paskil ng  SALE at nakalagay sa mga metal bin ang mga damit na pinagsama-sama…shempre sale eh kaya hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi nakalagay naman sa signage eh 50 lang. Tapos pagdating mo sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi pala kasama sa sale at “nahalo” lang daw ito. Nakakahiya naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila at nakaabat lahat sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Shempre bibilhin mo kasi kakahiya naman kung indi.

Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang iilan sa produkto nila pero sinasadya din nilang ihalo ang mga indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang kamalay-malay na kostumer na eksayted sa sale chorva. Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers.

Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang siguro ito, malamang nakapayaman na ng taong ito. Ang mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang Alcohol at Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang epek.

Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa rin ito makakalusot sa kalabit ng Safeguard kahit na mas madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa maramdaman ang mga kuko nito.

 

Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong klase ang nakokonsensya sa pangongopya. (normal na pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa rin ang takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya napipilitang gumawa ng indi maganda.

Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain. Ang pag-amin nito ay madali sa harap ng mga kaibigan at kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng pangongopya. Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang kaharap ang dami na sigurong white lies ang nagparty sa ating bibig.

 

Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati ang bakuran nito, sagana sa walis. Araw-araw naglalaba. Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis. Good for her kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi pilit niyang isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin.

Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesho maaga daw siya nagigising at wala naman daw siyang nakikitang gumagawa nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap ng bahay namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng pinto para naiintindihan ko naman. Buti rin sana kung indi ko siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako ng alas tres ng madaling araw galing sa lakaran. :lol: Kahit na nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in the act ko naman kung sinu ang masipag na tagasiksik ng dumi sa harap ng bahay namin. :lol:

 

Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan tuwing break sa canteen o pantry, (sila ang tropang dapat mong iwasan.) Yung mga wentuhang kala mo tungkol sa ekonomiya at pulitika pero pag lumapit ka pa ng konti para pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao ang topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa usapan at tipong nakikinig lang sa kanila, nakakaguilty pag kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-alam na dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod siya habang nakikipagwentuhan pa siya ng masaya sa mga ito.

Shempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka na rin magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA ka na pero nagagawa mo pang mag-design ng white lies dyan. Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman siyang ginawang masama sa’yo whatsoever. Mga tama na indi naman kailangang baliin – - – binabaluktot lang.

 

 Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design tayo ng white lies sa mga sitwasyon na talagang ipit na. Wala eh, kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako mo na lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa mararamdaman ng mga tao sa paligid mo.

 

 

Every one of us is human, and none of us are robots with programmed responses. As such we go through each day using our complex brains to make thousands of decisions and take thousands of actions. As a result, the chances are that a number of these decisions and actions will result in errors and mistakes. They will not all turn out as planned and we will have to make corrections, and apologies.  We make mistakes to learn, and the main thing is to make sure that you correct the reason for the mistakes and learn to avoid it in the future.

ab

About these ads

21 thoughts on “Ako ang iyong Konsensya

  1. Happy New Year po…..

    ang problema sakin minsan when I make mistakes laging umeentra ang tinatawag kong si JUSTIFICATION, who always makes my actions seem reasonable and in the end convinces me that what I did was okay. ang kulit niyan si Mang Justification, he always finds reasons for everything.

    tsismisan sa office, lagi nalang akong nakakarinig niyan nang hindi ko naman talaga gustong marinig. siguro ang sa atin na lang let’s not be part of the cycle at wag nang i-spread pa ang chismis.

    happy new year ulit, at sana this year mas mapansin ko si Safeguard.

  2. hay kahit ako, dati nagsisinungaling ako.. ewan ko ba ngayon, sa totoo lang di ko na kasi kinayang mag sinungaling. Bilang na lang sa sampu kong daliri ang ang kasinungalingan ko sa loob ng isang linggo ^^ wahahah!!

  3. hahaha..

    kamusta po muna aling baby…ask muna ako kung kelan mag-oopen ang office ng etisalat..

    wala pako connection till now..kaya dpa maka start magblog sa bahay…

    ganda naman ng topic at shempre kapag si aling baby ang sumulat, eh very well said and explained…

    thanks may gift ka sa taong ito na ganyang talent…

    oh..di white lies yun…hehehe…

    aling baby tanong lang white lang ba ang kulay ng lies?

    ala eh boi—

  4. Yan ang gusto ko sa iyo aling baby. Nakakalikha ka ng isang magandang artikulo na naglalayong magkalat ng virus na pangsampal sa mga taong nagtangkang magbasa nito. Sampal ng kaototohanan dahil maari mong makita ang iyong sarili sa artikulo mo.

    May mga white lies at misleading advertisement palang nag eexist.!

  5. hay naku mine, speaking of konsensya.. kakabukas ko lng ng bagong safeguard as usual ang hirap pa rin bumula sa tubig dubai… hay naku..
    ay sorry!
    white lies are used and misused everywhere.. dahil kung wala nun, edi sana wala ng psych people tsaka judge.. hehehe

  6. wow
    very informative and witty!
    close kame ng konsyensya ko tulad mo hehe
    at least nagagabayan ako sa hirap ng sitwasyon natin dito sa dubai lalo na sa aming mga lalaki. =)

  7. my conscience and i ?? i can say we’re practically ok.. and may i note that this is a very long entry you’ve posted
    anyweiz BTw just droppin by blog hoppin :P

  8. available in what colors pa ba ang lies?ü

    seriously now, ang galing-galing ng mga posts mo, baby. di lang basta sinulat. may sense talaga at may humor pa. ang totoo nyan eh kung sa ibang blog ko makikita ang post na kasinghaba ng mga post mo, di ko pagtitiyagaang basahin. pero yung posts mo, malaman hanggang dulo, may kabuluhan.

    keep on blogging, baby!

  9. omg, hindi ako tao! :-)

    pero di nga, parang malalaking kasalanan lang naman ang magpapausig sa konsyensya diba?

    As time goes at sa pagdami ng puti sa aking buhok, marami akong natutunan, at ang pinakaimportante sa lahat ay ang paghahayag ng katotohanan, hanggang mapansin ko na walang tama at wala ring mali, dahil natatanggap ko naman ang mga outcome ng aking mga aksion, magtiis sa mga “maling” desisyon at magsaya sa mga “tama”. Sa ganitong paraan, nabubuhay ako ng mayrong “alwan”. Di ko po sinasabing tama ako, di ko rin sinasabing mali ako.

    Napadaan lang po, maganda ang nilalaman ng inyong blog, sanaý magpatuloy pa ang pagsusulat ng mga makabuluhang mga bagay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s