Naapakan ba kita? Sorry ah..

 

 

 

Ano ba ang mas masakit?

 

Literal na naapakan?

O…

Ang mga salitang totoo man o indi na pawang nagpagulung-gulong sa buo mong pagkatao?

Maraming ibig sabihin ang salitang apak. Indi ito simpleng alay-lakad o party ng mga tsinelas at sapatos. Isa ito sa ugat ng napakaraming isyu na mas madalas gawin kesa pag-usapan.

In all fairness, parehong masakit ang literal na matapakan at mapagtulungan ng mga salita at gawa lingid sa kaalaman mo…mas malala kung alam mo ito at pinababayaan mo lang.

Kadalasan, ang mga lalaki at mangilan-ngilang babae ang mas gusto ng apakan sa pisikalang paraan. Para wala nang mashadong salitaan at matapos na ang lahat in a matter of 30 minutes to 1 hour depende kung sinu unang mapagod. Anyway, pagkatapos naman nito, parang wala nang nangyari at balik na ulit sa dati, ang importante lang eh mailabas lang yung pangangati ng mga kamao at mabasag na ang mababasag dahil yun naman ang highlight ng usapan.

Para sa kababaihan, ang usapang apakan ay katulad ng ibang mortal sin na kailangang dumaan sa napakaraming proseso. Simula sa salitaan, parinigan, chismisan, kampihan, iringan, dedmahan, at sa iba—pisikalan. Pwedeng mauwi sa pag-aayos at kung minsan naman ay binabaon na sa limot.

Naapakan ka na ba? Maliban nung sinuot mo yung bago mong sapatos  na bago matapos ang araw ay indi mo mabilang kung ilan ang buminyag nito sa apak. Lahat talaga ng bago ay kailangang mabinyagan, yan ang culture sa atin. Basta ang isang bagay na kalalabas lang sa plastic  at wala pang marka ng gasgas — asahan mo, marami na ang bibinyag dyan.

Sa buhay natin, marami tayong makikilala. Ang iba sa mga ito magiging kalapit natin, kaibigan, ka-close kumbaga. Ang iba naman… iba ang trip, depende sa gusto at hilig nila. Dun tayo magpokus sa mga “Big Foot.”

Siguro naman may nakilala ka ng Big Foot sa iskul.

Sila yung mga pinanganak na may imprentahan ng pera at mga kutis mayaman at aware sila sa mga bagay na ito kaya bigay todo sila sa pang-aapak ng ibang mga kaklase na para sa kanila ay pwede nang ihilera sa mga yaya niya. Indi ko naman nilalahat. Shempre, meron pa rin namang mababait na tulad nila, pero aminin natin…konti lang talaga. Kung ikaw ang tipo na pang-drama, yuyuko ka na lang pag inaapi ka. (Wag tularan) Dapat ikaw yung tipo na mambabasag ng mukha pag tinangka ka niyang ihilera sa mga yaya niya when in fact, ang lebel mo eh pang-mayordoma.😆 Alam naman natin na pag usapang basagan lalo na ng mukha eh, tumitiklop na ang mga yan na parang makahiya.

 

May Big Foot din shempre sa neighborhood.

Ang Pamilya Zaragoza, kine-claim nilang mayaman sila pero dun din naman nakatira sa hood na tinitirahan nyo, diba dapat kung mayaman eh BF Homes, Ayala-Alabang-Forbes Park? Yung pag me bagong gamit eh kulang na lang mag-anawnsment sa buong barangay na parang Oplan Alis Disis, samantalang naka-jumper naman ang kuryente at kung susumahin ang yaman nila at ng pamilya n’yo…Mas mayaman lang naman sila ng isang libo sa inyo.😆 Ika nga sa Sprite commercial…“Magpakatotoo ka!” Sabi nga nila, pag indi pinansin…mapapagod din ito ng kusa at titigil na rin sa ginagawa. Mauubos rin yung isang libo nila at papantay na rin kayo ng yaman.

 

Sa trabaho naman, walang excitement pag walang Big Foot in da haus.

Sila yung mga matatagal na sa trabaho, sipsip sa management, ninong sa kasal yung may-ari kaya yung power nila sa kumpanya ay overwhelming na para bang malaki ang stocks niya sa kumpanya. Pag ikaw na bago ang siyang pinag-initan…indi ito titigil hangga’t indi ka nagde-decide na mag-resign, kulang na lang ipag-type ka pa niya ng resignation letter. Nakakainis sila diba? Yung kutuhan sa kalsada dinadala pa nila sa opisina. Kung mahina ang loob mo, aalis ka talaga. Minsan ang mga ito, kailangan nilang makompronta at magkaron ng taong indi magpapatinag sa kanila. Pag nagawa mo yun, titigilan ka na rin nila at hahanap na lang ang mga ito ng pwede nilang paglaruan.

 

Sa mga common acquaintances, shempre indi rin mawawala ang manaka-nakang pambi-Big Foot ng ilan.

Meron dyan, ang intro parang humble. Sa una-pangalawa-pangatlong meeting humble talaga…nakaka-elib. Ang galing, meron pa palang ganun pero yun pala pag tagal sa ibang paraan, Big Foot din pala. Dinadaan sa wentong pang hanging habagat, summer na summer ang paligid eh parang biglang gusto mong kunin yung jacket mo sa lamiiig ng usapan.

Dapat dyan, wag mo na lang pansinin tutal naman, wento lang. Shempre pag personalan na, ibang usapan na yan. Maghanap na lang siya ng pwede niyang apakan. 

Me ibang Big Foot na gusto nila, iba ang arrive nila. Yung tipong unang kita palang kailangang maka-intimidate na sila. Ifa-flash sa’yo yung mga gamit niya pero shempre pa-humble – pahinhin para mas nakakabilib talaga pero isang paraan pala ito para takpan yung totoong ugali nila. Mahilig silang magsalita ng indi magandang bagay sa iba in a nice way. (meron ba nun?) At pag may ginawa kang against sa kanila, kailangang pagsisihan mo ito kahit naman alam mong tama lang naman ang sinabi mo. Meron silang espesyal na paraan ng pangto-torture ng feelings hanggang sa magtanda ka.

Tara nga’t i-peel off natin yang maskara nila para malaman natin kung kulay ginto nga bang talaga ang mga bungo nila.😆 Ang mga ganitong tao, indi binibigyan ng importansya. Yan ang sikret. Pag alam nilang indi sila importante sa’yo, wala nang rason para magkita pa kayo diba?😉 Parehong masaya ang layf n’yo.

Meron ding mga Big Foot na mukhang paa na dahil underdog sila sa halos kalahati ng buhay nila, nung nagkaron ng pagkakataon…mas matindi pa sila sa karaniwang big foot natin d’yan. Lahat naman ata ng tao pag nabigyan ng power over someone or something, nao-overwhelm at umaabuso.  Nabubulag. Nakakalimot.

Ang mga germs na ito,  indi binebeybi…kini-kill lang.😆 Seriously, dinededma lang. Pag mas marami kasi ang bumebeybi sa pag-uugali, pakiramdam nila it looks good on them. Nasasanay. Humahaba ang sungay. Kaya dapat malaman din nila na indi magandang pinagpapareha ang striped shirt at printed pants kahit gaano pa ito kamahal.

Mahilig ako mam-Big Foot…ng mga Big Foot. Inaapakers ko sila para mabawas-bawasan naman. Dati yon. Ngayon, indi na mashado. Observer na lang ako. Nagmimiron na lang kasi napag-isip-isip ko na Time is Gold. Marami pa kong pwedeng gawin sayang lang ang oras ko sa kanila.

Kaya sa susunod na may maka-engkwentro kayong mga Big Foot along the way…wag na kayong makipagtagisan ng galing sa kanila kasi pag ginawa mo yun, talo ka pre. Makakabuti para sa lahat na wag na itong pansinin (pag kinakailangan lang hehe..) at ipagdasal na lang natin na sana magpatuloy pa rin ang blessings para sa lahat. Kasi kung mag-iisip pa tayo ng masama para sa kanila, madadagdagan lang ang kasalanan natin diba? 

Hangga’t nasa tama ka…dyan ka lang. k?

 

HAPI NU YIR SA LAHAT!!!

 Fireworks

 

 ab

19 thoughts on “Naapakan ba kita? Sorry ah..

  1. ilang beses na din naman ako natatapakan at sa totoo lang naiinis na ako dahil masyado na akong nagiging mabait. basta, sisimulan ko sa taong 2009, lubus- lubusin na nila ang maliligayang araw nila dahil di na ako papayag!! ^^

  2. namention mo na rin lang ang familia zaragosa.. (hehe naalala ko pa yang palabas na yan), nakikilala naman talaga ang tunay na mayaman kahit na tahimik lang ito- dahil ang tunay na mayaman, hindi binubulgar ang kung anong meron sila, at kung anong brand ng suot nila. suma tutal, ang mga bagong yaman napapaghalatang hindi sanay sa mararangyang bagay. hihi

    naranasan ko nang maapakan dati, paro nakaganti rin naman ako. ( ako ba naman ang papayag na hindi makaganti? ano sila, hilo?)

    ay nako. walang mapapala yung mga nangaapak in the long run dahil yung pinaggagagawa nila’y tiyak na babalik rin sa kanila ng bonggang bongga.

    happy new year aling babes!!

  3. HETO ANG MGA TAONG MADALAS MAAPAKAN:
    1. Mga “santo”- masyadong mababait kaya palaging inaabuso.
    2. Mga mayayabang- ang kanilang kayabangan sa bandang huli nagdadala sa kanila ng kamalasan- ibinabato lamang ulit sa kanila ang kanilang mga kayabangan.
    3. Mga sinungaling- heto ang mga kaawa-awa talaga. Dahil sa mga kasinungalingan sa katawan, nawawala ang tiwala sa kanya ng kanyang kapwa at sa bandang huli, ang kasinungalingang inihahayag niya ay nagdadala sa kanya ng kapahamakan.

    well, marami pa ang nasa isip ko pero yan na lang muna. baka ainip lang kayo. anyway, HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!! Feliz Ano Nuevo!!!

    ARRIBA LOS CHAVACANOS!!! MABUHAY ANG MGA CHAVACANONG KATULAD KO!!! HEHEHE!!!

    http://cardinalbitchspecials.wordpress.com

  4. ilang beses na din ako naapakan. pero iniisip ko na lang na dadating din ang time ko at makakabangon din ako. o di kaya naman ay karma na lang para sa kanila. basta ako kung saan ako masaya duon ako. tuloy lang ang buhay. ganun naman talaga ang ibang tao minsan hahanap yan ng butas para lang siraan ka. pero sa bandang huli sinu ang mas pagpapalain ng Maykapal? alam naman Nya kung sinu ang nasa tama at mali e. so hayaan natin na lang sya ang mag judge.

    pero

    naisip ko hindi din sa lahat ng panahon. hindi naman sinabi ng Diyos na magmukmuk ka at hayaan tinatapakan ka tas hindi ka lumalaban, aba e kung sinaktan ka na at wala ka naman talag ginagawang hindi maganda e di sapakin o sabunutan mo din! minsan kelangan din natin sila turuan ng leksyon. tama?

    basta kung anu pa man ay Goodluck na lang sa iyo at para sa mga adhikain mo sa dadating na 2009! im sure yayabong ka pa aling baby!

    hapi New year!

  5. Damang dama ko ang bawat salita na binibitiwan mu dito aling baby. Malalim ang iba na halos tutulo ang dugo ko sa ilong.

    May hula ako na nakakahugot ka nito mula sa trabaho mo. hmmm. Bata pa kac ako kaya kunti lang ang knowledge ko regarding sa ganyang sitwasyon!! Happy NEw Year !

  6. ganyan talaga.
    parang lang tayong gulong.
    tayo ang tae at sila ang gulong.
    kapag nadaanan ang tae ng gulong.
    siyempre masasaktan tayo.
    pero ang di natin alam may amoy tayong naiwan sa kanila na di nila matatanggal hanggat di sila naghuhugas.
    bangis. ganda ng example ko?
    Happy New Year!

  7. aba aba aba aling baby new year na new year nagmomoment ka…

    naway maging masaya at masagana ang taong 2009 sa iyo… sa pamilya mo, sa kaibigan mo, sa kamag anak mo, sa kaaway mo.. hehe!

    pagpalain ka nawa!

  8. tama ka… wag magpaapi sa mga ganyang tao..

    mag-aaksaya ka lang ng lakas, panahon at emosyon..

    mga wala lang magawa ang mga ganyan..

    at usually sa mga ganyan, hindi sila masaya

    sa buhay nila at may kulang sa pagkatao nila

    kaya namemerwisyo ng iba.

    happy new year pala!😀

  9. waaaah
    matangkad naman ako eh
    malamng na hindi ako maapakan
    hekhek
    at big footer ako
    hakhak!

    maiba tayo
    ang mga ganyang tao hindi dapat pinapansin

    parang mean girls ang drama nito ah

    may napanood ako dati eh
    ganito yaong script

    babae1: wait britney you drop something

    babae2: (yuyuko) what?

    babae1: your face!

    hakhak!

    wala lang!

  10. what the hell aling bebs…

    isa din akong bigfoot na nangaapak ng mas malaking bigfeet… haha…

    what the hell talaga…

    nakakabanas ang mga taong ganun…lalo na pag wala sa hulog…

    ako nama’y tao lang na kapag hindi mo pa ako napoupush sa aking limitations…keme lang…

    CooL lang kung baga…

    ^^,

    heypi nyu yir!

  11. galing tlga.. nasa ugat na tlga ni aling baby ang paglikha ng malulufeeeeet na blog🙂 kudos sayo aling baby at kutos sa mga big foot… hihihi isang masaganang new year ang suma iyo at pagpalain ka pa ni kuya jessie ng malusog na pangangatawan at dagdag na karunungan dahil maraming nag aabang ng mga entry mo🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s