P(f)ride

 

 fried

Sabi nila, basta anumang ulam na pinirito…it’s bad for the health. Bukod sa pampataas ito ng cholesterol na eventually ay mamumuo at magka-clog sa mga daluyan ng dugo na bumabyahe papuntang puso, isang malaking abala sa sirkulasyon ng dugo sa lahat ng parte ng ating katawan ang idudulot nito.

Keber diba? Masarap ang bawal.

Kesehodang kung anu pa ang gagawin nito sa sistema ng ating katawan ang importante, indi ka naging KJ at natikman mo na ang mga ito bago pa man mag-decide si Big Boss na bawiin na ang pinahiram niyang buhay.

As the saying goes, “Never take life seriously, no one gets out alive anyway.” – – – Ang galing ng palusot na ito, masunod lang ang kagustuhan, nakakaisip agad ng mga sayings hehe.

Kahit anong Fried ay pawang masama.

Kapag pinalitan mo naman ng P for Pride ay senyales naman ng isang negatibong pag-uugali.

 

Tanong lang, “Meron bang taong indi nagkamali kahit minsan sa buhay niya?”

Wala siguro noh? Kung meron man, yun yung nagfifiling mabait all their life at indi nakikita ang  white lies as flaws. Sila yung mga nagkamali at nagbago at napaniwala nila ang mga tao sa paligid nila na nagbago na nga talaga kahit na maraming nakakakita na binabalik-balikan pa rin nito ang mga dating gawain. Astig ka pre, pero indi kita idol hehe.

 

pride

Ang Pride ay ang paglutang ng lahat ng parte ng katawan sa ere, wag na wag lang kahit isang tuldok na maitapak ang paa sa lupa. Parang tore ng Babel na ayaw magpatinag sa kinalalagyan. Tinalo pa ang hari ng mga hari, reyna ng mga reyna o kahit pati na ang prinsesa ng banyera.

Wala namang tao na indi nagpairal ng pride kahit minsan sa buhay niya. Sa iba-ibang pagkakaton, mararamdaman mo na lang na sa isang sitwasyon, biglang ayaw magpatinag ng prinsipyo mo. Para itong sapilitang pagkapanalo sa lotto na lahat ng taya/eksplanasyon sa harap mo ay inding-indi matutumbasan ng pagkaperpekto ng sa’yo. In short, sarado na ang balota next time na lang kayo bumawi.

Shempre, marami sa atin na nadadala lang ng emosyon kaya napapairal ang pride. Mga ganitong litanya,

“Alam mo, indi naman talaga ako ma-pride na tao eh kaya lang pinipilit nila akong gawin ito. Akala ba nila gusto kong gawin ito?”

Naks, parang dialogue lang sa mga teleserye.

 

Meron naman yung iba na kahit indi naman kailangan, nakikipag-contest ng pride sa mga taong indi naman sila inaano.

 “Ay nako, bakit ko naman siya papansinin eh indi nga sila ok ni bestfriend ko. Pakelam ko sa kanya diba?”

Naks, mas bagay talaga kung mestisahin ang nagsasalita at indi jologs ang datingan. Well anyways, indi pa rin reasonable kung jologs, nagmamaganda o born maganda o born with a golden spoon para pairalin ang pride.

 

Alam n’yo bang meron ding iba na ginigisa ang pride to get even? Ang after effect nito sa tao eh, tattooed on your mind talaga.

Sila yung mga lumulunok ng pride sa harap ng maraming tao pero after a while parang superhero na bumabangon at lumalaban at to the point na yung nilunok niyang pride ang ipapalunok niya sa’yo but still manages to deceive people na nakakaawa talaga siya.

Still nakakaawa pa rin. Ito yung mga modern types of pride. Kaya dapat aware kayo sa mga ganyan. In the near future kasi baka may makasalamuha kayong ganyan kaya beware friends!

 

Para sa mga taong, pride ang bumubuhay sa kanila.

Ito yung ibubuka mo palang ang bibig mo para mag-ekspleyn, palayo na siya sa’yo. In short, concern siya sa’yo. Ayaw niyang mapagod ka pa sa pagsasalita kasi may nakahanda nang sagot para dito…Talk to the hand.

Tsk tsk tsk…very bad. Hopeless case na sila. Pwedeng indi na nila malaman na indi maganda ang ganitong gawain o kung marealize man nila, huli na ang lahat. Ipagdasal na lang po natin sila.

 

Para naman sa mga unang tingin pa lang eh ma-pride na ang dating, kawawa naman kayo. Meron kasi dito na indi naman kaila sa kanila ang ganitong pag-uugali, pero indi naman nila ito ginagawang habit.

Indi lang talaga sila pleaser o parang clown na kailangan well-entertained ang lahat. May boundaries ang relationship para sa kanila at indi para ihain totally sa mga tao ang lahat-lahat kasi in the end, you wouldn’t know who to trust. Maraming pwedeng mangyari at yung mga taong vocal sa pagsasabing, “I got your back.” Pwedeng sila mismo ang magbe-betray sayo, we’ll never know. 

Pero meron din naman na mukhang ma-pride lang. To keep the bad guys away hehe.

Ito yung mga ilang beses nang na-betray kaya salang-sala na ang mga taong pinagkakatiwalaan nila kesehodang negative ang impression ng tao sa kanya, kesa mamplastik siya. Pagiging totoo sa sarili na somehow may bad effect. Bad pa rin pero anuber wala namang perfect eh. 

Eksheli, marami pang klase ng pride sa mundo at kung iisa-isahin ko, matatagalan tayo bago matapos.

Ang pride kahit saang anggulo mo tingnan, masamang pag-uugali pa rin ito.

Mahirap harapin.

Mahirap alisin.

Kung anuman ang solusyon para mabawasan (kasi be realistic, indi na ito matatanggal.) eh it’s up to us. It’s how we deal with it. Makakatulong siguro kung didistansya ka sa mga tao at bagay na mas nagiging dahilan para makagawa ka ng indi maganda. Dadating din ang panahon na kahit indi maibalik sa dati ang lahat…at least lahat masaya na. Time heals all wounds diba? Pero ang peklat indi na naaalis unless me pam-BELO ka.😉

 

abcde

 

25 thoughts on “P(f)ride

  1. para ka palang si dr phil aling baby – ang galing mo mag-analyze ng ugali ng mga tao. gusto ko yung pagpoint out mo sa mga modern types of pride. hindi ko yun naisip. pero oo nga, may point ka.

  2. re-read ko lang kasi di ko to nabasa…

    hmm.. sa totoo lang minsan kasi di ka na aware na ang pinapairal mo na pala eh yung pride mo… minsan sasabihin mo nagpapakatotoo ka lang pero pride na pala yun…

    anong meron at parang galit ka sa taong ma-pride…

    cheers;p-glesy the great

  3. ma-pride, naiinis ako sa ganyaaan. xD lalo na kung ang pinaguusapan ay ang pride at ang taong mahal mo. anong pipiliin mo? kung wala ka sa pusisyong gnyan, madaling sagutin. pero.. wahhh.

    daan kasa bahay ko. xD
    welcome me back..

  4. aling bebs…ako? ma-pride…

    isa sa mga traits ng tao na nakakasakit ng hindi mo namamalayan…

    sa mga taong malalapit sa buhay mo…

    at higit sa lahat, sa sarili mo…na hindi mo namamalayang unti-unti mo na palang sinisira pagkatao mo…

    truth hurts, i know.

    sino ba ang ugat ng post na ito?

    haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s