Bumuboses lang ako.

PAALALA: Ang post na ito ay naglalaman ng mga kamias at sampalok extracts sa sobrang kaasiman kaya kung wala kang hilig magbasa ng mga wentong pang Charo Santos at Mel Tiangco, wag ka nang magbalak ituloy ang pagbabasa.😉

 sad

 

Tatlong buwan na mula nung huli tayong masayang nagkausap. Sa dami ng mga nangyari, ayoko na sanang ipaalam pa ang lahat ng ito para lang idagdag sa mga iisipin. Maliban dito, wala nang iba pa.

Indi ko alam na kung anu-ano na pala ang mga naiisip nyo na nagpalala ng sitwasyon.

Nagkausap tayo pagkaraan ng tatlong buwan. Magkahalong kaba at tuwa ang pakiramdam ko. Indi ko mawari kung dahil ba sa tagal na indi nakapag-usap o sa ilang buwang pagkukulang. Sinigurado ko muna kasi na meron akong maibigay bago ako nagbalak makipag-usap. Masakit man isipin pero sadyang totoo na isa ito sa mga rason ng mga pag-aalala.

Masaya ang bungad ko sa inyo. Iba talaga pag naririnig ko ang mga boses na iyon. Yung pakiramdam na marinig mo ang mga taong may malaking bahagi sa iyong pagkatao. Namiss ko ang mga boses na iyon. May halong galak at eksaytment ang tono ko.

Unti-unting nagbago nung narinig ko ang unang tanong…

Ikalawang tanong…

Ikatlo…ikaapat – – – parang ayaw ko nang marinig.

Kung gaano katatag itong puso ko sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, ganun na lang kadaling natunaw at nadurog sa bawat tanong at salita na narinig ko.

Bakit ba kailangan ko pang sagutin ang mga ito?

Wag nyo sanang isipin na wala akong nakahandang sagot sa mga ito.

Indi ko lang alam kung handa na kayong marinig ang mga sagot mula mismo sa bibig ko.

Ang sakit kasi.

Dahil ba sa ilang buwan na nagkulang ako kaya biglang nasasabi nyo ito sa akin?

O dahil may mga taong “napakaperpekto” kaya nakikita nila ang mga bagay na mali sa mata at sa isip ng mga tao?

Sa ilang buwan na iyon, katumbas na nun ang pagkatao ko?

Bakit nung sinasabi kong “Dito ako masaya”, parang indi nyo ito naririnig?

Indi ba pwedeng maging masaya naman kayo para sa akin? Kahit ngayon lang. Kahit plastic lang? Tutal, indi ko naman makikita kung anu ang totoong reaksyon nyo.

Wala naman akong hinangad kundi mapabuti ang lahat. Indi rin ibig sabihin nito na kinakalimutan ko na ang obligasyon ko kung iyon lang talaga ang dahilan ng ipinagkakaganito ninyo.

Indi rin naman madali ang buhay na sinugal ko dito at kung uuwi ako gaya ng paulit-ulit na sinasabi nyo, anu ba ang engrandeng pagbabago ang sasalubong sakin pagdating ko dyan?

Indi ako magiging masaya sa desisyon na iyon.

Mahirap maintindihan.

Mahirap tanggapin.

Umaasa pa rin ako kahit alam kong indi pwedeng mangyari yun.

Alam ko sa buhay nyong lahat, naramdaman nyo na rin yung makuha kung anu ang hiling ng mga puso at isip nyo. Kahit mali sa paningin ng ibang tao. Nagiging mali lang naman ang mga desisyon kung indi ito kayang panindigan.

Indi ako nagmamalaki. Wala akong gustong patunayan. Noon pa, alam nyo na indi ko ito ipinipilit sa inyo.

Gusto ko lang maging masaya.

Kung susundin ko ang prinsipyo ninyo, magiging masaya na kayo.

Naisip nyo ba kung magiging masaya rin ako sa gusto nyo?

Kailan ba naging mahalaga ang boses ko? Kung anu yung nasa isip ko. Kung anu ang sinisigaw ng puso ko?

Kayo ang buhay ko.

At kahit na ano pang masasakit na bagay ang naririnig ko, kahit kailan indi ko kayo ginustung ihiwalay sa buhay ko. Indi ko yun kayang gawin sa inyo. Alam kong yun ang iniisip nyo.

Mahal ko kayo. Lahat ng bagay na pinahahalagahan ninyo, mahalaga rin para sa akin. Naiintindihan ko ang gustu nyo para sa akin.

Pero…buhay ko rin ang pilit ninyong ihinihiwalay sa akin.

Bata pa nga ako sa paningin ninyo. Siguro nga, bata pa rin para sa inyo hanggang mag-singwenta ako. Pero ang mga desisyon na hinaharap ko rito, indi kaya ng isang bata na harapin – – – pero nakaya ko.

Kinakaya ko kasi yun ang natutunan ko sa buhay. Natutunan ko sa inyo.

Kailangan kong paghirapan ang mga bagay na gugustuhin ko kasi indi ganun kadaling makuha ang mga ito. Masiguradong walang sinuman ang maagrabyado. Maging mabuting tao sa kapwa. Responsable sa mga bagay na ginagawa. Tumanggap ng pagkakamali. Humingi ng tawad. Magpatawad at maging thankful sa lahat ng biyaya.

Humihingi ako ng tawad sa inyo, kung nasaktan ko man kayo sa naging desisyon ko. Kung indi man nasunod ang nais nyo para sa akin. Alam ni Kuya Jesus kung gaano ko kayo lahat kamahal. Sana pagdating ng panahon, maintindihan nyo rin kung bakit ito ang pinili ko. Indi ko kayo gustung saktan.

May natitira pa bang lab dyan sa puso nyo para sa akin? Kasi ako kahit kailan, sa pagitan ng mga pagkukulang at pagwawalang-bahala…indi nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Dala-dala ko ito kahit saan ako makarating. Siguro, kahit sa kabilang buhay pa.

Meri Krismas po sa inyo.

 

20 thoughts on “Bumuboses lang ako.

  1. ..:( kaka iyak naman po aling baby.. dont worry, di rin po magtatagal alam ko maiintindihan ka rin nila..

    .. inadd ko po pala kayo sa blog roll ko.. sensya di muna ko nagpaalam…hehe.. ayan nag paalam na poh ko..

  2. mahirap lang sa umpisa pero dadating din ang araw na matatanggap nila anuman ang desisyon mo aling baby…ang lalim ng hinugutan mo nyan ano? sana matapos na lahat yan ng madali at walang masakatan…

  3. you cannot please everybody ika nga. Pero tulad ng sinabi ni Ron matatanggap din naman nila anuman ang desisyon mo, it’s your life and if you want to be happy, sana maintindihan nila iyon. ^^

  4. whoa… grabe… sa blog na to parang sobrang sakit ang nararamdaman ng taong gumawa nito.. sana mabasa to ng mga taong concerned..mga taong nananakit sayo..in short, mga taong sinasabi mong mahal na mahal mo..

  5. aling baby.. (hugs..)
    parang mas lalo ata akong naging emo sa post mo na ito. kung anu pa man ay sana malampasan mo.
    di ko na hihinilingin p ana matanggap nila ang mga desisyon mo sa buhay kasi sigurado in time ay maiintindihan din nila iyun. ang hinihiling ko na lang ay sana mas maging malakas kapa para mag move forward…

  6. ganyan po talaga ang life… hindi naman pwedeng kasundo mo lahat ng pipol… pero mas masaya din pag kasundo mo lahat… pero di din naman normal pag kasundo mo lahat… ay ewan…

    basta ang alam ko just do what is right… you dont have to please everybody but learn to please God.

    you can be happy naman po eh.. with your own means. deadma na sa mga pipol around! hehehe!

  7. mahirap talaga sa buhay ang papiliin ka minsan sa iyong mga mahal na kinagisnan at ang mahal mo na kinumpara mo sa buhay mo pero alam ko darating ang araw lahat ng bagay ay may kalinawan kaya kapit ka lang.. merry christmas sa iyo!

  8. isa ba ito sa mga crossroad sa buhay mo? kasi i feel for you. ayoko na ring sumagot sa mga tanong ng mga taong mahal ko. kahit naman kasi i-esplika ko sa knila, ako pa rin ang lalabas na masama. so keber na lang db? buhay ko naman ito. kung nagkamali ako, ako lang ang tanging responsable doon. kung pwede lang silang maging masaya na lang para sa tin eh di ebribadi hapi😀

    kaya mo yan… keep fighting!😉

  9. *eloiski hugs aling baby*
    sana dumating din panahon na yun na maintindihan ka nila.
    kasi sa totoo lang minsan mahirap magpatuloy sa tingin ko kung halos lahat eh kumokontra sa’yo!
    ayaw ko nun!
    meri krismas aling baby!

  10. group na yata ito, baby!ü

    seriously now.
    ito lang ang tandaan mo,
    ang gusto ng Diyos, maging masaya ka.
    kung wala kang inaapi o pinagdamutan na tao,
    kung wala kang dinadaya o pinagkakaitan,
    kung wala kang sinisirang relasyon,
    kung hindi mo pinababayaan ang sarili mo,
    kung nung nagmahal ka, wala kang ipinagkait,
    kung mas naging mabuti kang tao sa bandang huli,
    kung may napasaya kang isa pang tao sa mundo,
    kung masasabi mo sa sarili mo, “Ito si Baby eh”
    sinasabi ko sa iyo, di ka man nila maintindihan,
    sigurado ako, proud si Papa Jesus sayo.

    God bless!

  11. in a way naiintindihan kita… naniniwala ako na balang araw, maiintindihan din ng mga mahal mo sa buhay ang desisyon mo. hindi ka rin naman nila kayang tiisin, have faith and everything will follow. Merry Christmas Aling Baby! *hugz*

  12. lahat ng tao ay may karapatang maging masaya sa kahit na anong landas ang piliin nila sa buhay.. at masaya ako kung saan ka man magiging masaya.. hugss aling baby..🙂

  13. we feel the same way… just the same way… i understand what really inside that heart, ang alam ko masaya ako, pero may nasasaktan lahat ginagawa ko dahil yun ang alam kong tama.. pero bakit di tau tumigil sandali… baka may nakakalimutan tau gawin.. ang kuya mo ay kuya ko rin xa lang ang nakakaalam ng lahat binigyan nya tau ng sariling buhay at pag-iisip na alam nya na tau rin ang makakasagot ng problema, anjan lang naman xa nakatingin at nakikinig, inaantay ang desisyon mo kung san ka dapat masaya at mabuti, maaring hindi nya gusto ang ginagawa mo pero nirerespeto nya dahil yun ang gusto mo, masaya ka yun ang nakikita nya at nararamdaman mo, mahirap nga maintindihan ng lahat, pero.. hindi sila at kung sino ang dapat.. ang importante naman ay malinis at mabuti ang hangarin at masaya..ang mga magulang ay gabay lamang sa atin pinahiram sila sa atin para gabayan tayo at iparamdam ang kahalagahan ng buhay, iisa lamang sila na kinikilala nating tagapagligtas, pero na sa atin pa rin ang pagpapasya hindi nila hawak ang kalooban natin, ngunit tagapag paalala lamang silla, baka kc.. nakakalimut na tayo.. i hope it will help this to you… gudluck and god bless!

  14. Low Aling Baby.!

    Naks naman. Ngayon ko lang nakita ang EMOtional side mo. Sadya ngang napakalawak ng mundo. Medyo na fifil ko ang mga hinaing mo pero masasabi ko na mas ma-iitindihan ko ito sa pagtanda ko. Wala akong masasabi sa sulat ni charo dahil maging ako ay naguguluhan sa desisyon na pipiliin ko pag dumating ako sa puntong may ganyang sitwasyon.

    Isa lang ang alam ko. Lumaban lang ng laban.

    Cheer up dahil christmas season ngayon. Advance Merry Christmas Aling Baby

  15. aling baby, nalungkot ako nung nabasa ‘ko. sabi nila, you can’t please everybody. pero masakit kasi kung ang hindi natin napiplease e ‘yung mga taong mahalaga sa atin. minsan kasi sa kagustuhan nilang mapabuti tayo, hindi na nila naiisip yung magpapasaya sa atin. sana dumating yung araw na magkaintinidihan din kayo para maging perfectly happy ka na sa ginawa mong desisyon🙂

Sarado na ang mga puna.