Musta bakasyon?

 

Kung meron man akong pinakagustung gawin pag may holiday eh eto yung pakiramdam na walang ginagawa. Yung alam mo na bakante ang buong araw mo at pwede kang magpa-appointment somewhere out there, pwedeng tamarin, pwede ka sa biglaang lakaran at mag-tamad day.

Sa halos limang araw na bakasyon na dumaan, indi ako shur kung nabigyan ko ba ng hustisya ang ilang araw na yon na halos isang taon ko ring hinintay. Kunsabagay, sakto lang din talaga kasi kalilipat lang namin at sa dami ng mga unforgettable at forgettable moments…We deserve this break. Kaso lang, naritong nagkarpintero, kargador at nagpaka-atchay naman ako ng  ilang araw. Isa pa, excited din kasi sa bagong room. Maliit pero punumpuno ng peace of mind.😉

Naisip ko lang, indi ko talaga ma-take eh…parang nasayang ko yung bakasyon na dumaan.

Pag alam kong walang pasok, naka-otomatik na ang body clock ko na magpuyat. Tila ba napakahaba ng gabi. Lahat ng pwedeng gawin, magagawa ko na parang may pasok na kinabukasan sa dami ng activities. Mas masaya sana kung meron pang internet na kasama kaso mo, wala kaya ang dami ko tuloy na-miss sa blogosphere.

Naritong maglagalag at mamasyal na rin sana sa mga tourist spots dito sa Dubai para may maidagdag sa pics collection, kaso naman indi kagandahan ang mga schedule ng mga kasama ko. Pag kinalkula mo, dalawa lang kami ni Peebee makakaalis — ang saya diba?

Kung nahilig lang sana kaming gumimik at mag-inom all night long,  kaya nga lang indi rin. Mas gustu pa naming manood ng random movies kesa maramdamang sober at tipsy kaya ayun, movie marathon na lang kami.

Tinamad din kaming mag-mall tour dahil sa dadalawang piraso lang kami, wawa naman ang maiiwan sa bahay.

Oks lang, kahit indi natuloy yung mga out-of-bahay lakads na pinagpaplanuhan nang gawin couple of months earlier…sa dami ng pwedeng gawin sa bahay, sulit na sulit pa rin ang 5 days vacation na naganap. Sinu bang maiinip sa……..

  • Magwentuhan habang nagsa-soundtrip.
  • Maglaba habang nagkukulay ng buhok.
  • Magluto ng ulam na ilang buwan mo nang kine-crave kainin.
  • Makipaghabulan sa mga pusa (Mariah, Rihanna at Dishwalla) sa loob ng bahay para lang indi sila umakyat sa mga kama habang hinihintay maluto ang ulam.
  • Makakita ng ga-palad kalaking butiki ng alas kuatro ng madaling araw na singtapang ni Andres Bonifacio dahil nanunugod ito at walang takot na lumalapit samin habang namamaos na kami kakasigaw kada hakbang niya.
  • Makipag-bonding sa aming next door neighbor, nagkaron pa kami ng mini picnic chorva sa dining area nila.
  • Hulihin si Stuart Little (daga) sa maliit na sulok na tinataguan niya malapit sa kusina namin na siya namang ginawang laruan ng tatlong pusang alaga namin. Sa takot ni Stuart, nagpe-play dead talaga siya hanggang sa tuluyan na siyang kinuha ng Diyos ng mga daga.
  • Alalahanin ang mga kolektor ng bahay, tubig, kuryente, mayordomo, mukhang alahador  na nagpapaupa sa kabilang bahay, utang sa tao-hayop-bagay-lugar-at-pangyayari habang kumakain ng bubog at umiinom ng coffee with fire. Sinu ba namang indi mag-eenjoy sa gantong bakasyon diba?
  • Magkulitan, magwentuhan, mag-asaran, magchismisan, mag-laughing trip.
  • Masaya sana kung nandun si Master of Salvation Dance — si Kirky, kaso mo, nagbabakasyon din siya sa Iran. (Taray!)

Kung susumahin ang ilang araw na yun, indi naman nakakahinayang na lumampas lang ang mga ito na indi man lang kami nakapasyal o nakagala, ayus lang naman talaga.

Kadalasan kasi yung mga bagay na nakakapagpasaya sa atin, ito yung indi kinukwentang parang pautang — priceless kumbaga.

Isa pa, marami pa namang araw para mapuntahan ang mga ito mas masaya kung kumpleto kami para mas memorable ang datingan.

Marami pa namang okasyon ang darating ngayong buwan na ito at paniguradong makakaisip pa rin kami ng mga pwedeng gawin sa mga araw na darating.

Excited na ko sa Pasko at Bagong Taon.🙂

Ang wish ko lang para sa lahat, maging masaya, peaceful at matiwasay ang Pasko at Bagong Taon na darating sa piling ng mga mahal natin sa buhay. Kahit parang walang Pasko sa bansang ito, nasa puso pa rin ito ng bawat Kristiyanong nandito. Nakakamiss talaga ang mga gantong okasyon sa Pinas. There’s no place like home.

Ok, tama na ang drama-dramahan dito.

Ika nga eh, “Kahit na anong mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!”

Mauuna na kong bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!🙂

 

abcde

16 thoughts on “Musta bakasyon?

  1. Aling BAby!!! Takot ka sa tebukits? haha… natawa talaga ako don ah!

    dinaig mo pa yung ate kong takot sa ipis…

    at buti naman hindi mo nalagay yung pangkulay mo sa nilalaba mo… o napatakan man lang… ;P

    sayang… hindi natuloy yung mga plano niyo…

    madami na pa namang [sigurong] next time?…

    merry xmas and happy new yr din sayo!

  2. ay naku nkktwa tlga ung butiki na nanonood ng L – ****! hehehe tlgang masasabi mong winter na sa dubai kse nde tlga sya naalis sa ilalim ng laptop.. sobrang ginaw na ginaw sya !!! nde masaya ung bakasyon.. kse ako napasok.. (bitternez hehehe)

  3. parang godzilla naman yung description mo sa butiki, baby!ü parang naimagine kita na nasa ibabaw ng kama, tumitili.

    i love this post, baby. may puso, may moral lesson. parang episode ng bioman lang.ü

    God bless!

  4. Aling baby!!!!!!

    Unang una nais kong humingi ng patawad dahil sa tagal na hindi ako nakadalaw sa blog mo. Alam kong medyo hindi mo na natatandaan ang pangalan or blog ko pero willing akong magpakilala sa iyo ulit.

    Siya nga pala..malapit na akong magbalik ulit sa blog at gusto kong baguhin muna ang layout ko b4 ako mag post. Andami kong gusto ikwento. Ill send you my invitation E-card . hehe sana dumalo ka.!! thanks

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s