Spoiled ka ba?

 

Bata pa ko, may senyales na ko ng pagiging independent. Nasa labor room nun ang nanay ko at buong araw ko na siyang pinapahirapan dahil nga sa indi pako reding lumabas. Pinuyat ko lang naman siya sa pag-aantay sa akin kasi alas dos ng madaling araw ako nag-decide na sumilip sa earth. Sneaky talaga kasi wala yung kumadrona. Indi nila shur kung natutulog ba o nagmi-midnight snack habang nagchi-chismisan kaya walang nag-aassist man lang sa kanila. Nung naramdaman ng nanay ko na unti-unti nang lumalabas ang ulo ko sa pwerta niya, kinalampag nila ng katabi niyang nagle-labor din ang mga gamit dun para marinig sila. Shempre naman diba sa sahig lang naman ako pupulutin kung nagkataon. Ayun, sa gulat ko siguro sa ingay na ginawa nila at sa takot na mabagok ang ulo, kaya bumalik ulit ako sa loob. Literally bumalik talaga ako.😆 Nagtakbuhan daw ung mga nars at kumadrona nung narinig sila at matiwasay akong nailabas.

Kaya kung gustu nyo’ng alamin kung ilang beses ba ako pinanganak…

Dalawa lang naman.

Sabi ng mga kapatid ko, spoiled daw ako kasi bunso. Pero sa tingin ko naman, indi kasi wala nga halos oras sa akin ang aking beloved parents dahilan sa pagkakayod marino nila. Lima kaming magkakapatid, shempre lahat yun mag-aaral. Minsan, nauuna na kaming kumain sa kanila at naaabutan na lang nila kami nanonood at malapit nang matulog.

Nung kinder ako, ate ko ang tumutulong sa paggawa ng assignment ko at kuya ko naman ang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaga nga raw ako natutong bumasa. Sa takot ko ba naman sa titser ko nung Kinder at Grade 1 eh talagang pinilit kong matuto. Shempre kung magkakaron man ng sumbungan, nakauwi na siguro yung titser ko bago pa makarating ang nanay ko. Madalas din ako makalimutan sunduin sa skul. Indi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakita ang eskwelahan namin ng madilim habang nagdadasal na ang mga madre at nakaka-imagine na ko ng kung anu-anung maligno sa mga bintana ng classrooms sa 3rd at 4th floor.

Nagko-commute kami ng kuya ko pauwi kahit na malapit lang ang skul sa bahay namin. Kasi delikado tumawid sa haiwei kaya pinapag-jip na lang kami. Pero nung nakatuntong na ko ng Grade 4, umuuwi na ko mag-isa. Laman kasi ng arcade ang kuya ko kaya sinasabihan na lang niya ako na umuwi na pagkatapos ng klase ko. Nagkaron din kami ng kuya ko ng yaya para magbantay samin. Pero ako, laki sa ate. Ate’s Girl ba ang tawag dun? Mas malapit kasi ako sa kanya kesa kina mama dahil na rin siguro sa madalas na siya ang available na umattend ng kung anu-anung event sa skul namin.

Simula Grade 2 hanggang Grade 6 eh indi naman sa pag-aanu pero napasama rin ako sa Honor Roll. Nagulat na lang ang nanay ko nung binigyan ko siya ng sulat galing sa adviser ko na pinapupunta sila ni papa para sa commencement exercises. Shempre, kagulat-gulat talaga yun kung bising-bisi sila sa pagta-trabaho at wala silang kamalay-malay sa buhey-eskwela ko tapos sabay ganun parang aba panung nangyari yun?! Pero oks lang yun, understanding naman ako eh. Kung indi din sila nagpursige sa pagta-trabaho, indi nila kami mapapagtapos lahat. Pa-bonus ko na lang sa kanila yung mga medal ko, kung nasasangla nga lang sana ang mga ito hehe.

Nung hayskul, mejo humirap ang kumpetisyon. Nakakasama pa rin ako sa mga top chorva pero indi nako nakakapag-uwi ng bacon. Puro pampalubag loob na lang na “buti nga napasama pa eh.” – mga ganun. Okay lang naman yun diba?

Nung college, indi rin ako nakaligtas sa curiousity stage na tinatawag nila. Natengga rin ako pansamantala dahil nga sa pagte-testing ng decision-making ko sa buhay ko. Malay ko bang ganun ang mangyayari diba? Shempre naman tao lang ako (parang ang bulok ng dahilan ko hehe…), panu ko malalaman yung tama kung indi ko mismo naranasan ang mga ito diba? Nasa sa atin naman ang sagot sa mga tanong eh. Malaking factor pa rin ang guidance ng pamilya at faith kay Lord para malampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Kahit nung lumaki na ko (yung tipong pwede nang magpamilya), sinasabi pa rin sa kin ng kapatid ko na spoiled daw ako.

Anu bang meaning ng spoiled?

“Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention.”

Iniisip ko kung alin sa mga nauna kong niwento at kung saang parte dun makikita na spoiled brat ako.

Meron ba? Parang wala naman diba? Parang mas lamang pa na kulang sa atensyon kesa sa spoiled chorva. Pero indi rin naman kasi nandyan ang mga kapatid ko at kahit papano, nagkikita pa kami nina mama kahit nung nasa Saudi pa si papa.

Indi naman kami mayaman.

Saang bagay naman kaya ako pwedeng sabihang spoiled?

Siguro yung pagiging bunso, yun na siguro ang basehan nun.  Para sa’kin, may freedom lang na mag-decide para sa sarili. Dun lang siguro nila ako inispoil. Napasobra nga lang talaga kasi kinarir ko naman ng todo.

Mas lamang pa rin ang pagiging thankful kesa galit o tampo. Marami kasi akong natutunan along the course. At kahit mas madalas na wala sila nung time na yun. Ramdam ko pa rin yung love ng pamilya…ng magulang sa anak. Mahal ko sila kasi kahit mahirap, indi sila sumuko at indi nagpabaya. Isa yun sa maraming bagay na hinahangaan ko sa kanila. Nasa puso ko kahit saan ako mapunta.

Siguro nga spoiled ako.

Spoiled na pala, indi ko lang mashadong napupuna o iba lang talaga ang depinisyon nito para sa akin. At kahit na anu pa ang kinalabasan ng mga nangyari, it’s meant to happen. Walang sisihan.

Lab yu Ma….Pa.🙂

24 thoughts on “Spoiled ka ba?

  1. Having the character or disposition harmed by pampering or oversolicitous attention

    base sa mga words na iyan, hindi ka spoiled. minahal ka lang ng todo ng mga kapatid mo, at syemps nina matherloo and fatherloo mo. kung spoiled ka kasi eh di kung anu-anong pagkaseselfish na post na siguro ang naisulat mo dito, at hindi ka sana napadpad sa malayong lugar para kumayod. ang totoong spoiled eh yung matigas na ang buto at pwede nang gawing leather bag ang balat pero nakasandal pa rin sa magulang.

    you’re the exact opposite.😀

  2. kung ang lahat ng bunso ay spoiled brat, aba, edi spoiled din pla aq, ahuhu..my spoiled bang takot sa yatat..(nyiiii…sitsit plang ni yatat ko, katal na..)
    yeniweyz…karelate me, xe aq din independent ehh..
    pagdating sa decision making, nihahayaan lang aq ni mundra at pundra, xe hindi pa namn aq hagdecide na napasama aq, kya, trusted na nila q..hehehe..
    pero, hanga po aq sau aling beybi…kung baket? di q din po alam, basta alam q lang ur a wonderful person, insayd and awt..Ryt?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s