SANDAANG PASASALAMAT!

 

thanks1 

Wala talagang kasimbilis ang panahon. Anim na buwan na pala mula nang magsimula akong mangarap na magkaron ng sariling blog at maibahagi naman sa inyo ang ga-butil na talento ko sa pagsusulat pagwewento. Sinimulan ko ito sa pagbubukas ng tindahan kasama ng mga kaibigan. Ito ang naging isang paraan para maibahagi namin ang iilang kalokohan adventures na nangyayari sa amin dito sa Dubai. Muntikan ko na nga silang indi maipakilala sa inyo, pero naihabol ko pa rin ang mga tambay (gustu ko silang maalala ng ganito.). Kung paanu kaming nagsimula, ang ilang bahay na natirhan at kung sinu-sinu ang mga naging kaibigan namin.

 

love-wallpaper

 

Kasama na rin sa mga nai-blog ko ang iilang mga wentong pag-ibig. Merong nasama sa love adik chart, may iba samin na nahanap ang destiny, mga tanong na mahirap sagutin. Kung curious kayo sa itsura ng totoong confused sa pag-ibig sana naliwanagan ko kayo. Nakuha ko pang makagawa ng poem para sa lablayp ko naks. May request entry pa na pasikret ang dating pero obvious naman at ang mga kamias moments na tulad nito.

 

friendship

 

Naalala ko pa sa naging samahan na ito, indi nawawala ang mga inuman, lasingan, asaran, soundtrip, kulitan, sawayan, at yung mga pinakaaabangang weekend. Pasalamat na nga lang at yung nag-iisang bouncer namin noon e pasensyoso. Yung kantahan-trip nung gutom at naiinip, Ang wento nung indi nag-ingat si Pao sa keps na may ipen, at pangwewelkam sa bagong tambay na si Kirk.

 

04birthday

 

Mawawala ba naman ang mga bertdeyan? Nangunguna dyan yung pa-sorpresa  epek na naganap sa lab birds na sina Ivan at Tiff,  shempre pagtapos ng sorpresa…babawi naman nung nag-ratsky kami. Ang controversial berdey ng bouncer, at nang iselebreyt ang special siopao ko nung National Siopao Day.

 

hmmm

 

Nakatulong din ang blog na ito na mailabas ang iilang sentimyento ng puso ko. Unahin na natin sa monster na ‘to nung mga panahong nahahayblad ako sa kanya. Pati ang epidemya ng sakit sa bangs na-ispred ko din dito. Nung minsang nitry kong bilangin ang taon kung ganu na kami katagal ng mga fwends ko. Ang mga kababata sa David Street. Ang nilalaman ng diary ko. Ang sapilitang pirmahan ng kontrata. The battle of two prinsesitos. This wentong malaman palaman. Nung inire ni Victoria ang babies namin ni Mine. Ang mga koleksiyonez ko na kala mo marami hehe. Ang paghuhurumentado ng dibdib ko sa sinulat mo (ampness talaga). Ang paglalahad ng iilan sa mga kaadikan ko. Konting patawa side by side. Ang wento ng nakaraan at kamusmusan. Pati kung san kami pinaglihi ni mama. Ang wento ng puso ko. Ilang pang-aasar. Ang una at pangalawang beses na pagbalik ng salon. Ang wentong handog ko para sa mga Alagad ng Bading, Minsang naging insomniac din at ang I love October.

 

missed

 

Kapag malayo sa mga mahal sa buhay, marami tayong mga bagay, tao, hayop at lugar na nakakamiss. Pati kasal ng dear fwend ko namiss ko na rin sa tagal ko dito. Shempre pa, mawawala ba ang mga ka-tambays namin ni Mine sa David?

 

free_music_online

 

Sa sobrang pagiging adik ko sa music, ang mga LSS ko indi rin nakaligtas tulad ng every little thing ng Dishwalla, ang pagkawanggawa na mp3 freebies, ang idol kong si Sungha Jung na astig mag-gitara, yung kulang na lang luha, upuan at lubid na LSS ni Heather Headley, at nung nahalukay ko sa tulong din ni Peebee ang ube lumang baul na kanta.

 

247

 

Kasama na rin siguro sa pagba-blog na sa dami ng mga nadadalaw at nabibisita mong bloggers, natututo ka sa eksperyens ng iba. Matutuwa sa mga wento at magbubukas ng isip mo sa iilang bagay lalo na sa buhay. Isa na rin dito ang pagbabago ng tema at direksyon ng blog ko. Sinimulan ko yun, nung lumipat ako. Kasama na rin dito ang iilang wento ng pagsuko. Nang magdesisyon akong umalis. Ang koneksyon ng ulo at ng plastik. At ang pagseselebra ng aming sampung taon ni Mine.

 

lessons

 

Gayunpaman, sa dami ng mga kalokohan, meron pa ring panggising, yung kahalagahan ng buhay, ang pera at dangal, respeto, pasensyang biskwit, forgiveness, kanin krisis, galit, pag-save kay mother nature, ang katotohanan sa likod ng Friday da 13th, ang payo sa mga epal, para sa mga may reklamo sa buhay, mga inatake ng pag-ibig, sa mga nakakamiss maging bata. Ang katotohanan sa likod ng pagiging KJ. Ang mga bagay-bagay na dapat malaman. Ang sentimyento ng mga may balat down there at ang mga wentong cheese.

 

100th_birthday_cake

 

Anim na buwan.

Isang daang wento.

Sa isang trusted blogsite.

Indi ko alam kung hanggang kelan tatagal ang blog na ito. Sa buhay naman walang kasiguruhan. May mga dumarating at umaalis sa buhay natin, tulad ng maraming bagay. Mananatili ako rito hangga’t may wento, hangga’t may mga ideyang pwedeng i-share sa inyo. Tuloy-tuloy lang, basta’t may internet connection hehe at nandyan kayo na magcha-chaga sa mga anik-anik na maisip kong iwento.

 

gratitude

 

At kung mawala man ako ng ilang araw o linggo…wag mabahala. May pinagkakaabalahan lang pero magbabalik naman ulit. Naka-recharge na at masasabing nakakahinga na rin ng maluwag. Masaya na ulit tulad ng dati. Babalik ako para iwento ko ito sa inyong lahat.🙂

 

abcdef1

32 thoughts on “SANDAANG PASASALAMAT!

  1. Grabe ang level ni Aling Baby… ganda ng pagkagawa ng post na to, nagawa mong isama mga previous entry mo. 100 post for 6 months Astig!!! Keep on blogging!

  2. aling baby congrats pero parang sira pa rin ang site mo at diko mabasa ang first few paragraph ng post mo…

  3. happy 100th post.. happy 6th monts anniversary tama ba??? hehehehe.. tayo ay magsaya at ikalat pa ang wento ni aling baby.. aling baby pautang naman nanng burger??? burger burger burger1

  4. ang daming nagseselebrate ng monthsary sa blog ngaun ah,hehe!
    happy 6th monthsary sa blog mo..

    more blogging days to come!
    balik ka na rin pati,hehe!

  5. Congrats aling baby! at nawa’y magtuloy tuloy pa ang iyong pagsusulat para mabasa ng mundo ang iyong talento😉

    halfway pa kme para maka-100th na din

  6. salamat po sa lahat ng pagbati!!🙂

    tinapos ko na ang isang buwan sanang pagpapahinga…indi na kinaya ng powers kong indi magsulat. saka namiss ko rin ang mamasyal sa mga blogs nyo. salamat din sa mga readers at viewers na masusugid dumaan kahit na busy sila (busy daw o.). mamimiss ko siguro lalo na sa mga darating na araw dahil sa ilang pagbabagong nangyari…oh well, if there’s a will, there’s a way.🙂

    thank you, come again.😉

Sarado na ang mga puna.