Sino’ng nag-spread ng CHEESE??

 

 

“E, sabi niya…”

“Sinabi ni ganto na anu daw…”

Narinig ko nga sabi ni ganire…”

“E panu naman yung sinabi ni ganto na…”

 

Heeyy buheey…minsan indi ko mawari kung mas okay ba na updated ka sa mga latest cheese o maging dakilang tagapakinig na lang sa mga ganto pagkagaling mo sa trabaho. Na imbes na ipahinga mo ang sarili sa istress ng buong araw e, maiinit na cheese ang pagdidiskitahan n’yo.

Aminin n’yo, minsan masarap talaga gawing panghimagas ang mga gantong usapan habang kumpleto ang barkada while eating o di kaya e nagyoyosi. Kasama na ito sa pang-araw-araw na buhay. Kadalasan kahit wala kang balak na sumagap ng mga bali-balita e, kusa itong lumalanding sa harap mo. Magugulat ka na lang na ganto na pala ang nangyayari sa mundo na ginagalawan mo.

 

 

Ang pag-spread ng cheese ay kumakalat ng parang ga-kidlat sa bilis. Pag indi mo ito naagapan, lalamunin ka nito ng buong-buo at makukuha pa nitong magkape pagkatapos.

 

 

Kapag ikaw yung involve sa ishu, sa dalawang choice na pwede mong gawin, (1. Magsalita 2. Tumahimik) e parehong walang kwenta. Ganun pa rin ang reaksyon ng mga taong sumasakay lang sa kasikatan mo, (kase sa’yo nakatapat ang limelight.) mapapagod ka lang kung paulit-ulit mong pilit itatayo ang pagkatao mo sa kanila.

 

Teka, matanong ko nga…

 

Does it really matter? Kung magbago man ang tingin nila sa’yo sa gitna ng mga kaguluhang ito? E in the first place, indi ka rin naman perpekto. Would it really matter kung anuman ang sabihin nila against you?”

– – – Wala lang, naisip ko lang naman itanong, kuryos lang ako.

 

Shempre, normal na yung isasagot na, “Shempre naman it would matter lalo na kung alam mong wala kang ginagawang masama at indi mo naman sila inaagrabyado.”

Yung iba naman, ang isasagot dito, “Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin nila, basta ang alam ko, wala akong kasalanan period.”

May kanya-kanya tayong say sa mga gantong ishu. Shempre, diba free country tayo kaya usong-uso yung, Opinyon ko lang naman. Wala naman sigurong masama kung ganito — ganyan.” 

Sa gantong sitwasyon, merong tatlong anggulo. Yung Suspek (yung nagsimula ng kaguluhan. Ang siyang tinuturo ng biktima na sumira ng buhay niya umaway sa kanya.) , Biktima (ang mala-juday na role sa ishu. yung inaapi ng walang kalaban-laban at nanahimik lang sa isang tabi na kala mo inosente talaga inosente sa pangyayari.) , at yung mga miron (ang mga alagad na pwedeng tagapalaganap ng mga wentong walang pinagmulan, mga komentong wala sa lugar at walang magawa kundi dagdagan o palalain ang mga walang wentang ishu.). Yung suspek at biktima, alam na natin ang dilemma nila. Punta tayo dun sa bibihirang mapag-usapan…

 

ANG MGA MIRON

noranians
noranians

vilmanians
vilmanians

 

sibilyan
sibilyan

 

Eksheli, sila talaga ang spice ng mga ishu. Ang sikret weapon na pag bumanat, mas matindi pa sa pagsabog ng bulkang Pinatubo. Pwedeng peacemaker o troublemaker ang mga ito depende sa mood nila. Pwede rin past time nila ang pakikiusyoso sa mga bagay na indi naman talaga kailangang andun sila.

Nahahati sila sa tatlong grupo: Ang Vilmanians, Noranians at Sibilyans. Depende sa mga kampo kung sinu dun sa dalawa ang kanino. Pero sa bawat pagkakataon, indi pwedeng walang papanig kanino. E free country nga diba? So ayun, kapag nagwento sina suspek at biktima sa kanya-kanyang fans club kaanib, shempre parang pass the message yan. Kung anu yung totoo, pwedeng bumaliko, pumulupot at magpaikot-ikot ang mga salita na ni-share mo sa kanila. Op kors, confident ka na naiintindihan nila completely ang panig mo sa sitwasyon kung titingnan base sa ilang beses na pagtango nila sa bawat sentence na binibitiwan mo. Sa mas madalas pa sa minsan na pinag-uusapan nyo ito na napupunta na sa noon, ngayon at hanggang sa future pagtapos babalik ulit sa ishu…shempre diba, pwede na sila makabuo ng sariling konklusyon…free country nga eh. Kung anuman ang lumabas sa bibig ng fans kaanib bilang opinyon sa sitwasyon, magre-reflect pa rin yon sa iyo na siyang nanggaling ang impormasyon at kung anuman ang magiging reaksyon ng mga sibilyan sa mga sinabi ng mga president ng fans club kaanib e indi mo na yun kontrolado.

 

 

Punta naman tayo sa mga inipit Sibilyans.

Sila yung walang kinalaman sa mga pangyayari at wala talagang pakelam sa mga nangyayari at dahil sila ang pinakamasarap kausapin tungkol sa ishu, wala silang choice kundi ma-involve sa mga presscon. Kung anuman ang sabihin ng mga kaanib sa kanya, yun ang magiging impresyon niya sa mga taong involve sa ishu. Depende na lang sa mga sibilyan na ito kung mas pipiliin nilang makianib o wag pansinin ang mga ito at ituloy ang pamumuhay ng tahimik.

 

 

Kakanood ng TV siguro kaya ganto rin ang approach natin walang tigil na pag-spread ng cheese. Panu naman kase, sa mundo ng showbiz, kumikitang kabuhayan ang ganito. Ang pag-usapan ang mga buhay-buhay ng mga buhay nila. Hahalukayin, uungkatin, bubutingtingin, dadagdagan, babawasan pero never na mangunguna sa pagbabalik sa ayos ng mga ito. Tingnan nyo naman at nag-aagawan pa sa top rating ang mga showbiz talk shows ng Dos at Shete. Mas maraming ishu, mas okay kasi dadami ang advertisements. Kung mademanda ka man sa mga maling impormasyon ng ikakalat mo, tulad ng mga mga kolumnista at talk show host sa pangunguna ni Cristy Fermin, e me pambayad ka naman at salo ka ng network kaya ayus lang.

 

 

Pero diba sa totoong buhay, WALANG KITA SA GANTONG GAWAIN.

Di sana mayayaman na ang mga top caliber chismosa’t chismoso sa lugar namin o kaya e, lahat ng walang trabaho samin eh me mga livelihood projects na galing sa mga yumaman sa chismis na mga kapitbahay namen. Malamang siguro, marami nang kumuha ng kursong Gossip Administration.

Kaso nga, walang kita eh…kung meron man, kaaway lang at magulong mundo. Magtaas ng kamay ng may gustu ng gantong buhay. :lol: 

May mga sitwasyon na matagal nang walang katahimikan pero habang may mga nagsasalita at nakikisawsaw pa rin sa ishu indi ito matatapos at para sa mga taong indi tumitigil sa pagsasalita, malamang ayaw lang kasi nila ng tahimik, gustu nila may gulo on the side. Yung iba naman na kala mo walang pakelam pero nagtatayo na pala ng talipapa sa ibang lugar. Tapos yung iba din na kala mo concern talaga pero shempre indi mo rin shur kung genuine nga bang talaga.

May kanya-kanya tayong buhay at opinyon. Minsan, mas mabuti pang sarilinin na lang ang mga bagay na alam nating makakadagdag lang ng lamat sa sitwasyon. Indi natin maiiwasan yung mga taong pa-bibo lang talaga at gustung maambunan ng konting ilaw ng limelight (amp, bigyan ko na lang kaya ng flashlight para matahimik na.) Kung meron ka mang opinyon o suhestyon na nais mong idagdag…bakit indi kaya unahin mo na lang ang sarili mong buhay, pamilya, at kinabukasan kasi ito ang higit na dapat bigyan ng importansya kesa sa pang-eepal sa pag-spread ng cheese na kahit na pumarte ka o maging lead actor/actress ka e walang kikitain kahit isang singkong puyat, duling o kirat pa.

 

Ang lesson dito: Piliing maging sibilyan sa mga ishu…o kaya umiwas sa mga usapang presscon dahil in the end, baka ikaw pa ang sisihin sa mga sinabi mo.

 

14 thoughts on “Sino’ng nag-spread ng CHEESE??

  1. aling baby, di ko mabasa ang inyong post. tuluyan na kayang nasira ang mata ko? o kaya may virus ang monitor ko? (meron ba noon?) mali ba at aoutdated ang browser ko? hay sayang naman at sinusubaybayan pa kita. ang ganda ng bagong kurtina ninyo.🙂



    haayy😦 sayang naman ate mahalia, indi mo mabasa. dalawa na kayo ni mang badoy na ayaw ma-load yung page ng blog ko…waaahhh!! sana dumaan ka ulit baka wala lang sa mood yung pc mo.

  2. ang galing. nairelate ni aling baby ung vilmanians/noranians. clap*clap*clap.
    masaya maging sibilyan. pareho kasing kampo ang magkwe-kwento sayo. kaya malamang sa malamang, maju-judge mo kung sino ung nagsasabi ng totoo at hindi base kung saan nagkatugma ung sinasabi ng both camp. spread the cheese!! lols. astig ung Gossip Admin. ah! malay mo magkaron nun.🙂



    salamats lei!🙂

    tama ka nga dun sa makikita mo kung sinu ang nagsasabi ng totoo kung mananatili kang sibilyan. saka atlis diba, nagkakagulo na sila ikaw, nagkakape lang sa gilid kase…wala kang kinalaman sa mga nangyayari sa kanila hehe…salamat sa pagdalaw.🙂

  3. waaaahh!!! bat ganun?? parang sobrang nahati ung para dun sa mga posts…
    ang habaaaa!!
    tengks pala sa pagbisita!😀
    medyo busy pa talaga eh. sobrang siningit ko lang toh.
    waaaaaahh!! Mabuhay!😀



    huwaatt batopik? parang medyo naguluhan ako ng onti sa comment mo. iba ka talaga, pati sa comments malalim ka hehe… salamat naman sa mga precious minutes na inalay mo sa pagkomento.🙂 gudlaks sa pagtutuos.

  4. ay naku totoo itech… magagaling kaming mga comm grad sa spreading the cheese… hehe! echos! pero infairness kc masarap makinig at masarap magshare ng goodnews and badnews.

    nwei, pero tama ka aling baby kailangan maging sibilyan sa mga pagakakataong wala ka namang dapat kinalaman.😉



    baababababaa yhen comm grad ka pala kaya pala nakaka-relate ka kay cristy hehe..konting ingat lang sa pag-spread ng cheese na indi lumampas sa bread hehe..

  5. tama! isa ka na lang sibilyan. hahaha.
    mahirap jan ung mga meron pa ung mga nagpapahamak sa u.
    anyways noranians ako. (hahahahahaha) “my brother is not a pig.”



    noranians din ako gmac hehe…lam mo naman lab wat ur nanay labs hehe…tama naman na maging sibilyan lang lalo na pag indi mo naman ka-close yung mga nag-aaway haha…paki mo ba sa kanila hehe.😆

  6. minsan nga masarap makipagchismisan…pero hindi masarap ang machismis..hehehe…sabi nga, sa animal kingdom, tao lang daw ang masyadong preoccupied na isipin kung ano ang tingin ng iba sa kanya…

    hindi ko maipapangakong sibilyan ako all the way…hehehe…pero, isa lang ang maipapangako ko. pero kung chumismismis man ako…hehehe…discreet naman.



    haha😆 marami tayung guilty sa pakikinig at pangunguna pagdating sa cheese…pero sana nga yung ibang mashadong balahura, e matuto namang maging discreet kahit papano diba kasi kakainis lang.

  7. aling baby parang sira ang site mo report mo sa barangay wordpress para maayos nila



    dear mang badoy…ni-check ko naman po sa mga friends ko kung nao-open nila yung site ko, ok naman daw.😦 bakit sayo inde? di bale, check mo na lang ulit some other time.🙂 salamat sa pagsilip.🙂

  8. ayyy sibilyan chever everloo talaga ako. pakelam ko naman sa ibang tao ano. para sa akin, ang mga taong mahilig mag “spread ng cheese” ay mga taong hindi masaya sa sarili nilang buhay kaya pinipili nilang pagkalibangan ang buhay ng ibang pipels.

    maikling sagot kapag tinatanong? “ma at pa”. malay at pakelam ko. hehehehehe



    naman…”ma at pa” lang talaga ang katapat ng mga miron na yan para tigilan na ang pagshe-share ng mga kung anu-anung chuvaness ng buhay-buhay ng mga buhay nila hehehe..

  9. ui aling baby salamat sa pagdaan… bukas ipopost ko na yung susunod kong entry… hindi ko mabasa yung mga post mo. sira ata tong pc na ginagamit ko… natatakpan ng sidebar yung unahan ng post… basta bukas (november 6) ipopost ko yung next kuwento ko “LRT SCANDAL” dalaw ka ha.

  10. ummmm.. dapat bitayin na ang mga mahilig mag spread ng cheese… unless low calorie cheese spread gamit nila… hehehe … some pipol will never be happy unless they see suffering.. they, I think are the most dangerous kind to have around..

  11. hahaha… alam ko maraming cheeze wiz jan sa looban nyo. hehehehe…:)

    I just have some few wisdom to share, pre.

    “IF YOU DON’T HAVE ANYTHING GOOD TO SAY… BETTER SAY NOTHING AT ALL.”

    and sa mga nachi-chismis at mainitin ang ulo:

    “WHAT YOU DON’T HEAR WON’T HURT YOU.”
    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s